Yes, maybe ito ay inamag lang or natabunan na ng alikabok. Pero ang site na ito ay hindi patay kundi medyo natulog lang. Ang Tita Poorshya niyo kasi ay medyo nadaganan ng sandamakmak na trabaho sa bahay at clinic at pakikipagsosyalan. Alam niyo, hindi ko akalaing very stressing pala ang ganitong buhay. Yon bang you have to play different roles sa madla. Pero don’t ya worry folks, I may look older now, pero okay pa rin ako. Naging malawak na ang aking kaalaman sa pagiging practical nurse (kuno), at para na rin akong doktor na inject ng inject. Hehehehe, sino ba ang mag-akalang ako ay mapunta sa medical field. Pero ewwww! Medyo ngumingiwi pa rin ang pis ko when I see infected wounds at kong anek-anek pang wounds diyan. Bagamat labag man sa aking kalooban, hala go pa rin ang Tita niyo dahil nakatali na siya dito. Ika nga resignation not possible.
So what’s new ba dito sa blogosphere? I am sure super daming gimmick dito ngayon na di ko alam. Or is everything the same pa rin va? Sige nga kuwentuhan niyo ang lola niyo! Saken or sa amin naman, well maraming bagay ang naganap mula noong huli kong update dito.
Like for example:
Ang anak kong panganay ay nag-asawa na noong April.

Si Lolo G. niyo ay naging Knight of Rizal naman last May.

At siyempers ako din…I mean, on that same day inducted din ako bilang isang Lady of Rizal.

May 16, one uforgettable day of my life evah. Why? Eh naging celebrities kami nang isang araw noh? Nagshooting sa amin ang ZDF (local tv channel) from morning til past midnight. The documentary film about us was aired last June.

Rampadora si Lady Poorshya, kaya join din ang byuti niya noong ginanap ang First General Assembly ng Ladies of Rizal Europe doon sa Bonn end of May. Take note: Ang nag-iisa gentleman diyan ay si Consul General Romeo L. Manalo ng Philippine Consulate General, Frankfurt.

Aray ko, sumasakit na ang likod ko sa kakasulat at edit ng mga piktyurs. Marami pa akong ikukwento sa inyo pero sa next update nalang ang iba. Ayaw ko kayong pagurin sa ito nalang muna sa ngayon. Okay? Just wanted to let you know that we are all doing fine here in our new home.
I miss blogging a lot, but my time was very limited few months ago kaya I was forced to take a short break. Now I’m back and I hope I can update often this time.