The Opposite Of What We Are Or What We Have

Generally, lahat nang tao sa whole universe (lalong-lalo na babae) ay gustong-gusto makamit ang opposite nang kanilang let say APPEARANCE. Okay, let me give you an example: SKIN TONE

In Germany:
Noong nagtrabaho pa ako, during summertime kapag lunch break namin. My office mates and I always spend the rest of our time outside the building. Madalas akong nakaupong mag-isa sa isang bench na nasa ilalim nang kahoy. Habang ang mga kaopisina ko naman ay nakaupo lantad sa araw. Kinantiyawan pa ako nang mga ito bakit daw ako nagtatago. Aba eh, wala akong balak na maging nognog ano? Imagine, kong ang balat ko ay kulay uling, ngipin ko nalang ang makikita sa akin sa gabi. Di vah?

During wintertime, madalas na hindi lumalabas ang araw (nakakadepress at nakakaputla) kaya karamihan ng mga Aleman and other Europeans ay pumupunta sa tanning studio. Talaga naman pong ang kinalalabasan ay mas brown pa ang mga hinampak sa akin. Take note may mga tao doong sumobra ang gamit nang tanning bed (addicted na), kaya nasira ang balat nila. Nagkaroon tuloy sila nang balat elepante, gone is the balat porselana. Most people using tanning booths or tanning beds are not aware that it can lead to skin cancer and premature aging of skin.

In the Philippines:
People here admires white flawless skin. Kaya dito, may sangkaterbang produkto na pampaputi ang tinitinda. You can see/buy them in the malls and pharmacies. May mga sabon na pampaputi, lotions like Block & White, facial creams at take note may tabletas pa noh? Nung dumating kami dito last March, I was so mestiza looking talaga (ubo ubo). Hoy huwag niyo akong taasan nang kilay at ako’y hindi pa tapos magrelate. Mestiza looking lang ako pagdating sa skin tone. Flawless as in talaga at umaamag pa kamo sa dilim (ngehehe). Pero matapos akong mag scuba diving nang ilang beses (kinarir ko na talaga ito), wild water rafting (exposed sa araw whole day) at magdrayb-drayb sa malalayong lugar. Guess what happened to my snow white skin (kuno)? Dark brown na po! Hindi na ito umaamag sa dilim (aside from my teeth and my bum). ‘tsaka alam niyo bang kapag lumalabas ako nang bahay sa gabi, kinakahol na ako nang mga aso nang kapitbahay namin dahil akala nila isa akong maligno. Teka, maitim nga ba ang maligno? Anyways, basta’t hindi na nila ako nakikilala.

I was so frustrated na talaga ano dahil pati aso eh gusto white skin lang. So what your lola did is pumunta nang mall and bought the complete Belo Essentials face and body whitening products, kasi whiter skin in seven days daw eh. So ayon, kuskos dito kuskos doon ako at pahid dito pahid doon naman. Aba eh, two weeks na ang nakalipas…wala pa rin akong epektong nakikita noh? My mother scolded me dahil reklamo daw ako nang reklamo samantalang paano naman daw ako puputi kong halos sa dagat na daw ako tumitira. Ayon, tama nga naman siya. When I look at myself, parang may tumutubong kaliskis na nga sa legs ko…I’m almost a mermaid na sa kakasisid sa dagat. Kailangan ko na lang magpahaba nang buhok para mas bagay. Di vah? Ay teka, napalayo na pala ako sa topic. Okay, balik tayo sa pampaputi. Yong ginawa ko ay subok lang naman ano? I can not keep a fairer skin if lagi akong naarawan. Kaya hindi na ulit ako bibili nito. I promise to do my best and to love God and my country and to obey the girl scout laws.

The Opposite Of What We Are Or What We Have

  • Ang mga puti ay gustong magkaroon nang darker skin.
  • Ang may dark skin (na katulad ko) ay gustong pumuti.
  • Ang mga kulot ay nagpaparebond (kagaya ni Kathleen).
  • Yong mga straight naman ang buhok ay nagpapakulot.

Hay ang labo! Bakit nga kaya ano?

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

46 Responses

  1. pagong says:

    alam mo, sumakit ang panga ko sa kakatawa while reading your blog, totot lahat ng sinabi mo, karamihan babae dyan sa pinas gumamit ng pamputi ng balat, at kahit ang iba dyan ay hindi masyadong dark skin gustong mas maputi silang
    tingnang. Ganun din naitanong ko sa sarili ko tulad ng isinulat mo above. human have no satisfaction…, isn’t it!

    We miss you all and Gruß von Oma

    • Beng says:

      Cel, I’m glad to hear na napatawa kita. Hay naku, super commercialized talaga dito. Alam na alam nang mga negosyante kong paano hugutin ang kahuli-hulihang pera nang mga tao.

      Greetings from all of us here. We miss you too 🙂 HUGS!

  2. reyna elena says:

    ~!@# ARAY KUH#@!~ hahahahahaha! pramis! gusto ko talaga maging lalaki, kaso am better being a gurl! HAHAHAH

  3. pusa says:

    wehehehehhe manay beng ako natry ko na lahat para pumooti josko wa talaga epekto an mga chorva nila na in 7 days =( pero paniwala pa rin ako at may i buy pag me bagong product na whitening na lumalabas sa market! hay tao nga naman hehehehe

    • Beng says:

      whahahaha, ikaw din ba Agnes? Kaya nga may I not buy nalang ulit dahil wa epek din naman eh. Gasgas ang wallet ko sa kaek-ekan na ito.

      I’ll ask Michael Jackson kaya kong paano siya pumuti?

  4. atinna ang babaeng iguana says:

    ehehehehehhehe….madali lang yan, atebengganda! tulad ko, gumamit ka ng apog. pulbusin ang isang malaking tipak ng apog at i-dilute sa tepid water na may kahalong konting honey, ipahid sa buong katawan lalo na sa maiitim na parte tulad ng singitsingit at liki-liki; iwanan ng 12 hours para effective. banlawan at mag moisturize ng lyna medicated cream hihihihihi and presto, maputi na ang kili-kili nyo!!!!
    ika nga sa isang billboard sa MRT sa edsa, “gumamit ng xx whitening soap, kutis porselana, kutis mayaman ka!”

    anak ng hweteng na colonial mentalidad na yan, oo!

    eh kamusta ka na ba ‘tebeng? mukang enjoy na enjoy ka jan sa byutiful davao ah! talaga, pag nanalo ako sa supistik jan din ako titira sa tabing bahay mo sa villa de mercedez benz. pag di ako tumama sa supistik, mamamasukan na lang akong taga tanggal ng libag mo, pwede? kahit liit sweldo at di mo ko umentuhan basta libre pagkain okey na shaken.

    babush!!

    kisses to your beautiful little tyanaks na mga anaks, the pogi gillian and pretty kath. wag ka galit ha, sabi mo kasi maligno ka e di tyanak naman mga junakis mo. manananggal kasi ako.

    • Beng says:

      Atinenggg na pamangkin ni Snow White, yan ba ang sekweto mo kaya ka super puti? Ang gumamit ng apog? Eh di ba’t isa sa mga ingredients yan na pandagdag sa mga nginunguya nang mga negritos of the mountain? Pero kong yan say mo, di subukan ko siya. Kwidaw ka ha kapag hindi ako puputi, bubunutin ko buhok mo doon isa-isa.

      Hehehe, tumpak ang sinabi mong colonial mentality. Mukhang hindi na yata maalis yan ah.

      We are doing fine here ‘tineng. Simpleng buhay lang pero masaya naman at magaan ang pakiramdam dahil lagi akong naarawan. Unlike sa Germany na Dios mio once in a blue moon lang umaaraw. Suwerte ka nga nung dumating ka doon. Pero alam mo may kulang pa rin ang buhay ko. Wala pa kasi si Papa G and we miss him terribly na talaga. Pero di bale…malapit na ang panahong magkikita kaming muli.

      Oy, ipagdasal mong manalo ako sa lotto (tataya na ako). Kapag tumama ako, I will invite you talaga…akong blaha sa yo :). Hoy hindi bagay sa yo ang mamasukan. Mas ako pa kaya huwag kanang mag-ilusyon. Ipaubaya mo nalang saken yan 😀

      Hugs and kisses pala from my tiyanaks. Thank you daw sabi ni Kathleen, she’s glad hindi mo daw siya nakakalimutan.

  5. dan says:

    mommy request pede ako header ang title kay “The adventure of DANSOY!” hehe..

  6. dan says:

    the adventure is most commonly used naman meh. ‘Pandesal ng buhay ko ‘ nalang mommy. waaa. hirap pumili. Kana nalang momy.

  7. Hi Ate Beng,
    Alam mo ba dito rin, maraming trying hard mag-tan. They spend hundreds of dollars in tanning while they complain of high gas prices.

    Nakakatawa naman kahit aso gusto pala maputi ha. I have a post about celebrating our natural color.

    Wow, sarap na naman ang scuba diving adventures mo. You’re such a cool mom! Your tan is a proof of the fun you
    had.

    While you are in Davao, can you recommend a place to buy good quality pearls? (pero hindi taga ang presyo ha)

    Have a wonderful weekend!

    • Beng says:

      Hi Tina,
      Hehehe, di nga ba’t they spend so much money para lang magkaroon nang tan skin, tapos sa atin naman ay opposite ang pinaggastusan ng pera.

      Yang scuba diving pala ay noon ko pa hilig, naputol lang when I came to Germany. Malayo sa dagat eh at saka super mahal pa nang equipments.

      Siyanga pala I went to the area nang mga nagtitinda nang perlas. Sweet water Pearls nalang daw ang meron sila darling.

  8. K says:

    Blame TV commercials in Pinas I think, sa dami ng mga pampaputi ang epek wala naman. Sa mga high maintenance lang bagay yan (gaya natin, hahaha, jokes!).

    Pinoys should be proud, because of our skin kulay, naiinggit sila sa atin. Kunting minuto ka lang nasa harap ng araw, nognog ka na. I like darker skin, I have used solarium a few times (ok, I’m dying with skink cancer hehehe) just to show off that I have the golden skin – pag the more you’re darker with ultra SPF#30 smell lotion in your body, wearing a Gucci glasses, sosyal ka, hahaha.

    Uso pa ba yung Derma? Or Chin Chun Su (ba yun?).

    • Beng says:

      Tama ka K, grabe nga ang TV commercials dito at hindi lang ganyan kundi yong mga nagsilakihan pang ads sa mga roadsides.

      Re high maintenance…ay korek ka diyan. A bit luho is our consolation. Ikanga, pangbalance sa ating stress…di vah? Re Gucci pala, I seldom use my original things dito kasi nagkalat ang mga gumagamit nang peke. Ayokong isipin nang mga tao na isa pa akong peke kaya pa local nalang si Ate mo ngayon. Though may mga occassions din naman na ginagamit ko ito. Arte noh?

      Tungkol sa tanong mo about Derma or Chin Chun Su, ehhm…di ko alam if they still exist. Wala kasi akong nakikita sa Mall eh.

  9. rhada says:

    kaya nga minarapat ko na lang na sa ibang bansa na lamang mamirmihan sapagkat mas napapansin ang aking exorcist, ahek, exotic byuti….

    hindi ko na kailangan ang mga pampaputi ek la bum na yan dahil mas in dito ang kayumangging kaligatan, di ba mama benggay??

    • Beng says:

      Rhads korek na korek ka, iba na talaga ang natural na kulay. Hehehe, ang hirap kayang magmaintain nang white skin dito sa Pinas ano?

      Kaya manatili nalang tayong brown…less hassle pa :).

  10. dansoy says:

    salamat dyud mommy ko.! I love my blog. Love it very much.!

  11. dansoy says:

    mommy dili na nako makit’an ang site. huhu. confix professional ata ang mugawas. german ang language…

  12. dan says:

    sorry mommy. i’l ask you first nalang bago i’change ang sticted area. Mommy unsaon pag balhin or pagbutang sa akong mga widgets from my old blog?!

  13. scart says:

    hehhee nakakatuwa ang entry mo ate bheng. kasi ang tao kung gustong makamit ang wala sa kanila na sa akala ay mas bagay. kumbaga gusto lang subukan pero ang masaklap kapag nalaman nila na mas bagay pala sa kanila ang ganun itsura nagiging adik na hehehehe kaya tuloy yung iba nagka-cancer mabuti nalang wala whitening bed sa pinas at hindi ako mayaman kundi baka pasyente narin ako ng may cancer sa balat nyahahahaha

    • Beng says:

      Hi Scart, wala ngang whitening bed pero bleaching. I remember when I was in high school. I was a majorette, tapos kapag may parade, binibleach muna ang mga hita namin one day before para daw makinis tingnan. Kita mo ha? Noong araw pa ang kaartihang ito.

  14. Sofie says:

    Hello ‘te Beng!

    Hehehe… aliw tong kwento mo. Ay naku proud ako sa aking kulay inday, kayumangging kaligatan, kaya pinaka-iingatan. Nyahaha…

    Two years ago, nasa supermarket kami sa Pinas, naghahanap ako ng sun protection lotion. Susme naman, wala akong makita na walang halong whitening ek ek na yan. Sabi ko sa pamangkin ko, wala akong ambisyong pumuti, at kontento na ako sa kulay. Tawa siya. Pero nakabili rin ako, kasi wala akong makita, e kailangan ko talaga ng sun protection lotion. Ay ano va yan, pag-apply ko, lalo akong nangitim. Ngek!

    Nitong April, nakakita ako ng maayos na, di na pampaitim at pampaputi. 🙂 Dapat pala sa drugstore pumunta. Ayayay…

    Have a nice week! Hello kay Kathleen at Gillian!

    • Beng says:

      Sofie, may mga tindang sun protection din sa Malls. Well, baka mas marami nga naman ang choices sa durgstores like Watson.

      Alam mo may binili ako ditong Nivea Sun Block na SPF 70. Akala ko hindi ako iitim kapag ganito kataas ang gagamitin ko. Pero mukhang protection lang yata ito against sunburn. Kasi naging kulay kape ako after a whole day sun exposure.

      Have a nice week too and kisses from the three of us!

      • Sofie says:

        Hello ‘te Beng!

        Mukhang sa Watson nga ako bumili noon, pero hindi nivea ang binili ko, isa yan sa pinagpilian ko. Kinuha ko yong Hawaiian Tropic Ozone SPF 70 rin. Oks sya. Trust ko na yang hawaiian tropic kasi na-try ko na ibang products nila. Namili talaga ako kasi baka may tanning capability kahit na spf70 makuha ko. Ayayay… Ayaw ko rin ng may pampaputi ek ek kasi mas nangitim pa ako kasya pumuti.

        Naku hindi uubra sa mga babad sa init kagaya natin ang mga whitening ek ek na yan. Pag mag-apply ka nyan, dapat magtago ka na rin agad pag lumabas na si araw. 🙂 Kaya di ako nagka-interes kahit noon pa sa Pinas.

        Nagiging effective lang yan pag nagkukulong ka sa bahay mo. 😆 Magmongha ka na lang pag ganoon. 😆

    • Beng says:

      Buset na CommentLuv ayaw gumana! Test lang ito hehehe.

  15. Bakit ba ayaw na ayaw ng Pinoy ang kulay ni Nora Aunor?!! mentalidad natin talaga he he.

    Kumusta na?! Yang si atinnapay, iindyanin ka at hindi daw uuwi ang maldita.
    Mainit na lumalamig ang drama sa lugar namin, as usual. At syempre I know alam mo na, natsugi sa EK ang deutschland. Hindi mo ba namimiss ang wurst? Kanino? Eh di….dut dut dut…

    muak muak from Holland!

    • Beng says:

      Bruhang Suplada from Holland, hahahaha loka-loka ka talaga. Siyempre naman…I miss the wurst terribly noh? Dinadaan ko nalang sa jogging para mailabas ko through pawis ang gutom ko dito. Ngehehehehehe. Di bale, nalalapit na ang araw ng muli naming pagkikita.

      Napanuod ko sa internet ang pagtsugi ng la viva Espanya sa Alemanya. Ako, I really don’t mind it…pero si Kathleen eh parang namatayan ng pusa.

      Thousand SMAK from Durianland.

  16. Amor says:

    natawa, natuwa na naman ako sa post mo Ate Beng! 🙂

    Dark brown din ako dati dahil malapit lang sa tabing dagat yung bahay namin sa probinsya. Buti nadaan ako ng konti sa kung anu-anong sabong pampaputi nung dumating ako dito sa Maynila. Naging light brown na ako ngayon, haha! At syempre, naturally wavy ang hair ko kaya nag papa- rebond din.

    • Beng says:

      Amor, pareho pala kayo ni Kathleen na nagparebond. Malapit din pala sa dagat ang bahay niyo sa probinsyia? Gustong-gusto ko talaga ang ganyan kasi mahilig ako sa dagat eh. Mukhang isdang butete yata ako during my early life :).

  17. lelet1322 says:

    Hi Beng

    Nakakatuwa and story mo dito, parang na-imagine ko na ang nagyari sa u pati aw aw ng aso…hihihi… pero totoo mga kwento mo how white people gustong gusto magpa-tan…tayo naman gustong pumuti…iba na talaga ang generation ngayon day…

    We are influence by too much commercialism…ok lang yan if one has the money. Pinoys ay fair complexion pero may tendency na pumuti kung nasa ibang bansa na at hindi na naaarawan kaya no need na bumili ng pampaputi.

    Ngayon nga dahil in na in ang glutathione dito sa bansa natin mostly pinays going gaga for this at least wala itong side effects antioxidants pa, iba nga may calcium content pa like I tried before from Japan with whitening pearl…hihihi…talagang nakakaputi at natanggal ang mga blemishes at also good for losing weight…me too going gaga for this…LOL…

    thanks ang ingat dyan day…

    nice day

    • Beng says:

      Hi Let,

      Tama ka masyadong commercialized ang Pinas kaya kalimitan ang mga tao ay commercial victim din ;).

