Madrasta

Not all stepmothers are wicked witches. In fact, many of them are like Mariel, a loving, caring individual who tries to belong in a family which she is not a part of, and which cannot be truly hers.

Quoted from Sharon Cuneta’s film “Madrasta”.

Hindi ko man alam ang takbo ng kuwento ng pelikulang ito pero alam na alam ko kong ano ang ginagampanang papel ni Sharon Cuneta dito. Like Mariel, isa akong Madrasta na kabilang sa hindi masusungit na tipo. Ang role na ito ay pinangangatawan ko ng taos puso, dahil isa itong obligasyon na nakasalalay sa aking balikat (kapag sila ay nandito sa amin). This role is very challenging and hard to play in real life. It needs patience, understanding, a bit knowledge of human nature, flexibility and above all…strength.

To be honest with you, I can claim myself as a successful stepmom, because I don’t try or never tried to replace or act as though I am their real mother. I understand that my role should be that of adult friends. I give them what I can but never expect anything back. Kaya ang resulta…we have become good friends, but hey, it is a hard won success. I have actually four stepchildren, pero madalas na ang tatlo lang ang pumupunta dito sa amin dahil may kaunting alitan ang panganay at ang ama. The kids are partly grown ups and teenagers now, kaya hindi na sila gaanong maligalig. Yon nga lang mukhang nadagdagan lately ang papel na aking ginagampanan. Hindi lang ako kusinera, labandera, tega linis at tega aliw sa kanila. Naging tsuper na ako ngayon, fashion consultant, hairstylist and adviser pa.

Can you imagine? We went shopping for two consecutive days, noong una, magakasabay kaming pumapasok sa tindahan. Then afterwards, hiwa-hiwalay na sila to save time para makapag explore ng husto. Noong nagreklamo na ang mga kalyo ng aking mga paa, I told them I need a coffeebreak. So I went to Starbucks, had a cup of my favorite Cappuccino and smoked while relaxing my aching feet. Aba, di pa nga nangalahati ang segarilyong hinitit ko nagring na ang aking cellphone. It was a call from one of my stepkids, she asked me if I could come because she can’t decide which color suits to her teint. So I emptied my cup, turned off my cigarette and hurriedly went to her. And between our conversation dumating naman ang isa sa kanilang tatlo at hinihila ako papunta sa kabilang tindahan. Nagalit itong naunang tumawag sa akin doon sa isa dahil hindi pa raw kami tapos. Haaaay ang gulo. It went on and on til I surrender at 7:00 P.M, aba naman we started shopping at 11:45 A.M, so seven hours na kami doon sa Centro Mall. Kaya wala na talaga akong energy. Sinabihan ko sila na dapat nilang bigyan ng kaunting konsiderasyon ang kanilang escort na matanda. Biglang nagtawanan ang mga ingot, sabay himas sa akin at sabing: “Oh Fe you are joking, you are not old. You don’t even look like your age.” Hmmmn, how nice hear such a compliment. Pero hindi ko inaming I really don’t feel old kasi baka lalo pang ayaw magsiuwi.

Pagod at antok na antok na talaga ako dahil mula ng dumating sila, laging late na kaming matulog. Ginawa akong teenager ng mga lintik na ari. Aaminin kong hirap na hirap ako noong una sa kanila at madalas akong naimbiyerna sa kanilang pagkaburara at katamaran. Pero I know how to weigh things at doon nalang ako bumabawi sa respetong binibigay at pinapakita nila sa akin. Maraming mga bata dito ang presko at kahit sariling magulang ay hindi nirerespeto. Kaya kahit papaano, masabi ko pa rin sa sarili ko na masuwerte ako. Oo nga, I am physically exhausted…but contented.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Current ye@r *

Anti-Spam Quiz: