From Ronzone Highland Back To Lowland

Intro:
THANK YOU ALL FOR YOUR WARM NEW YEAR WISHES. HERE’S WISHING YOU HAPPINESS AND JOY IN THE DAYS AHEAD! AND THANK YOU SO MUCH FOR EVERYTHING!!!

Ola amigas y amigos, Feliz Año Nuevo tardía! Cómo es usted or kumustamos ginamos o bagoong con pinitpit na bawang. Pagpasensiyahan niyo si lola niyo’t medyo hilo pa galing sa biyahe. Haay, I wanted to write an update since yesterday. I know there was more I wanted to write, but my mind just went blank (kuno). I think highland air is toxic for my “brain” kaya no wonder lalo akong na windang. So I’ll just write nalang whatever comes out of my mind and fingertips, hokay?

Before we left last Dec. 27, I planned to write something short about our vacation para at least hindi kayo magtaka kong bakit tahimik dito sa bahay ko. Unfortunately, naubos ang time ko sa pag-impake ng aming mga gamit kaya hindi ko na ito nakuhang gawin. Hindi niyo lang alam na kapag si lola niyo ang bumabiyahe…halos buong gamit ang bitbit. Kaya laging inaabot ng siyam-siyam sa kakapili, kakaisip, kakatingin, kakacheck at kakapalit nang di niya type dalhin. In short, sa sobrang kaartehan…siya ay natabunan ng mga abobot na sa bandang huli ay di rin naman pala nagagamit.

Well anyway, let me tell you where we’ve been. The diva of all divas Jing invited us to spend a few days at their vacation home in Ronzone, Italy.

ronzone, italy

Muntik pa kamong hindi matuloy dahil halos lahat kami dito ay tinamaan ng linshyak na flu. Sa tulong ng antibiotic at kong anek-anek pang gamot na aming nilunok, medyo bumuti ang aming pakiramdan. Medyo bingi nga lang ako at si Papa G. naman ay ngungo at kahol ng kahol the whole time. Can you imagine how it was while we were on our way to South Tyrol? Let me give you a sample scenario, like fafa G. asked me something. Papa G: Tinawagan mo ba sila ni Jing na on the way na tayo (ubo ubo ubo)? Sagot ko: Ano kamo ang sabi mooo? Inulit niya ang tanong niya pero pasigaw na: Sinabi kong blah blah blah! Sabi ko naman: Ay aba, huwag mo akong sigawan dahil hindi ako bingi noh! Sagot naman niya: Di ba’t sabi mo hindi ka ngayon (ubo ubo ubo ubo) masyodong nakakarinig? Me: Oo nga pero sobrang lakas naman sigaw mo…parang bulyaw ang dating. Papa G: Asus, bingi na sensitibo pa. Continue reading