EB With Sofie And The Great Surprise

The EB Mania started when kids and I arrived in Manila. There I met real nice people whom I only knew through blogging. Si Sofie naman ay naging kabarkada ko rin sa blog, but we already got the chance to meet personally two years ago kasama si Atinna – isang kabarkadang blogista din na takot daw sa sausage (don’t know which one). From then on, hindi na naputol ang communication namin. Sofie emailed me before she arrived Philippines and informed me that she’s coming to the Durianland to visit us. I thought she was just kidding pero talagang tinutuo niya ito. Hehehe, may word of honor talaga ang bakletang ito. She arrived last May 2 and left yesterday evening. It was indeed just a very short visit and even if kaming dalawa lang…folks believe me or not…we had lots of fun.

Iniwanan niya akong my dark circles sa mata dahil hindi matapos-tapos ang aming kuwentuhan. On May 3rd, we decided to go to Paradise Beach Resort dahil fully book ang Pearl Farm. It was already afternoon as we arrived because we went shopping first. We actually wanted to buy some bottles of wine para dalhin ito sa resort. But I advised her not to because of the outrageously high corkage rate. So ayon wala na kaming binitbit aside from a pack of Puto, Kutsinta and Pili-pili. And guess what, pati ba naman yon ay pinaiwanan pa nila sa reception. Kesyo bawal daw ang magdala ng pagkain sa cottage at kong anek-anek pang bawal. Like hindi rin pwedeng magdala nang alcoholic drinks kahit sa terrace ng cottage. Pero ang hindi nila alam, may nailusot pa rin kaming kakanin na hindi nila nakita during the inspection. Aside from the kakanin, hagikhikan pa rin kami sa cottage namin kahit bawal ang gumawa ng noise. Susme, para naman silang home for the aged instead na resort. I understand that some guests are there to relax, pero paano nalang ang mga guests na katulad namin ni Sofie? Haay naku, basta’t I promised that they will never see our faces there again. Nevahh! May iba pang resort noh?

On our way to Paradise Beach in Samal Island. Medyo malinaw pa ang isipan ko dito.

Kinabukasan…ako po ay natuleleng. Tuleleng na umakyat sa puno ng niyog, namitas…

at ibininta ang Buko…para sana magka-moolah. Pero walang naibinta kaya walang pera.

Pera na kailangan ko sana para pambili ng special Halo-Halo. Haay tsalap.

Pati si Kathleen ay nahawa na rin sa kahibangan nang ina niya at dinilaan na ang karatola.

Si Kulet-Bulelet naman ay naki Limbo na sa mga dancers.

Habang si Sofie ay busy sa kakakuha ng pictures.

Alas tres na nang hapon ng kami ay umuwi kahapon. And as we arrived home…a great surprise was waiting for me. A beautiful bouquet of flowers was neatly laid on our dining table.

And it was from my ever loving husband…

Schatz, du bist einzigartig auf dieser Welt…ICH HAB’ DICH SEHR SEHR LIEB.

Coming up next…EB with Reynz, Malen and Ambo here in Durianland next week!