      Effective ba talaga yang Glutathione na yan? Ano naman itong Met Tathione na ito? I heard this one is much better daw kasi it is a reduced form of glutathione daw. Hehehe, mukhang may balak ano?

      • lelet1322 says:

        Hi Beng,

        Totoo yan, victim din tayo…mahilig tayong maniwala agad.

        Met gluta at ibang brand name like Lucida ay pareho lang pero gaano ka effective na puputi? Ang dalawang ito ay puro artistang mapuputi na ang model…try mo ang met gluta, ito ang ginagamit ni judy an santos, di ba pumuti na siya…pero wag ka na mag-scuba diving…hihihi

        • Beng says:

          Let, sa nabanggit mong skin blemishes ako naging interesado. Ang dami ko kasing freckles eh. Oo pahinga muna ako sa pagdadive. Lalo na ngayon na masama ang panahon, laging may current eh kaya mahirap magdive.

        • lelet1322 says:

          email ko na lang sa yo ang pangalan ng meds, puntahan ko muna sa sm west doon ang store nakalimutan ko ang name ng gamot…korean store ang nagbibinta nito pero japan product…yo!

  18. vanidosa says:

    Aray ko! tinamaan ako dyan. Alam mo bang nag parelax ako ng buhok equivalent to semi rebond yun. Ngayon eh nirorollers ko ulit ang dulo para kumulot,,,,, hahahaha di maintindihan kung anong gusto kong mangyari. Oist wag ka masyadong magbilad sa araw at nakaka tanda yan.

    • Beng says:

      Hahaha, Marie…sorry ha? I didn’t mean to hit anyone personally. Ako nga ay nagparelax din kunyari nang buhok ang kinalabasan nito ngayon ay parang walis tingting sa tigas at tuwid, plus nasira pa ang buhok. Waaaaaa. Gusto ko nang magpakalboooo.

      Natigil na scuba kahibangan ko ngayon darling dahil laging masama ang panahon. Tapos hapon na kong kami ay lumalabas dahil super tindi nang init eh. Or if di maiwasang lumawas nang noon time…I am using Sun Block naman kasi nga ayaw kong masisira ang balat porcelata ko eh. Hugs!

  19. kengkay says:

    wehehehe, ay ako dati may i try din ng ganyan pero wiz, tanggap ko ng ako e kulay yelow, ahahaha. ang maligno ay may kanya kanyang kulay din, tingnan mo si ellumbranigno, hahaha 😀

    kaya naman nung umuwi kami dyan, naubusan ng after sun lotion si kengkoy, edi nagpabili ako. napansin nya after a few days na nawawala yung kanyang tan — ahahah, sabi ko sa kanya kasi lahat ng lotion dito sa asya e may pampaputi! o, next time daw maghoard na kami ng lotion galing germany at sayang daw yung bakasyon kung wala syang maiuuwing tan!

  20. Beng says:

    Bwahahahaha Kengkay, maloloka ako sa iyo talaga. Bakit ka kulay dilaw, napadami ba ang kain mo ng yellow corn? Hahaha! Djuks lang. I forgot pala about the maligno na si ellubrangot asungot.

    Kawawa naman pala si Kengkoy mo dahil walang bisa ang kanyang ilang linggong pagbilad sa araw. Next time magpabalikbayan ka nang isang kartong after sun lotion para siguradong “knackig braun” siya pagbalik niyo sa Alemanya.

  21. Ting says:

    Mutti,

    Sosyal ka ha. Itim na itim ka na. Nasaan ang fiktyur? Salamat, salamat sa explanation kung bakit nasa lupang sinilangan ka ngayon. Eat luts of durian and lanzones for me. Tanda ko ganitong panahon uso yung mga yon.

    Love,

    Ting

    • Beng says:

      Muttilein, hehehe may piktyur ako pero mata ko lang makikita. Harharhar djuk. Basta ang itim ko na, confirmed yan dahil nung makita ako nang kapitbahay nang mama ko, sabi ba naman eh “Benggggg ang itim mo naaaa”.

      Butets na ako Ting sa kakakain ng kong anek-anek na prutas at kakanin dito. Waaaaaaa. Season nga ngayon ng Durian at Mangosteen. Gusto mo batuhan kita papunta riyan?

      Bengs last blog post..The Opposite Of What We Are Or What We Have

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *