German And Holidays

Today is October 3 and it is a national holiday here in Germany. We (dahil german shepherd dog na rin ako) are celebrating “The Day of German Unity”. Anong ginagawa namin sa araw na ito? Wala! Pero malamang na ang mga high ranking officials at invited guests nila ay may party doon sa Berlin. Ang mga maliliit na tao na nakatulad ko o namin ay nasa bahay lang. Ay! Yong iba ay umaalis pala pero kami ay nandito lang sa bahay, nakapajama pa nga ako hanggang tanghali. Nakapajamang nakatunganga sa makulimlim na langit (at may hawak na isang tasang kape), nag-iisip ng wala. I was in the state of mental blankness ng bigla akong sinundot ni mister sabay sabing “magbihis ka na meme (tulog) queen, we go shopping”. Hah? Shopping where? Sarado lahat ngayon ah. Hubby: “But not in Netherland”. Oh yes, how can I forget that…malapit lang pala kami sa border. Then I said: “Oy magaling na lalaki, baka nakalimutan mo na ang naging experience natin last time as we went to the outlet store in Roermond. It took us three hours to drive there dahil halos lahat ng German ay naisipan ding pumunta doon.” Hubby: “Nah! Hindi siguro ganun katraffic papuntang Venlo.” Okay, Venlo is just 3 Kilometers away from our place so we took the risk. Haaay nakuuu, pa exit palang kami papuntang Autobahn nakita ko na ang haba ng pila ng mga sasakyan. Since nasa exit lane na kami, wala ng chance pang umikot…so ayon sige tuloy maneho.

Oh my holly goat! Nakaidlip nalang ako, nakanguya na ng tatlong chewing gum (napanis na kasi ang laway ko eh) hindi pa rin kami nangalahati sa tatlong kilometro. We left home around half past one and we arrived in Venlo at quarter to three. Naalala ko tuloy ang traffic sa Maynila na bumper to bumper, ganun din kanina sa Autobahn. Sa loob ng Mall kong wala lang kaming dalang shopping cart, siguro ang labas ay nguso to nguso dahil sa dami ng tao. Halo-halo pati ang amoy na hindi ko ma identify. It was not “Axe”, hindi rin “Charlie” at lalong hindi :devious “Jo Malone” (ngehehe, remember Malu Fermandez?). Majority ng mga shoppers ay german siyempre noh. Noon at ngayon ay walang pagbabago. Tuwing may darating na holiday, kahit isang araw lang yan…ang mga ito ay nag i-stockpiling. Para bang takot na maubusan at magutuman. Para bagang last chance na nilang mamili bago lulubog ang mundo. Basta’t yan ang impression ko sa kanila. Sa loob ng 24 years na pagtira ko dito ganun pa rin sila.

Napilitan lang kaming umalis dahil naubusan kami ng kape para sa coffee maker na ito. Bumili kami ng sako-sako na para sulit ang biyahe at saka mura lang kasi. Price comparison: one kilo Lavazza or Segafredo caffee, in Germany it cost 18.00 Euro, in Netherland we only pay half of the price. O di ba at cheaper sila? Pero sa susunod kong maubusan na naman kami ng kape (at nataon na holiday), mas pipiliin ko pang magsangag ng mais (pwede na kahit pang popcorn) at yon ang ilalaga ko kaysa makisunod doon sa crowd ng mga alimango.

This entry was posted on Wednesday, October 3rd, 2007 at 5:01 pm and is filed under German Ways. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

RSS feed | Trackback URI

26 Comments »

Comment by chuvaness
2007-10-03 18:14:56

Mami, aliw na aliw ako sa mga smileys mo dito…hahaha…kanina ko pa tinititingnan…nyahahah

wala bang nosebleeding na ganyan? hehehhe

kakatuwa naman..3km lang nasa Netherlands na kayo agad..coolness :))

enjoy po!

 
Comment by sofie
2007-10-03 19:05:27

Hahaha… tawang-tawa ako sa entry mo na to. Naalala ko pa ang Venlo e. Doon niyo kami hinatid para makabalik sa Nederlandia. Ang lapit nga lang naman noon sa inyo, susme inabot kayo ng siyam-siyam doon? Ey, mukhang sampu-sampu pa yata e. Hahaha… Alam mo bang pag school break dito o dyan sa Germany, sobrang traffic dito sa highway na papuntang Italy. Lahat gustong pumunta ng Italia!

Have a nice week, dear!!!

 
Comment by cheh
2007-10-03 20:05:50

hahaha magsangag na lang ng bigas.Masarap yun! mas mura pa hehe aliw naman shopping galore nyo benggay!hindi ko masyadong feel holiday today dahil pumasok si sir! prang normal work day pa rin yun nga lang lang shopping mall na bukas.Ganda ng panahon today parang naging summer ulet pero ulan na naman daw bukas bizit!!

btw,mami kindly check our website.Error daw! :puzzled:

 
Comment by sha
2007-10-03 22:39:31

day naay pa gyud kay sense of humour bisag grey na kaayo langit….. :beee
gi sakit lang ko gamay sakit sa hilanat ug sa puso ngali
lol

sus soon ang british school holidays mao easy jet mahal kaayo

 
Comment by ghee
2007-10-03 23:08:25

HI Beng,

Happy German Day!(yun ba ang tawag dun?haha!)
One day celebration lang pero parang panic buying ano?
at sako sakong kape na ang binili,wow!bilib ako sa coffee maker
nyo,napaka high tech naman!ako kasi,up to now,nescafe pa rin ang ginagamit,hehe..

kahit na halo halo ang amoy,basta ba AXE,ok na sana,anoh?
:bouncy :bouncy

ghee

 
Comment by scart
2007-10-04 01:58:14

hi beng makalingaw man ka mag-sulat uy hehehe grabe naman traffic yun dito sa chicago bihira lang traffic pero yun nga ewan ko lang sa holidays . tagal nyo pala sa germany ano siguro galing mo narin magsalita ng german :D sulit naman byahe nyo at least meron kayong isang sakong kape :rosy

 
Comment by scart
2007-10-04 01:59:46

ay nga pala ito ba yung address na ginamit ko yunajavier[AT]gmail[dot]com?

 
Comment by Tina
2007-10-04 02:20:42

Ms. Beng, Happy Holiday! 24 years ka na diyan!!!!!!!!!!! Oh my gulay, hindi ka ba nagsasawa sa makulimlim na langit? Addict ka nga ng cape! I enjoy good coffee to appreciate my chocolate ;)

Ang sarap siguro mag-drive sa Autobahn ano?

Parang dito kahit hindi Holiday basta weekend, i-stockpiling din ang mga tao. Lalo na kapag may darating na hurricane, ang ubos: tinapay, gatas at toilet paper! Takot walang pamunas ng pwet :)) hindi marunong mag-tabo-tabo. hehehe

 
Comment by sha
2007-10-04 07:30:54

sus day am picking up my coffee drinking habit again once ina while lang i have a nespresso machine at the boat… anyway…am rolling back to bed…

 
Comment by Beng
2007-10-04 12:11:27

@ chuvs,

thanks. nosebleeding smilies gusto mo? hehehe, dapat medyo malaki ito para kita ang dugong umaagos. if ever meron akong makita sasabihin ko sa yo :zwinkern

 
Comment by Beng
2007-10-04 12:18:43

@sofie,

ang mga german talaga oo, hindi lang sakit ang panic buying kundi bawat may libreng panahon ayon alis kahit saan. kaya nga tuwing may school vacation puno ang kalsada. they don’t mind spending most of their time sa traffic jam. Naging hobby na nila ito.

yong pagpunta namin sa venlo ay kalbaryo para sa akin. sumakit wetpunene ko sa kauupo tapos ihing-ihi pa ako. balak ko na sanang bumaba sa sasakyan para juminggle sa gilid :grin

 
Comment by Beng
2007-10-04 12:24:39

@ cheh,
maayo pa mo diha sa south kay maanindot ang panahon. diri sa amoa intawon sige lang ug ulan. trabaho diay si sir nimo gahapon?

@ sha,
pinugos ni nga sense of humor. no choice kasi. get well soon diha nimo.

@ghee,
hobby yata ng mga ito ang stockpiling aside from whinning :doubtful
yong coffee maker namin, si mister ang may pakana niyan. kong anong nakikitang bago bili.

 
Comment by Beng
2007-10-04 12:31:40

@ scart,
grabe talaga ang traffic dito kapag holidays at school vacation. masuwerte kayo diyan at hindi.

alam mo bang mas matagal pa ako dito sa germany kaysa sa atin? dito na ako tumanda pero wala akong balak na dito mamatay. gusto ko ng umuwi sa atin para naman ma enjoy ko ang lifestyle doon. re german language, hay naku can you imagine na kapag ako ay nanaginip german na rin ang salita ko? pati na kong mag-isip, magdasal at magmura…german na rin. germanized na ang utak ng lolaaa :cry:

tungkol pala sa email, yes yan ang ginamit ko. active ba yan or hindi?

 
Comment by Beng
2007-10-04 12:38:30

@ tina,
frankly speaking, ako’y sawang-sawa na sa weather dito and all. kaya nga napakalakas ng urge na umuwi na with my family. hehehe, napag-usapan natin ito partly sa email. as to coffee addiciton, as in talaga :coffee pero umiinom din ako ng tee kong sawa ako sa lasa ng kape.

masarap mag-drive sa autobahn lalo na’t walang speed limit at walang traffic. diyan mo masusubukan ang horse power ng iyong sasakyan.

 
Comment by Beng
2007-10-04 12:39:43

@day sha,
good to know that, pagbalik mo dito hindi na tee ang i-serve ko sa yo kundi kape na :coffee

pagaling ka diyan my friend :hug:

 
Comment by vanidosa
2007-10-04 15:56:15

dapat pala di ka na nagpalit ng pajamas tutal matutulog ka lang din pala sa kotse sa haba bg traffic :car: :car: :car: :car:
oist nagulat naman ako sa header ko at may biglang umapir na larawan ko :bouncy :yes: :bouncy :heartbeat :bouncy
Maraming maraming salamat :)) :yes:

 
Comment by scart
2007-10-04 20:36:13

hi beng its me again yup active yung email new email add ko yan eh waaaa gusto ko mabasa yung reply mo huhuhu sana may podcast ka dito para marinig ko yung boses german mo hehehe

cge ingat :)

 
Comment by Beng
2007-10-04 20:53:56

scart, no wonder na hindi mo natanggap yunjavier(at)gmail.com ang naisulat mo doon sa pinadala mong email sa kin. may kulang na “a” :)
ipapadala ko ulit.

 
Comment by rhoda atienza
2007-10-04 21:48:14

hi beng! haven’t dropped by in a long time…natawa naman ako sa post mo about the german einheit…hehe…next time, bike na lang ang dalhin wag na auto!

 
Comment by gailey
2007-10-05 07:53:50

ang ganda ng coffee maker!

 
Comment by sofie
2007-10-05 09:45:08

‘te Beng!

Next time dala ka ng malong, para may pangcover ka. :bigsmile Talking about malong… I like malongs, nawala lang yong sa akin, nag-iisa lang pa mandin. :(

 
Comment by K
2007-10-05 10:24:06

The German Oktoberfest in HK is fun, daming BEERS, it’s endless.

Enjoy the holiday Ate Beng.

 
Comment by Beng
2007-10-05 15:34:25

hi rhodaaaaa, what a surprise!!! thanks a lot my dear for visiting. re bike hayaan mo at i will really do that next time. lagyan ko pa ng anhänger para may mapaglagyan ng mga goods.

 
Comment by Beng
2007-10-05 15:35:13

gail, kaya nga siya mahal ng asawa ko dahil mas maganda siya kaysa akin :cry:

 
Comment by Beng
2007-10-05 15:38:56

sofie,
hehehe, gud idea yang malong na yan ah. kahit sana payong pwede na rin. kahit mga kamay ko nga sana ay pupuwede na rin, pero alin kaya ang unahin kong takpan :puzzled: mukha ko or wetpunene?

k,
nakapunta ka na sa oktoberfest diyan sa hongkong? ilang mug ng beer ang natumba mo?

 
Comment by kengkay
2007-10-23 16:18:31

napansin mo nga yon ano, panic buying, kahit na isang araw lang magsasara ang tindahan… di katulad ko, araw araw panic buying, ahahaha. buti kami di mahilig sa kape kaya okay na sa amin ang medyas na butas para sa tsaaa :D tama ka nga, ang ganda lang sa oct 3 e walang pasok, so day off ni nanay kengkay dahil andyan si kengkoy para mag babysit!

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Copyright Notice

By entering this site you are agreeing to be bound by the terms of this agreement. All photographs and text appearing in the Kauderwelsch site(s) are the exclusive property of Beng Hafner (except where stated otherwise) and are protected under international copyright treaties. They are made available for your personal viewing enjoyment only. No images are within the Public Domain.

The photographs may not be copied, reproduced, redistributed, manipulated, projected, used or altered in any way without the prior express written permission of Beng Hafner.

Random Quote

How far you go in life depends on your being tender with the young, compassionate with the aged, sympathetic with the striving and tolerant of the weak and the strong. Because someday in life you will have been all of these. — George Washington Carver

Tags