Après Partie

Après Partie After party, para akong isang lantang gulay na tuyot at walang kabuhay-buhay. I need two to three days to recover bago ko masasabing back to normal na naman ang aking system. Three days had passed na after the charity gala kaya back to normal condition and routine na akesh. Kaya may lakas na ulit itong aking mga daliri na magkutingting sa computer para isalaysay sa inyo ang mga naganap sa naturang gala noong Sabado.

Medyo late kaming dumating sa veneu dahil hinintay pa namin ang isa naming kasama. Nagsikainan na nga ang mga guests pagdating namin, kaya lumafang na rin kami matapos naming mahanap ang aming upuan. Medyo na imbey lang ang byuti (charing) ko dahil habang inenjoy ko ang kinakain kong beef carpaccio, bigla akong kinausap ng aking kaharap na lumipat sa kabilang upuan para daw makatabi niya yong kanyang prend (na kasing chaka niya). Walang modo, di man lang inantay na matapos akong kumain. Ako naman na si tanga, lumipat din. Hindi sa pang ookray noh pero bakit ba may mga taong bitbit pa rin ang kanilang kabastusan hanggang sa labas ng lunggang kanilang pinanggalingan? One example itong pinalipat ako habang ngumunguya, then noong nag start ang program, the emcee showed the text of a tagalog christmas song sa isang malaking screen na nakakabit sa wall banda sa aming table. About five people was standing right infront of us, all the rest remained sitted, sila lang ang nakatayo. Sus, akala siguro ng mga yon transprent sila o di kaya baka akala ng mga yon, na mgandang tingnan para sa mga nasa likuran ang kanilang malalapad na may tigyawat na likod. Mga ignoramus talaga. May isa pa akong napuna doon, noong tumutugtog ang band ng “Spaghetti” (of Sex Bomb Girls) may isang lucresia kasilag ang biglang pumatong sa stage at nagsasayaw na parang isang balyenang na stranded sa beach. How daring and how cheap, kadiri to death talaga tingnan, well…siguro naman alam niyo lahat kong paano sayawin ang Spaghetti so you can imagine how it looks like. Ang daming German audience na napailing nalang. You can call me pintasira or whatever you like, pero hindi ko kayang sikmurain ang mga gimmick baduy at pokpok sa isang formal occasion where I paid a lot of money. O siya na nga itigil ko na ang pagngakngak tungkol dito.

Maiba ang usapan. The charity gala last Saturday was successful inspite of the fact na hindi nakarating ang cultural dance group from Cabanatuan City. Bicol Varsitarian Association was still able to complete their program even if it means that some of their officers (elderly) including the president has to perform. They danced Pandanggo Sa Ilaw, at talaga namang nakakaaliw kahit mali-mali ang kanilang performance, all the guests were amused. Andy Pador, the president of the organization exlained that they only had two days to practice the said folk dance kaya nagkaganun. Pinakauna pala ang dance group naming nagperform, and gush…I was so nervous. Sino ba naman ang hindi nerbiyosen, eh 6 years na akong hindi active. Kaya kasing tigas na parang isang poste ng Meralco na ang aking katawan kong kumilos. Pero kahit papaano, we did our best and we were all happy that we were able to participate and conribute help.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *