Noon pa man, kinaugalian na nating mga Pilipino ang magtapon ng basura kahit saan. Oo I admit ganyan din ako NOON, pero natuto na ako as I came to La Germania. Pero hindi natin kailangang mangibang bansa para matuto how to properly dispose garbage.
KATAMARAN AT UBOD WALANG RESPETO
Bakit ako naimbyerna to the max? Well, a couple of weeks ago binisita namin ni Kathleen ang isa pang housing lot na nabili namin (3 years ago) sa isang low cost subdivision. Binili namin ito para may iba pang option sakaling hindi namin mafford magpatayo ng bahay doon sa Villa de Mercedes. Anyway, the lot we purchased in Elenita Heights is a corner lot. As we were there, nakita kong may bahay na ang tabi namin and that they are dumping their garden waste sa aming poder. Gabundok na ang taas nito noh, so ibig sabihin matagal na nila itong ginagawa.
Hindi lang basura nang kapitbahay ang nagpataas ng aking presyon kundi pati na ang ginawa ng land developer. Tinambakan nila ng dalawang napakalaking imburnal at landfills ito, at ginawa pa nilang daanan nang truck at kong ano-ano pang construction vehicles. Nag-expand kasi sila sa likod ng aming area kaya daw ganun.
Sa inis ko, I called my husband and told him about it. Kaya din ako tumawag dahil ipinaalam ko sa kanya na papalagyan ko nang concrete fence ang aming area. Sumang-ayon si fader kaya tumawag kaagad ako sa engineer’s office ng Elenita Heights para sabihing alisin ang mga imburnal nila doon, i-level out ang ground at lagyan ng boundary stone. Ang sagot ba naman eh bakit daw? Me: Bakit? Una, dahil amin yan at pangalawa, wala kayong karapatan na gawing tambakan at daan ang aming lupa. You have NO permission to do that, period! Sagot: Opo maam we will do that right away.
After a couple of weeks (binigyan ko sila ng time allowance kaya ganyan katagal), I asked my brother to visit our area para tingnan kong nagawa na nga. The next day, he told me na wala pa daw. So I called the main office and asked the person I know na i-follow up niya ang request ko. Gush, can you imagine what she told me? I need a letter of request daw para doon sa pagpalevel ng ground. What the f%*k! So I said: Miss Engot I don’t think I need to write any letter of request for this matter since it is your people who dump the landfills. It is my right to ask you to remove everything from our property. Her answer: Okey I’ll tell the engineer encharge. Last Wednesday, pinapunta ko ulit brother ko to check if nagawa na ang request ko. Ang resulta: WALA PA RINNNN!!
Nag-isip tuloy ako kong ano ang dapat kong gawin para may mangyari? Kailangan ko kaya silang luhuran, bigyan ng pera or what? Bigyan ng pera? No way. Ano ako, hilo? I thought of doing the same thing what I did with PLDT (Why Is It So Complicated?). Ayon umupa si lola niyo ng isang sports car (wala ng ibang available eh), nakabihis ng sako at tumulak papuntang engineer’s office. Ngehehehe, ewan ko kong bakit kailangan ko pang magpa-impress to make them move their butts. The engineer was there at mismong siya ang nag-offer na gumawa ng plan and estimation at magsubmit sa city engineer’s office. Yon nga lang, I have to pay 6,000.00 pesoses mga kapamilya. Yan naman ang disadvantage kapag kuntudo pa-impress ka. Pero para sa akin ang importante ay magawa ang gusto kong gawin nila. Oo, I said money is not everything, but let me add, it is nice to have it. Lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon.
Matapos kaming mag-usap, I took the chance to visit our property again to see if our neighbor is still dumping their garbage in our lot. Wow shock akesh sa nakita kong pagdami nito. Your lola decided tuloy na sugurin ang kapitbahay para personal na pagsabihan. Luckily nandoon ang maid at ang babaeng may-ari. They were wondering kong sino ang bruhang kaharap nila. So, nagpakilala ako and I told them that I am the owner of the neighboring lot. Here is our conversation:
Me: Misis, I am requesting you to stop dumping your garbage in our area.
Misis: Ha? Hindi ko alam yan ah.
Me: Would you be so kind to come with me so I can show it to you?
Mukhang may takot si misis saken kasi pinasama din niya ang maid niya. Itinuro ko sa kanila ang mga basura at ang traces nito sa pader. Traces na nagpapatunay na mula sa kanilang bakod itinapon ang mga dumi.
Misis: Sorry to disappoint you pero hindi ako ang nagtapon niyan.
Me: Hindi? Don’t tell me na kusang pumakabila ang mga buwisit na basura niyo diyan?
Misis: Itong maid ko siguro.
Sa maid nakatutok ang pansin ko ngayon.
Maid: Maam, hindi lang naman ako ang nagtatapon diyan.
Neighbors became curious kaya nagsilabasan ang mga ito sa kanilang lungga. Which was a big opportunity for me para bungangaan sila.
Me: Buti’t sinabi mo, pero ang point dito is nagtapon ka.
Maid: Pero mga basura lang naman po ng garden namin yan.
Me: Helloooo! Basura is basura…kahit mga damo at twigs lang yan hindi pa rin yan maaring itapon sa poder namin. Hindi namin binili ang lupang ito para baboyin ninyo. Nagkaintindhan ba tayo? No more dumping from now on orelse i-report ko kayo.
Then I looked around and said: Narinig niyo ang pinag-usapan namin di ba? Pero sasabihin ko sa inyo ulit na mula ngayon ay itigil niyo na ang pagdump niyo ng basura dito! And I left and mumured “mga bwisit, mga walang desiplina.”
I called the engineer while driving to hurry the fence permit so I can start the project. I told him about the dumping of basura incident and he just said na, talagang ganyan daw talaga. Sinabi ko sa kanya na hindi ako sang-ayon sa ganyang salita dahil hindi tega bundok at hindi non-educated ang mga naninirahan doon.
Fwede va?







My name is Beng and Kauderwelsch is my personal blog. I have three charming kids, two naughty cats, and a husband that I adore. I'm old but still ambitious, stubborn and well determined by nature. I am obsessive about things that interest me and that I care about. I am an entrepreneur at heart and my