Kakikayan

Some friends of mine has invited me to join them sa isang Pilipino halloween party in Krefeld last Saturday. Hindi ako sumali dahil I have promised to my hubby to help him rearrange Kathleen’s bedroom. He wanted to assemble the bunk bed we bought last week kasi. Since the new bed needs a big big space, inilabas ko yong ibang furnitures doon sa kuwarto katulad ng isang sirang aparador. Tamang-tama din dahil may naka schedule na bulk rubbish collection dito sometime this week. Kailangang samantalahin ang pagkakataon dahil two times a year lang ito ginagawa ng community.

bellydancing

Anyways, to make the story short I need to empty the cabinet para madala na ito doon sa tambakan. While sorting out Kathleen’s things, I found a box na halo-halo ang laman. Merong mp3 cd’s, Kathleen’s handmade rabbit out of clay, some of her drawings and many many old pictures. The pictures were taken during the time na si akesh ay solo (1998-2000). Laking gulat nalang ni Gerd nang bigla akong sumigaw ng ganito “O wow!!! Hanep ang ganda-ganda ko pala noong alaw oh, at ang payat koh!!!”. Curious malaman kong ano yong pinagsasabi ko, he came to me and grab the photos from my hand. Then he said: “Oh ja, das stimmt.” (tutuo nga ano?). Sus ang timong, hindi pa naman ako dambuhala noong magkakilala kami. Tapos dagdag niya pa: “Na dann mein Schatz, streng dich an!” (So my darling, you have to work hard to get this look again.). Waaaah, sana hindi na ako sumigaw noong makita ko ang mga litrato ko. Napasabak pa tuloy ako ngayon. Hmmmp, basta feel ko ang kumain ngayon kaya no diet and not even aerobic dahil di ko type at the moment. Maybe later kong ako ay 70 na.

Pero sa tutuong usapan, pumapasok din sa isip ko paminsan-minsan ang mag gym at magpenitensiya. Siyempre malaking penitensiya ang one day no eat noh para mabawasan ang katabaan ng aking chanda romero tiyan. Ay pero teka lang, hindi topic dito sa post kong ito ang pagdidyeta ha. Kaya don’t ever think I sound like a sirang CD (hindi na plaka kasi obesolete na yan). Wala akong balak sa ngayon dahil umiiral lagi sa isipan ko ang lumafang ng masasarap na pagkain, kaya magdusa ako sa aking mga jubis.

maarte2

Okay, itutuloy natin ang kalukringang usapan. Alam niyo dati rati, hindi naman ako ganito ka boring na tao. Kaya yong iba diyan na nag-aakalang si akesh ay typical mudra mader talaga at boring pa, ay nagkakamali. Iba na ngayon siyempre ang diskarte ko sa buhay dahil may asawa na akong tao. By choice itong porma at arte ko na ito ngayon, and I don’t regret it dahil naranasan ko nang maging isang seductive na babaeng bading. Para bagang artista (aray) iba’t-ibang role ang ginagampanan. Naku ha, daring din ako noon at may pagkabilib sa sarili (hallelujah) kaya laging nagpapa kuha ng solo picture like the image on the left. Asus buti nalang meron akong mga kuhang ganya. At least meron akong souvenir – a souvenir that brings back memories ika nga ni Knoiz.

misswahl

Sa aking kakikayan era noon kasama din siyempre ang pagiging party animal, kong saan ang party tiyak nandoon ako. Hindi lang yan kundi anik-anik pang activities ang sinalihan ko. May nag-aral ako ng belly dancing, and aside from that active din si lola niyo sa cultural dance group. At naglakas loob pang sumali sa isang byuti contest. Hurrayyy, naka third si lola niyo kahit saling pusa lang and the oldest among the contestants. O Say? Haaaay naku, those were the days.

O siya, mukhang mahaba na ang nobela kong ito. Ayokong ilipad kayo lalo ng hangin na kasalukuyang umuihip dito sa blog ko. Kaya ang mabuti pa dalawin niyo nalang ang bagong setup kong gallery at tingnan ang iba pang scanned pics ng aking mga kabaliwan noong araw. It’s a new found gallery script Zenphoto, actually di na ito talaga bago dahil noon ko pa sinubaybayan ang development ng software na ito. Hindi ko lang ginamit dahil napakameager ng features. But now it’s different, may plugin pa nga for WordPress eh. O siya, here is the link to my other gallery Mosaic Of Memories.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *