A Busy Mama

There were times na (pre blog era) when I say I was busy, I was lying. Like when people asked me where I’d been, kesyo hindi na ako nagpapakita o kaya tumawag man lang. I know it’s bad to lie, pero hindi natin ito minsan maiiwasan. What if the truth could hurt the concerned person? Like for example umiiwas ako sa isang grupo ng tao na medyo di ko type, do I have to tell them ayaw ko sa kanila? O, di ba’t nakakasakit yon. I would rather lie than hurt them. Well anyways, this is not really the topic I would like to write now. But more on my previous and current activites. Yes sure, this is not interesting for you but to write it is a good therapy for me. I know that some of you are already wondering why I no longer bloghop. Alam ko rin na naging one sided ang ating relationship lately (charing) dahil you guys kept on visiting my site and I in return “zero”. Sorry for that mga mahal kong blogmates. Now here comes the part where I have to tell you that I was super busy and still am. Hindi ako nagdadahilan this time but talagang tutuhanan ito.

To be honest with you I am physically tired. Sunod-sunod ba naman ang dating ng mga kamag-anak namin dito. Una ang mother ko, then few weeks after she left dumating naman ang aking mga step kids, they stayed here for two weeks. Pagkatapos ng aking mga step kids ang anak kong binata naman ang nandito with his girlfriend and their cat. They arrived Monday and left on Thursday last week. The next day Friday, ang sister-in-law ko ang pumarito with her husband, granddaughter and yes my mother-in-law was with them too. Can you imagine na para akong isang turumpong umiikot ng walang tigil? Minsan dahil siguro sa sobrang pagod, naisip ko tuloy how did I managed to do all the work? Di ko rin maiwasang mainis at magngitngit…mantakin niyo ba naman, silang lahat nakaupo at nagpasarap habang ako ay di na magkanda-ugaga sa kusina. Hindi ko rin maiwasang itanong sa sarili ko na…bakit ganun? Kapag sila ang bumibisita dito nakaupo lang sila na parang nag-aantay ng umaga. Samantalang kong ako naman ang nandoon sa kanila, I always helped them. Dahil alam ko kong gaano ka stressing ang may bisita sa bahay. Buntong hininga! Ewannnn! Hindi ko maintindihan kong bakit ganito lagi ang papel ko sa buhay. Hindi naman ako ipinanganak sa mundo na tsimay! Hindi ko pangarap na maging prinsesa (dahil huli na ang lahat) pero sana naman bigyan din ako ng mga ito ng kaunting konsiderasyon.

Please don’t get me wrong and you can call me bias pero hindi kasama ang Mama at anak ko sa aking mga reklamo dahil marunong silang tumulong. Di ko na kailangan pang sabihin sa kanila.

O siya na nga, hanggang dito nalang ang ngakngak ko sa buhay. Mabuti pa iutot ko nalang ang sama ng loob ko!

with_thekids.jpgshopping_venlo.jpgthe_model.jpgthe_clown.jpga_forest_walk.jpgalmost_home.jpghuckepack.jpgcommercialized_cat.jpg

Pahabol:

Guto ko palang ipakilala sa inyo ang bagong miyembro ng Hafner pamilya. Siya ay nagngalang “Punky“. Kyut little kitten with blue eyes. Yong dati kong ipinakilala sa inyong kuting na si Gerome ay malapit ng madeport pabalik sa dating may-ari na no other than my son Ivan.

punky1.jpgpunky2.jpgpunky3.jpgpunky4.jpg

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *