Bisaya nga ako, may reklamo?

Gusto ko sanang sumulat nang nakakatawa. Pero di ko siya feel ngayon, kaya medyo ranting at bitching topic ang bumabagay sa gloomy feeling ko today kasabay sa gloomy din na weather dito.

Our topic of today class…is about Bisaya. Para sa mga tega northern part of our country, FROM DI ka (from the province) if you are a native Bisaya speaker. Hehehehe, eksperyens ko yan when I was in college (Manila). Tingin nila, I was lower than them dahil nga Bisaya eh. Pero dahil ako ay palaban, hindi umubra ang pang mamata nila sa aken. At lalong wa epek sa akin nang may nagsabi nito: “Tega Davao ka pala? Dinig ko marami daw mamamatay tao doon”. I raised my left brow and replied: “Yes, isa sa kanila ay kaharap mo!”. You may believe me or not, tumahimik ang mundo ko matapos kong sabihin yon.

Hindi lahat nang mga Bisayang katulad ko ang may lakas loob na sumagot. Some if not many, felt intimidated kaya madalas nilang tinatago ang tunay nilang background. Kagaya nang mga na-meet kong mga kababayan natin. Yong isa ay nakilala ko sa isang party noong araw sa Freiburg. She was the first who asked me kong tega saan daw ako sa Pinas. I said I am from Davao and she said she’s from Cebu pero hindi na daw siya marunong mag Bisaya dahil super tagal daw silang tumira sa Maynila. It could be true…kaso lang ang intonation nang kanyang pagsalita nang Tagalog is soo Bisaya. Alam niyo na…Bisaya matigas ang dila. Well anyways, few minutes later…may iba pang mga bisitang dumating. That lady tagalang hilaw approached the newly arrived guests. Ayon nagbeso-beso sila at bumanat na nang kuwento itong si Ms. Hilaw. She was talking in Bisaya!!! Kakasabi niya lang sa akin na hindi na siya marunong and all of a sudden…nag Bisaya siya? Ngeekk what a fake.

Just recently may na-meet ako ditong Pinay. Nagtagalog siya siyempre, madali lang ang usapan namin dahil may lakad pa akong iba. The next time we met, ayon binanatan niya na ako nang kuwento na tega Cebu nga siya and that hindi na siya marunong magbisaya dahil doon na sila tumira sa Maynila etc. etc. etc. Ilang beses ko nang narinig ang ganyang tell-tale, it’s getting tiresome na ha. I was annoyed na talaga pero pinagbigyan ko pa rin. In between her blahs…medyo nagkandahirap na siyang magtagalog. Kaya I told her na: “Oy alam mo, mabuti pang magbisaya nalang tayo para hindi ka na mahihirapan pa.”

The bottom line of the story is that one should be honest and true to oneself, to avoid embarrassment or awkward situation.

Why pretend to be someone you’re not? Are you afraid that people might belittle you? Or are you ashamed of your roots? Eh ano ngayon kong Bisaya? Ano ba ang dapat diyan ikahiya? Wala!

Concerning the people naman na mahilig mangutya sa mga Bisaya. I think they are brainless that’s why they do that…pangungutya sa kapwa.

I am a Filipina, a Bisaya one and I am proud of it. O ano, may reklamo?