Imbiyerna to the max si Tita Poorshya dahil sa basura atbp

Noon pa man, kinaugalian na nating mga Pilipino ang magtapon ng basura kahit saan. Oo I admit ganyan din ako NOON, pero natuto na ako as I came to La Germania. Pero hindi natin kailangang mangibang bansa para matuto how to properly dispose garbage.

KATAMARAN AT UBOD WALANG RESPETO
Bakit ako naimbyerna to the max? Well, a couple of weeks ago binisita namin ni Kathleen ang isa pang housing lot na nabili namin (3 years ago) sa isang low cost subdivision. Binili namin ito para may iba pang option sakaling hindi namin mafford magpatayo ng bahay doon sa Villa de Mercedes. Anyway, the lot we purchased in Elenita Heights is a corner lot. As we were there, nakita kong may bahay na ang tabi namin and that they are dumping their garden waste sa aming poder. Gabundok na ang taas nito noh, so ibig sabihin matagal na nila itong ginagawa.

Hindi lang basura nang kapitbahay ang nagpataas ng aking presyon kundi pati na ang ginawa ng land developer. Tinambakan nila ng dalawang napakalaking imburnal at landfills ito, at ginawa pa nilang daanan nang truck at kong ano-ano pang construction vehicles. Nag-expand kasi sila sa likod ng aming area kaya daw ganun.

Sa inis ko, I called my husband and told him about it. Kaya din ako tumawag dahil ipinaalam ko sa kanya na papalagyan ko nang concrete fence ang aming area. Sumang-ayon si fader kaya tumawag kaagad ako sa engineer’s office ng Elenita Heights para sabihing alisin ang mga imburnal nila doon, i-level out ang ground at lagyan ng boundary stone. Ang sagot ba naman eh bakit daw? Me: Bakit? Una, dahil amin yan at pangalawa, wala kayong karapatan na gawing tambakan at daan ang aming lupa. You have NO permission to do that, period! Sagot: Opo maam we will do that right away.

After a couple of weeks (binigyan ko sila ng time allowance kaya ganyan katagal), I asked my brother to visit our area para tingnan kong nagawa na nga. The next day, he told me na wala pa daw. So I called the main office and asked the person I know na i-follow up niya ang request ko. Gush, can you imagine what she told me? I need a letter of request daw para doon sa pagpalevel ng ground. What the f%*k! So I said: Miss Engot I don’t think I need to write any letter of request for this matter since it is your people who dump the landfills. It is my right to ask you to remove everything from our property. Her answer: Okey I’ll tell the engineer encharge. Last Wednesday, pinapunta ko ulit brother ko to check if nagawa na ang request ko. Ang resulta: WALA PA RINNNN!!

Nag-isip tuloy ako kong ano ang dapat kong gawin para may mangyari? Kailangan ko kaya silang luhuran, bigyan ng pera or what? Bigyan ng pera? No way. Ano ako, hilo? I thought of doing the same thing what I did with PLDT (Why Is It So Complicated?). Ayon umupa si lola niyo ng isang sports car (wala ng ibang available eh), nakabihis ng sako at tumulak papuntang engineer’s office. Ngehehehe, ewan ko kong bakit kailangan ko pang magpa-impress to make them move their butts. The engineer was there at mismong siya ang nag-offer na gumawa ng plan and estimation at magsubmit sa city engineer’s office. Yon nga lang, I have to pay 6,000.00 pesoses mga kapamilya. Yan naman ang disadvantage kapag kuntudo pa-impress ka. Pero para sa akin ang importante ay magawa ang gusto kong gawin nila. Oo, I said money is not everything, but let me add, it is nice to have it. Lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon.

Matapos kaming mag-usap, I took the chance to visit our property again to see if our neighbor is still dumping their garbage in our lot. Wow shock akesh sa nakita kong pagdami nito. Your lola decided tuloy na sugurin ang kapitbahay para personal na pagsabihan. Luckily nandoon ang maid at ang babaeng may-ari. They were wondering kong sino ang bruhang kaharap nila. So, nagpakilala ako and I told them that I am the owner of the neighboring lot. Here is our conversation:

Me: Misis, I am requesting you to stop dumping your garbage in our area.
Misis: Ha? Hindi ko alam yan ah.
Me: Would you be so kind to come with me so I can show it to you?

Mukhang may takot si misis saken kasi pinasama din niya ang maid niya. Itinuro ko sa kanila ang mga basura at ang traces nito sa pader. Traces na nagpapatunay na mula sa kanilang bakod itinapon ang mga dumi.

Misis: Sorry to disappoint you pero hindi ako ang nagtapon niyan.
Me: Hindi? Don’t tell me na kusang pumakabila ang mga buwisit na basura niyo diyan?
Misis: Itong maid ko siguro.

Sa maid nakatutok ang pansin ko ngayon.

Maid: Maam, hindi lang naman ako ang nagtatapon diyan.

Neighbors became curious kaya nagsilabasan ang mga ito sa kanilang lungga. Which was a big opportunity for me para bungangaan sila.

Me: Buti’t sinabi mo, pero ang point dito is nagtapon ka.
Maid: Pero mga basura lang naman po ng garden namin yan.
Me: Helloooo! Basura is basura…kahit mga damo at twigs lang yan hindi pa rin yan maaring itapon sa poder namin. Hindi namin binili ang lupang ito para baboyin ninyo. Nagkaintindhan ba tayo? No more dumping from now on orelse i-report ko kayo.

Then I looked around and said: Narinig niyo ang pinag-usapan namin di ba? Pero sasabihin ko sa inyo ulit na mula ngayon ay itigil niyo na ang pagdump niyo ng basura dito! And I left and mumured “mga bwisit, mga walang desiplina.”

I called the engineer while driving to hurry the fence permit so I can start the project. I told him about the dumping of basura incident and he just said na, talagang ganyan daw talaga. Sinabi ko sa kanya na hindi ako sang-ayon sa ganyang salita dahil hindi tega bundok at hindi non-educated ang mga naninirahan doon.

Fwede va?

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

14 Responses

  1. minerva says:

    sus maria y joseph…welcome to the club…hehehe mabuti ka basura lang..ang private property ko..at sariling bamboo trees cyang mismong ginamit as a fence sa pag squat.. lets go back to germany na lang oi..kapoy mga balut pinoy …

    then good luck ija…

  2. kengkay says:

    hay ano pa nga ba. walang disiplina at ang nakakainis pa, gaya gaya puto maya at turuan pa kamo! mabuti nga sa mga uzis, at least isang beses na lang yung pagpuputak mo at nalaman nilang lahat na andyan na si tita poorsya ano. lagot kamo silang lahat!

    kengkays last blog post..Libro Adik

  3. lelet1322 says:

    Hi Beng

    Hay naku tita beng, in-ana gyod na…pagwalang nakatingin sige tapon…sino ba ang aamin, talagang wala noh!

    secured your lot before you go back to la Germana…or else pagbalik mo uli may nakatayo ng bahay, totoo yan puedeng mangyari may lot title pa ha!…lam mo naman sa atin pera pera lang ok na…sige ayuha na denha…yo!

  4. vanidosa says:

    Hay naku kaya ang Pilipinas walang asenso, walang disiplina mga tao at may kababuyan pa! Here in my barangay gusto maglagay ng basurahan pero pag ginawa ko pati basura ng kabilang barangay dito pa itatapon at kahit walang nakikitang dumi sa kalye ang kakapal ng mga mukha at naglalaglag parin ng pinag kainan, grabeeee….!

    vanidosas last blog post..I want an ipod

  5. scart says:

    waaaaaa grabe naman nakakapagpa-wrinkles na pala ang pinas ngayon sa dami ng mga taong wa care.

    hay nako ate bheng sukad ni adto dili gyud ko pataka ug labay basura kay maglagot ko magtan-aw. gusto nako ang basura naka arrange pag-ayu dili pud ko gusto nga sagol sagol ang bulok sa dili.

    pastilan wala lang gihapon pag bag-o ang uban natong igsoon diha sa davao. sumbong ra gud na kay duterte para mapapusilan dayun nyahahahha

    ay teka sa davao ba ang pangyayaring ito? basig nagpataka lang ako hehehe

  6. pagong says:

    hala!, trespassing na, day!. Ipa-hoy gising nimo sa abs-cbn para matauhan sila. Isa sa mga problema dyan sa ating lupang hinirang ay ang hygiene, naku naka-headline talaga dito sa alemanya ang mga basura ng ating kababayan na walang discipline kung papano itapon ng tama, nakakahiya diba!

  7. sha says:

    day i can imagine sa imo nawong ug imo ka bweset hahaha

    shas last blog post..will be away for a whileโ€ฆ again

  8. reyna elena says:

    punyeta ever ang mga yan! parehas na parehas yan nung pangkin kung ginawang motel at resort ang condo ko just because i was not there!

    inalta presyon ako sa gumawa nyan sa lote mo!

  9. Amor says:

    Naku nakaka-highblood at nakaka-imbyerna talaga yung mga ganyan. Sa Nursery Class nga ni Sean Sa Manila Day Care Center may isang lola/guardian ng classmate nya na nagtapon ng wrapper eh katabi nya lang yung basurahan. Nung sinita namin, sabi nya okay lang daw yun kasi may binabayaran daw namang cleaners. Kaya sabi namin anong okay lang? Eh nandyan na nga yung basurahan sa tabi mo, i-aasa mo pa sa cleaners? Nakaka-irita!

    Tama yung ginawa mo ate Beng, kailangan malaman nila na hindi pupuwede sa yo yung mga ganung ginagawa nila. Yan ang gusto ko, palaban lalo na kung nasa tama! ๐Ÿ™‚

    Amors last blog post..WordPress 2.6 Upgrade

  10. Napadaan lang po. Maganda itong blog ninyo at masaya ang mga talakayan. Maraming salamat po.

  11. Kevin Paquet says:

    Greetings Pinoy!

    I’m 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
    Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
    Hoping to know you better and that we’ll have a happy blogging relationship!
    If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we’ll add you then ๐Ÿ™‚ [hirap mag monitor ng mga responds sa comments namin sa dami ng blogs na dinalaw ko]

    ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

    Salamat po!
    We’ll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

    Kevin Paquets last blog post..EntreCards problem

  12. Hello Ate it’s been a long time. Wow you are really fierce ate and it serves them right as well. Anyway, I am just wondering if you are still in the Phils.

  13. chuvaness says:

    manaaaaaaay!

    anak ng mga basuraaaaa yaaan!

    buti at chinorva mo manay…ganyan din me…kesehodang mag-mukhang palingkera basta pag nasa tamang disposisyon…walang makakaawat sa kin LOL

    diva….fight for what is noble, true and just ang drama hahahahaha

    chuvanesss last blog post..I am Lost For Words

  14. rhada says:

    buti nga sa kanila! Natarayan sila ni mamah benggay dahil wala silang disiplina! kakahigh blood!

    pero mamah, ang ringkols!!! ๐Ÿ˜‰

    rhadas last blog post..Tsk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *