Panawagan At Kaunting Paalala

I am calling the attention of some Pinays in FR (grubierF) para sa inyo ito.

Bago ko simulan ang panawagan at paalalang ito, gusto kong malaman ninyo na ito ay hindi ko gawa-gawa lamang at bukod sa lahat lalong hindi ko kagustuhang isulat ang magiging laman nito. Kong hindi dahil sa pakiusap ng isang dalagitang anak ng tega FR na nagpadala sa akin ng mensahe sa Friendster account ko, hindi mabubuo ang entry na ito.

Sumakit ang ulo ko kagabi sa kakaisip kong nararapat bang gawin itong balak kong gawin o hindi. Dahil ang magiging labas kasi, ay para akong nanghihimasok sa buhay ng may buhay. Nang mabasa ko ang sulat ng dalagita, ang reaction ko kaagad ay: “hmn, pakialam ko sa inyo”. Sinagot ko nga siya pero hindi talaga dibdiban dahil ayaw ko ngang makialam. Sabi ko sa kanya: Nun ja, lass mir bitte Zeit. Ich werde mal sehen was ich tun kann. “Please give me time. I will see what I can do”. Ayaw kong makialam pero hindi ko rin matiis at hindi kaya ng aking budhi na i-turn down siya. Oo nga, kong ang unang impresyon ang pagbabasihan, parang nagsusumbong lang ang naturang bata. But when I analyzed the content of her message, I clearly see that she is crying for help.

Nagmakaawa ito sa akin na kausapin ko raw ang kanyang inang “medyo” (subtly expressed) naligaw sa landas. Si nanay niyang nalulong sa barkada, mahjong, disco at kahahanap ng ibang fafa. Kaya daw silang magkapatid ay tuluyan ng napabayaan. Silang magkapatid din ang malubhang nagdurusa sa pangongotya ng kanilang mga classmates at mga batang kapitbahay. Dahil sa mga milagrong pinaggagawa ng kanilang ina. Inang halos hindi na umuuwi ng bahay at makikita nalang daw nila sa city na may kasamang Adam na sobrang bata sa kanya. Si Adam daw ay isa ding banyaga dito sa Alemanya, walang trabaho at wala pang papel kaya si nanay ang sumusuporta.

Oh mein Gott kind, was soll nur mit dir machen huh? Habt bitte keine Angst, ich werde dein Name nicht verraten. Auf keinen fall!

Well, posting this issue here might not be the right solution. Siguro iisipin niyo na gusto kong ipahiya ang tao. Nope I don’t want to disgrace her or them, no need, dahil ginawa na niya/nila ito mismo sa sarili niya/nila. Gusto ko lang ipaabot sa madla para mabasa din ito ng ibang ina na nawala rin sa landas.

Ako ay nananawagan sa inyo mga NANAY na tega FR at hindi tega FR na medyo ang takbo ng buhay ay kahawig diyan sa isa (dalawa o tatlo). Ano mang milagro ang inyong gagawin wala akong pakialam. On behalf of your children hiling ko lang, huwag niyo namang kalimutan na meron kayong malaking pananagutan sa inyong mga anak. Sila ang unang naaapektohan, sila ang nagdurusa at nasaksaktan sa mga kabalbalang inyong pinaggagawa. Bigyan niyo naman ng galang ang kanilang pagkatao. Magwala na kayo kong gusto niyo pero hoy, bear in mind you have growing kids! Parang sodom and gomorrah na daw ang lagay niyo diyan?

Ako ay nagbabakasakaling na may kaunti pang tino natira sa isipan niyo. Tandaan niyo ito, nakasalalay sa inyo INA ang kinabukasan ng mga bata. Kayo INA ang dapat sanang magiging magandang halimbawa ng inyong mga anak. Mag isip-isip kayo habang may natira pang pagmamahal ang mga anak niyo sa inyo. Laging huli ang pagsisisi ika nga. Kaya bago tuluyang mawala sa iyo/inyo ang lahat…idilat niyo na ang inyong mga mata.

ICH APPELIERE HIERMIT AN EURE VERNUNFT, WACH ENDLICH AUF!!!

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

20 Responses

  1. ghee says:

    nakakalungkot pero totoong nangyayari ano?at agree ako sa sinabi mo na ang mga bata ang nag sa suffer sa milagrong ginagawa ng mga nanay na gaya nila…sigh..bakit nga kaya nakakalimutan ang sariling anak para lang sa sarili nila??

    :duh :duh :duh

    mukhang na high blood ka Beng?

    • Beng says:

      ghee, sa garapal na pagkasabi…nakalimutan ng mga ito ang kanilang mga anak dahil sa libog at sa kanilang ilusyon. sigurado akong may kakulangan sa loob ng kanilang marriage. alam ko rin ang mga dahilan, pero hindi ko na kailangan pang sabihin at baka meron akong masasaktang ibang tao na hindi kasangkot sa pangyayari. i’ll remain objective nalang.

  2. scart says:

    kahudlak anang bayhana uy. tindog ako balahibo bheng. sana naman matauhan na sya ang pinakakawawa ay ang mga bata tsk. bakit may mag magulang na ganun? ano bang mga problema nila at nagagawa nila ang mga ganun bagay? sana lang matauhan na ang nanay ng mga batang yun.

    ay nga pala bheng naa koy award nimo na gikan pud sa uban share lang nako nimo. pag ayu-ayu diha 🙂

    • Beng says:

      day scart, alam na alam ko ang mga problema ng mga ito. i said mga dahil magkakabarkada ang mga yan na pareho ang gawain. kilala ko ang mga ito dahil nakatira kami dati sa lugar na ito.

      siguro, matatauhan lang sila kong itataboy na sila ng mga asawa nila. at kong nasa lansangan na sila maninirahan.

  3. K says:

    Ate Beng, this is a nice share to learn from. May iba’t ibang tao talaga na hindi natin maisip kung bakit ginagawa nila yan. Ang nararapat siguro ay yung mga anak nya mismo ang kumausap sa kanilang Nanay. Tanungin kung bakit nya ginagawa ang mga ito. Hindi dapat nila hayaang ganun na lang. Sa huli, pamilya pa rin nila yun. Mahirap maki-simpatya sa mga taong hindi marunong makinig o ayaw ng ibang tao na sila ay pagsabihan kung ano ang tama at mali. Nangyayari ito kahit kanino, pero ang masasabi ko lang, just give them some thoughts at sila na ang bahala kung susundin nila ang payo mo.

    Pero, teka natawa ako sa .. “kahahanap ng ibang fafa”.

    Dito sa HK, problema din yan ng ibang mga kababayan natin. Minsan, inisip ko na lang, “kagustuhan nila yun, malalaki na sila at kung utak pulbura sila, manigas!”. :grin

    • Beng says:

      “kagustuhan nila yun, malalaki na sila at kung utak pulbura sila, manigas!”

      hehehe, dito naman ako amused sa sinabi mong ito. lalo na sa word na “manigas”. talaga namang ang lutong!

      alam mo K, i assume na kaya lumapit ang bata sa akin dahil hindi niya kaya ang ina niya. wala din yatang ibang malalapitan doon banda sa kanila dahil pare-pareho ang mga gawain ng mga ito.

      let me tell you a brief story about this people. dati kaming nakatira noon sa freiburg. kaya ko kilala ang mga haliparot na ito. i mean kilala lang ha and not friends. sugapa na sila noon pa sa mahjong. noon, mahjong palang ang kanilang pinagkaabalahan. everytime na may party may laro at siyempre nandoon kasama din ang kanilang mga anak. minsan, i witnessed na sinampal ng isang nanay ang anak niya dahil humingi ito ng mainom. nadistruct si nanay eh kaya umunit ang ulo. lalo na’t natalo na siya.

      there was also a time na napadaan kami sa isang may nagpaparty. kaladkad kasi ako ng best friend ko doon dahil maniningil daw siya. it was already past 10 in the evening as we arrived there. can you imagine, there were two kids sleeping under the table where these kababayan of ours played mahjong. the kids were like dogs na nakahiga sa may paanan ng kanilang ina. i was staring at the kids with bleeding heart.

      • K says:

        Aba kailangan i-report na yan sa DSWD. Kawawa naman yun dalawang anak. Pano kaya kung kausapin na lang yung mga kalaro sa mahjong ng babaeng ito?

        Pano kaya kung sunugin na lang ang mahjong para maloka ang gagang ito at maisip na mali pala ang vices nya? Pano kaya kung tumawag kayo ng pulis kunyari na “RAID” para matakot? Paano kaya kung tanggalan sya ng “residency” status dahil pinapabayaan nya ang kanyang mga anak.

        Ano kaya kung pakainin na lang sa kanya yung mahjong?

        Seriously, kailangan ng babaeng to ng disiplina. :angry:

  4. melai says:

    nakakapanlaki ng ulo tong entry mo manay ..nangingilabot mga punong hibla ng buhok ko ….the fact na sumulat sayo yang batang yan ibig sabihin malala na sitwasyon nila …hope magising na yang si INA na yan hay buhay talaga oo …. tsk tsk tsk di muna unahinn ang mga anak e, okey lang sana magka papa basta ba dapat e hindi yung linta na sisipsipin pati na mga dugo nya dba? dapat sya manipsip ng dugo lol!! nudaw ba yun …basta …. sama natin sya sa ating panalangin manay …

    • Beng says:

      talagang malala na melai. pinapalayas na nga daw ng ama nila itong bruha. now, she is knocking on every kababayan’s door at nakikiusap kong pwedeng doon muna makitira. nasa kanilang ama pa ang mga bata, but then the problem is…hindi naman kaya ng tatay na alagaan sila.

      magsindi nalang tayo ng :candle at ipanalangin nalang natin sa Maykapal na sana matauhan ang nanay na ito.

  5. sofie says:

    Hello ‘te Beng!

    Nakaka-addict ang mahjong, past time sa probinsya yan e, lalo pa kaya sex. Bwahaha… :)) :)) :)) Just like any other games, if those who are playing mahjong can’t control and discipline themselves, ay naku, siguradong lalaki eyebags nila. :)) :))

    Have a nice weekend!

  6. KK says:

    Ms. Beng,
    Para kong naririnig yung nagbigay ng seminar para sa mga OFW bago ako umalis papunta rito. Marami talagang mga tukso kung nasa ibang bansa lalo na kung wala sa puder ng pamilya. Pero naman! Kasama pala ang pamilya sa tahanan. Nakakalungkot at yung anak pa pala ang naghahanap ng tulong.

    Salamat sa mga paala sa atin na mga INA.

    Oh tukso, layu-an mo kami!

  7. auee says:

    oh dear… it is sad to see some parents lose their way & sense.

  8. K says:

    Ate Beng, Vielen Dank.

    We made it. Blogging is back.

  9. rhada says:

    neybor, isa sa mga naobserbahan ko sa ibang mga pinay na nakadaupang palad ko sa Alemanya ay iyon bang parang “sabik” sila masyado sa gudtime. Yung iba ay mga gurang na pero naghahanap pa rin ng boylets, mahilig sa disco, at mahilig sa casino. Hindi ko alam kung bakit.

    Bakit nga kaya? :duh

  10. marie says:

    asus :duh, kakalungkot naman :angry: kakaawa ang mga bata. :angry:

  11. duke says:

    naku. sana talaga maliwanagan yung nanay na yon para man lang sa anak nya.

  12. kengkay says:

    sana nga magising na sa kanilang pagkatulog ang mga nanay na ganito. bakit kailangan pa nilang magbigay buhay sa mga bata sa mundo kung puputulin din pala nila ang mga buhay nung mga bata sa pamamagitan ng kanilang mga di tamang gawain? maraming ganyan sa buong mundo, at sana sa pamamagitan ng iyong post na ito ay meron silang konting guilt na maramdaman. nakakalungkot ang mga ganyang kwento 🙁 at tama ka beng, nakakasakit ng ulo…

  13. pinayhekmi says:

    Baka nagdro-droga na yung mga yun? O talagang may palpak sa utak? Hindi ko maintindihan ang mga ina na kayang tratuhin yung anak nila ng ganyan. Para bang, nasaan ang puso mo? Pano mo magagawa ito sa mga anak mo? Hindi mo ba ma-ala ala nung binigyan mo sila ng buhay, napaka liit, depende sa yo at mahal na mahal ka?

    Ay nakaka iyak. Hindi ko talaga maintindihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *