The Opposite Of What We Are Or What We Have

Generally, lahat nang tao sa whole universe (lalong-lalo na babae) ay gustong-gusto makamit ang opposite nang kanilang let say APPEARANCE. Okay, let me give you an example: SKIN TONE

In Germany:
Noong nagtrabaho pa ako, during summertime kapag lunch break namin. My office mates and I always spend the rest of our time outside the building. Madalas akong nakaupong mag-isa sa isang bench na nasa ilalim nang kahoy. Habang ang mga kaopisina ko naman ay nakaupo lantad sa araw. Kinantiyawan pa ako nang mga ito bakit daw ako nagtatago. Aba eh, wala akong balak na maging nognog ano? Imagine, kong ang balat ko ay kulay uling, ngipin ko nalang ang makikita sa akin sa gabi. Di vah?

During wintertime, madalas na hindi lumalabas ang araw (nakakadepress at nakakaputla) kaya karamihan ng mga Aleman and other Europeans ay pumupunta sa tanning studio. Talaga naman pong ang kinalalabasan ay mas brown pa ang mga hinampak sa akin. Take note may mga tao doong sumobra ang gamit nang tanning bed (addicted na), kaya nasira ang balat nila. Nagkaroon tuloy sila nang balat elepante, gone is the balat porselana. Most people using tanning booths or tanning beds are not aware that it can lead to skin cancer and premature aging of skin.

In the Philippines:
People here admires white flawless skin. Kaya dito, may sangkaterbang produkto na pampaputi ang tinitinda. You can see/buy them in the malls and pharmacies. May mga sabon na pampaputi, lotions like Block & White, facial creams at take note may tabletas pa noh? Nung dumating kami dito last March, I was so mestiza looking talaga (ubo ubo). Hoy huwag niyo akong taasan nang kilay at ako’y hindi pa tapos magrelate. Mestiza looking lang ako pagdating sa skin tone. Flawless as in talaga at umaamag pa kamo sa dilim (ngehehe). Pero matapos akong mag scuba diving nang ilang beses (kinarir ko na talaga ito), wild water rafting (exposed sa araw whole day) at magdrayb-drayb sa malalayong lugar. Guess what happened to my snow white skin (kuno)? Dark brown na po! Hindi na ito umaamag sa dilim (aside from my teeth and my bum). ‘tsaka alam niyo bang kapag lumalabas ako nang bahay sa gabi, kinakahol na ako nang mga aso nang kapitbahay namin dahil akala nila isa akong maligno. Teka, maitim nga ba ang maligno? Anyways, basta’t hindi na nila ako nakikilala.

I was so frustrated na talaga ano dahil pati aso eh gusto white skin lang. So what your lola did is pumunta nang mall and bought the complete Belo Essentials face and body whitening products, kasi whiter skin in seven days daw eh. So ayon, kuskos dito kuskos doon ako at pahid dito pahid doon naman. Aba eh, two weeks na ang nakalipas…wala pa rin akong epektong nakikita noh? My mother scolded me dahil reklamo daw ako nang reklamo samantalang paano naman daw ako puputi kong halos sa dagat na daw ako tumitira. Ayon, tama nga naman siya. When I look at myself, parang may tumutubong kaliskis na nga sa legs ko…I’m almost a mermaid na sa kakasisid sa dagat. Kailangan ko na lang magpahaba nang buhok para mas bagay. Di vah? Ay teka, napalayo na pala ako sa topic. Okay, balik tayo sa pampaputi. Yong ginawa ko ay subok lang naman ano? I can not keep a fairer skin if lagi akong naarawan. Kaya hindi na ulit ako bibili nito. I promise to do my best and to love God and my country and to obey the girl scout laws.

The Opposite Of What We Are Or What We Have

  • Ang mga puti ay gustong magkaroon nang darker skin.
  • Ang may dark skin (na katulad ko) ay gustong pumuti.
  • Ang mga kulot ay nagpaparebond (kagaya ni Kathleen).
  • Yong mga straight naman ang buhok ay nagpapakulot.

Hay ang labo! Bakit nga kaya ano?

Pinay Scandal Renynz de Balbacua Caught

daqueen.jpg

Her Majesty Queen Reynz Elena de Balbacua partied away in Philadelphia earlier this month and made headlines when she shed her crown down and danced the night away with Mister Shokoy Shayonery. Ako ang paparazzi na nakahuli sa dalawang mag ewan.

I have tried to interview the Queen of all the queen, kaya lang wala itong naisagot sa mga tanong ko. She only looked at me and grinned and wave her hand. Para bagang gusto niyang bigkasin na “natarutot ko na siya”. Yon nga ba ang mensahe? Reyna Elena de Balbacua…ikaw lang ang makakasagot sa hiwagang ito!!!