The Tracy Isabel Borres In Us

There is a story going around about Isabel Borres and her “immersion experiences” with an Aeta community. Reynz an many others wrote about it. This is indeed a very hot topic at the moment!

Hindi sa sinasakyan ko ang nagbabagang usapan na ito. It is just that the behaviour of this stupid spoiled brat reminds me of some incidents I witnessed before. The Tracy Isabel Borres in us or better to say the bad in us. Hindi lang kasi si Isabel ang umaarte ng ganyan, I find that even matured educated people are acting in a totally irrational manner.

When I was in Davao, I met a group of Balikbayan from Germany during the Caracoles Festival in Samal Island last May. With them are their husbands. Matagal bago nagsimula ang naturang programa nang festival kaya napagpasyahan kong kumain muna kami nang aking mga anak. Yong table ng mga balikbayan ang may bakante pa kaya I asked them if we can join. Umoo naman sila kaya ayon nagtake a sit na ang Tita Poorshya niyo and my two makulets. A waitress came after a few minutes and so we ordered our food. Habang naghintay sa pagkain nakipagkuwentuhan muna siyempre ako sa mga nakaupo doon. Small talk lang baga like: saan ka sa Germany, ilang taon ka na doon, anak mo ba ang mga yan, saan ang asawa mo at iba pa. I learned from them na doon na pala sila sa Samal nakatira. Pensionado na siyempre ang kanilang mga jowa kaya they can afford to stay there for good and build a mala palasyong bahay. One of the German guy told me that he felt like a king daw doon. Kibir ko ba, hindi naman ako interesado kong anong pakiramdam niya. Gutom ang naramdaman ko kaya I was getting impatient na dahil ang tagal dumating nang pagkain. Nakulele pati ako sa kayabangan nang aming ka-table. Heneweys, I was so grateful talaga as our food was served. I was also hoping they will leave me alone habang ako ay lumalafang. Teach kasi nang mader ko when I was a kid na huwag magkuwentuhan habang kumakain.

Sorry pero da makuwentong grupo did not refrain from talking. Me full mouth and no choice than to tango nalang nang tango. Maya-maya, a Badjao kid approached our table at naupo sa isang bakanteng silya. The self-proclaimed donyas were aghast at ipinagtabuyan ang bata. They uttered the same words Tracy Isabel Borres spoke on her Fisbuk blog. Kadiri kid, mabaho, madungis and etcetera. At kesyo ang mga Badjao daw ay parang peste, sila daw ay nakakasira nang view sa Davao at kong ano-ano pang salita na nakakapanting sa tenga. Holy cow!!!

I did not say anything, basta’t kinawayan ko ang waitress and asked her to bring extra plate and kubyertos for the kid. The child was obviously hungry. It was also obvious na hindi nagustuhan nang mga ka-table namin ang ginawa ko dahil bigla nalang silang umalis without saying a word. Si Kathleen nga na dito lumaki at sanay sa lifestyle dito ay naawa din sa bata. Ibinigay pa niya ang Coke na nasa backpack niya pati pa ang souvenir t-shirt na kabibili lang namin. Ano at sino ba silang umasta nang ganun? Marami sa atin ang ala Tracy Isabel. Mga ignoranteng matapobre dahil lang nakaangat or umangat. What a shame!

How true, how true…

People are blinded by money. People are blinded by power. People are blinded by pleasure.
People who are blinded by their own pursuits and pleasures are blinded about the reality.
People who put their desires ahead of everything are “spiritually blind”.

Kita niyo? The group I mentioned is only one of the good example. And this kind of incident happens everyday I think at hindi lang during “immersion”. Maraming Tracy na kababayan natin ang nagkalat sa mundo at nasa mismong bayan natin. Sana naman we should not forget who we are or where our families started. Don’t forget those who made you and where you come from. Kasabot?

Reyna Elena and Co in Durianland Day 2

May 13, 2008 – Scuba Diving in Limao, Samal Island

The weather was sunny, mixed with clouds. A slight wind was blowing out of the south cooling the heat of the day. It was almost 10:00 o’clock as we left Sta. Ana wharf, heading to the diving point. The boat ride was not bad at all even if the sea was a bit rough. But as we anchored in Limao, the boat started rocking back and forth. After awhile, Malen starts feeling giddy and nauseatic and so Reynz and Ambo. Ang aming “Nautica Team” ay naging “Nauseatic Team”. Ang dilis na kanilang kinain sa almusal ay bumalik din sa kanilang pinanggalingan. Muntik ng mapalpak ang scuba diving ng tatlo, pero matapos nilang ibuga sa dagat ang sama sa tiyan na kanilang naramdaman. Nakumbinsi ko rin silang mas maiging pumunta sa tubig kaysa manatili sa bangka. Si Ambo ay nagdalang tao, este nagdalawang isip nung una dahil may takot siya sa ilalim ng tubig. Baka daw kasi may bakulaw, tikbalang, aswang at kong anek-anek pang halimaw. But I reassured him na wala, kundi serena lang na nagsa Santa Cruzan. Naku, parang kidlat sa bilis na napabihis si Ambolicious. Hangad niya kasing makita si Dyisebel o si Loreley. Our group was split into two dahil dalawa lang ang avialable na dive master. Nauna si Malen at Ambo.

Malen

Ambo

After the two, kami ni Reynz and Kathleen ang sumunod. Reynz really felt so bad dahil ang nausea niya ay may kakambal na headache. Kaya ayaw na talaga sana niyang magdive. Pero at the end, nagwagi din ang kanyang pagkavavaeh na may male ego.

Her Majesty Reyna Elena

Yours trulily Tita Poorsya

Kathleen

Now mga kabisyo, mga kapuso at mga usyuserang lurker. If you feel like exploring the bottom of the sea then dare to dive!