From West To The East

Let me start with “from Philippines back to Alemanya” episode muna tayo ok?

Around February this year, I am sure you remember that I wrote an entry about going or migrating back to the good old bayan kong (nating) Pilipinas. The preparation and everything went smoothly. First week of June, Kathleen was enrolled in Ateneo de Davao H.S and Gillian in Circular Home Pre-School.

Right after the enrollment stress, I went to my birthplace Butuan City to manage my kapiranggot na lupa while waiting for the result of my queries regarding our planned business. Yes, hubby and I has planned to put up a clinic in Davao for tourist and expat patients. Siyempre, kong manirahan kami doon we need a source of income to live. Di vah? Akala ko/namin dahil may mga kaibigan kaming naka upo sa may talampakan ni GMA, (who promised to help us) things will be easier for us. That is what we thought, but later I realized that almost everything is different in real. Every move that I made means dukot sa bulsa, which was tiring in the long run at nakakaloka dahil slow ang feedback. Sa madaling salita, bago natapos ang June…95% ko nang alam na hindi matutuloy ang aming plano due to several ek-ek. Kids were sad as I told them that we have to go back. Siyempre nalungkot din ako but I had no choice. Anyways, THEY put stones on our way and make it hard for us to achieve success, so we left. Hindi sa pagmamayabang but we were ready to invest €XXX,XXX.XX, an adequate amount to operate a modern clinic with own laboratory. Well sayang, but it’s not our loss but theirs…

“FROM THE WEST PART OF GERMANY…TO THE EAST”

In spite of everything, hubby still decided to pursue his plan…dito nga lang sa Germany. Dito naman sa Germany, hindi basta-bastang makapagbukas nang clinic ang isang doctor sa kong saan niya gusto. Doon lang ito maari o posible sa lugar na may bakanteng “Niederlassung Stelle” or let say “Area of Need” where there is a shortage of specific medical practitioners. We actually had three (3) choices: 1. Usedom 2. Lindenberg-Allgäu and 3. Brandenburg. We decided for Brandenburg dahil mas malapit ito sa sibilisasyon, Potsdam and Berlin for instance.

We have to move din sa lugar na ito of course and so we found a new place to live. Ito ngayon ang aming bagong tahanan.


It’s a 284 sqm. country style house, with 6 bedrooms on the second level, 2 bathrooms and one dressing room. While sa ground floor naman, we have a huge kitchen and dining, storage room, spacious and comfortable living room. There is also a sauna, a fitness and laundry room and an office space din pala which is occupied by my better-half.

Our clinic started its operation last October 1. Now, let me show around…

Below is the former “Landes Ambulatorium” (outpatient clinic) building, where our clinic is located.

The reception area…

The waiting room…

Laboratory…(not done yet)

Consulting Office 1

Consulting Office 2

…and the two medical assistants :)

The couple behind it.

Certainly mas masaya sana ako kong natuloy ang lahat sa Davao dahil makakasama ko na ang pamilya ko doon. But I think it was not yet the right time, so until then…I have to wait by the edge of my seat nalang muna.

O Tukso Layuan Mo Ako!

Ang tukso daw ay hindi maaring lumayo, bagkus lalapit at lalapit ito sa atin. Napatunayan ko ito sa sarili ko mismo mga kanguso. Pilit ko mang ilagan ay layuan ang tuksong kumakaway sa akin…ito’y palagi kong hindi nalusutan. Oo isa akong marupok na tao. Pero sino ba ang hindi? Hindi niyo pa ba naranasan ang mga sandaling nanghihina ka at para kang hinihila patungo doon sa tinititigan mo? Kasalanan bang maglalaway sa nagsisarapang pagkain dito sa atin? HEHEHEHE, naisahan ko na naman kayo ano? Hindi tukso sa luto nang Lord ang tinutukoy ko dito kundi luto na mula sa kusina.

Sa tinagal-tagal ko sa Alemanya, natural lamang na gusto ko ulit matikman ang mga pagkaing Pilipino. Katulad ng Inihaw na Buntot ng Bariles (Tuna tail), Kinilaw na Malasuge, Ginataang Alimango, Sweet and Sour or steamed Lapu-lapu at iba pa. Haay naku, kong hindi ka ba naman maloloka dito sa katitikim at kakakain. Hindi lang main course ang nakakabaliw mga kanguso kundi pati na ang mga desserts dito. Like Halo-Halo Special, Fruit Salad, Buko Pandan, Ube Cake, Buchi, Maja Blanca, Fried Banana with syrup at marami pang iba.

Oh my, I am so makasalanan talaga kaya ang kinalabasan ko ngayon ay super Butete na. Ang dati kong bulging tummy ay hindi na nagbabulge dahil bumilog na ito na husto. Para baga akong nakalunok nang kong ilang Melon. Kaya ako naging suki nang mga Malls dito lately dahil iniikot ko ang buong Davao para lang makahanap nang XXXL na pantalon or “American size” as the salesladies call it. The other day nga, naghanap ako nang strapless na bra. The promo girl of Triumph has given me Cup B, but I asked for a bigger one. Hindi dahil lumaki ang boobs ko kundi ang bra ay hindi ko maisara. I told her to give me the largest size which is Cup DD. Bwahahaha, she was so surprised and she even told me na masyado daw itong malaki sa akin dahil double D na nga. Sabi ko sa kanya na okay lang dahil Pilipino size lang naman at hindi German. She looked so puzzled so I explained to her na sa Germany, ang bra na size DD ay pwede niya nang gawing sombrero. Well anyway, batay sa aking mga kinikuwento ngayon sa inyo I am sure ini-imagine niyo na kong gaano ako kataba.

To make the long story a bit shorter, ang Ate, Tita o Lola Beng niyo ang naging uber Dabiana na nang dahil sa kasibaan, katakawan at kong ano-ano pang terms na pwedeng gamitin para sa mga katulad ko na mahilig lumafang. A friend in Belgium asked me through SMS kong ano daw ang mga latest gimmick ko ngayon? Well, since maulan lately, we have no outdoor activities at the moment. And to tell you frankly, I’m a bit bored kaya I decided na magparegister sa isang gym. Take note: Ang ulan at ang aking pagka overweight ang nagtulak sa akin papuntang Holiday Spa. Bukod sa spa, meron din silang gym with the latest equipments, at nag start na kami ni Kathleen last Tuesday. Balak kong araw-arawin ang punta doon until end of this month. Araw-araw but of course iba’t ibang program ang ginagawa namin each day. I hope by that time, medyo may shape na ako para mas lalong maakit sa akin ang aking mahal na asawa (hehehe).

Year 2001 pala nung ako’y huling nakapasok sa isang gym, kaya you can imagine kong gaano ka tindi ang muscle pains na meron ako ngayon. But I am ready to take the pains rather than manatiling kasing bilog nang isang balyena. Ilang beses na akong nagtangkang magdiet noon pero dahil nga masiba, wala ding nangyari. Itong gym ang kahuli-hulihan kong pag-asa and I think pinaka-effective na paraan para medyo pumayat. Ngayon ay talagang tutuhanin ko na ito! Go Go Go Milo! Go for olympic energy, go Milo Milo Milooo.