German Lottery Jackpot Now Reach 43 Million Euro

Lotto fever outbreak – Ilang milyong Aleman at iba pang mamamayang nakatira malapit sa border ng Germany ay nahawaan sa lotto fever na ito. Kasama na dito si Misis Lukresya Gayagaya. Wala sana akong planong makisali sa masa, pero kahapon nang pumunta ako sa tindahan para bumili ng office supplies. Nasulyapan ko ang monitor ng Lotto Computer, 43 million was boldly shown on the screen. Aba 38 lang yon nung Sabado, so ibig sabihin walang tumama sa jackpot last draw. I was waiting for my turn dahil may mga nauna sa akin, kaya nagkaroon ako ng panahong magmuni-muni. Para akong na hypnotized ng figure na nasa monitor kaya nung kausapin ako ng may-ari ng tindahan…hindi kaagad ako nakasagot. Frau Gärtner greeted me again…and I think she guessed what I have in mind. She said: “Oh Frau Hafner do you really need that amount?” hindi kaagad ako nakasagot. Then I said “ay aba oo ah, alam na alam ko kong saan ko gagastusin ang halagang yan”.
She asked: So tell me, how are you going to spend the money in case you win? My answer: Well, I’m going to give 3 million to my eldest. Two (2) million to my daughter and 1 million to Gillian (as savings of course). 20 million will be deposited in our swiss bank account and the rest ay para sa mga plano naming mag-asawa. We will leave Germany for good and we’ll go back to I love my own my native land Philipayns. There, I’m going to build my own charity institution para sa mga street children. Then I’ll buy a bahay kubo, para walang magkamaling kumidnap sa amin. She laughed dahil ako ay nagbibiro ika niya.
Kahapon, hindi ko nakuhang tumaya dahil hindi ko dala ang aking eyeglasses. Kumuha nalang ako ng isang lottery ticket para sa bahay ko ito gagawin. This morning as I was checking my emails, nasulyapan ko ulit ang papel naito na nakalapag sa tabi ng aking laptop. Parang nagsasalita na, sige na sige na tumaya ka na. Super lakas ng tukso kaya hayon pinuno ko na ang 12 boxes at dinala ko na rin kaagad sa lottery outlet para makahabol sa draw bukas.
Oh well…I am sure I’m not going to win dahil ang iba ay grabe kong makataya…libo-libo. Walang binatbat ang nag-iisa kong ticket kumpara sa kanila.
Kong hindi ko ma hit ang jackpot, hindi na rin ako maglotto…magastos eh tsaka sayang…dalawang pack din yon ng Marlboro. Mag stick nalang ako sa panaginip at pangarap, libre pa
.