The Last Time I felt Like This (Background music anyone?)
Who was your first love? Why did you break up with him or her? And do you still love him or her? Would you reconnect if your ways cross again?
We are old enough to answer this question di ba? So no malice please. You may or may not answer this question…it is all up to you.
We can’t help but remember our first loves, even if we’d rather forget them. Whether it was a high school sweetheart, your first real relationship after college, or the first person you said “I love you” to, chances are that person still holds a powerful spell over you.
So I just wanted to ask who was your first love (no need to write the real name, just replace it with dots)? Why did you break up with him or her? And do you still love him or her?
As for me, ang una kong pag-ibig ay si Dot Dot Dot. We didn’t broke up dahil hindi naman kami naging magsyota. Mahal ko siya pero hindi niya ito alam. Hindi niya alam dahil wala din siyang nakitang hint, at hindi rin ako nag flirt. Pero alam kong mahal din niya ako. Yes, I could feel it but I was not certain if I was right. All I did was waiting, waiting for him to tell me that he loves me too. Alangan namang ako ang manligaw
. I was 19, he was 20…we were both young and shy. Nagkahiyaan kaming dalawa…kaya ang labas, para lang kaming magbarkada. Around 1981, umalis ako sa dati kong tinirhan without telling him. Para que? Basta’t umalis nalang akong bigla. Masakit kasi sa puso ang ganoong sitwasyon. Kaya I decided to move somewhereelse to forget him…
O ano kayo…ano naman ang naging experience niyo sa inyong unang pag-ibig. Don’t be shy girls/boys, common open up
.

Desclaimer: Images are not my own; they were found on Google.
ANG KARUGTONG…
I moved somewherelese para kalimutan siya. Kalimutan…is a word that can be easily spoken. Pero ang katutuhanan ay kakaiba dahil siya pa rin ang pinipintig ng aking puso. Siya pa rin ang hinahanap ko kahit noong nagkaroon na ako ng nobyo. Lalong lumabo ang aking pag-aasa nung nagbunga ang relasyon ko kay B.L. Ang masaklap pa nito…he went to the states dahil natapos na ang petition na ginawa ng kanyang mga magulang. Ang petition na yon din ang dahilan kong bakit hindi kami maaring magpakasal noon. Umalis si B. papuntang States matapos kong manganak and he promised to come back para sa aming wedding. Constant pa ang aming communication nung una…but then few months later, bigla nalang itong natigil. I waited patiently…but nothing happened. Until one day, Kuya W. (B’s big bro) came to visit us and told me that I should forget B. because he is already engaged to someoneelse. Hindi ko na kailangan pang sabihin sa inyo kong ano ang naramdaman ko that moment. Gumuho ang aking mundo, and my future was sealed on that day. I lose my face and my future. I said I lose my future dahil alam ko namang wala na akong pag-asang makakapag-asawa pa sa atin. I was only 21 that time. Batang-bata pa di ba? Pero sinong Pinoy ang pupulot sa isang babaeng may anak? WALA! Buti nalang at itinuloy ko ang aking pag-aaral habang naghintay ako kay B. And I was also working at the same time. My studies, my work and my child kept me going…
God didn’t give up on me. Before my last sem started, umuwi ako sandali sa amin para bisitahin ang mga magulang ko. At para na rin humingi ng tawad sa mga kapalpakang naganap sa buhay ko. And when I was there…I met a German who was actually searching for his penpal. To make the story short, nagkatuluyan kaming dalawa. I left Philippines in 1983.
So here we are now in 2010 and things are looking great for me and my family. Last September 15, I went to Frankfurt para makiramay sa isa kong kaibigan. I admit, I am Facebook addict
. Kaya kahit saan ang aking punta…di ko kinalimutang sumilip kahit saglit dito. After logging in, I saw I have 3 new messages. One from my sister-in-law, one from my nephew who was asking for his FTP password and one from, OH MY GODDD!!! I almost fall down from my chair!!! I just can’t believe it. Dot Dot Dot wrote something like: Kilala ko pa ba daw siya at iba pa. Sinabi niya sa akin na matagal daw niya akong hinanap. Bakit ako biglang nawala? At iba pa. Sumagot ako sa mensahe niya at doon ko ipinaliwanag ang lahat.
Sa madaling salita, nalaman ko ngayon na after all these years…mahal niya pa rin ako. Ako pa rin ang hanap-hanap niya. Napaiyak ako nung mabasa ko ito. Hindi dahil sa saya kundi dahil nanghinayang ako. Sayang! Bakit hindi niya ito nakuhang sabihin sa akin noon? Bakit ngayon pa? Oo, aminado ako…it feels like heaven dahil ito yong pinakaantay ko noon. Pero huli na ang lahat. Kahit sabihin ko pang may tibok pa rin ang puso ko sa kanya…wala na itong saysay dahil wala na akong kalayaan pang umibig. I have to accept and face it na minsan…madamot talaga ang tadhana.