This Boy Loves To Act And Pose

gil_amsterdam.jpg

Actually, I am not supposed to write anything here. Dahil labag ito sa pangalan ng category…nakikita niyo sa baba, di ba’t No Words ang nakalagay? Di ko lang talaga mapigil ang sarili ko kaya kayo na ang bahalang magpasensiya sa isang inang medyo hilo dahil sa sobrang init ng panahon.

Yang isinulat kong title sa tuktok ng entry na ito ay tutuo, ang batang ari kapag nakakita ng kamera ay action agad. Kala niya siya lang lagi ang pinipiktyuran, tinatalo pa ako at ang Ate niya. Well sige na nga lang…siya ngayon ang featured dito sa blog ko dahil sa achievement niya lately. Kulang nalang na bibigyan ko siya ng diploma for his successful potty training. The boy has finally learned it, yeheyyy!!! Pero buyoy (bulol) pa rin hanggang ngayon. Well, in some words lang naman like Schokolade (chocolate) for Gillian it is SCHOKOLAGO, Apfelsaft (apple juice) is APPELPAP, Sandale (sandal) is BANANE. Pero saan ka, kapag ito ay nakakita ng coke, sinasabi kaagad “Mama coca cola light bitte” (Mama coca cola light, please).

You guys have to see him in person, talagang maaaliw kayo. Hindi lang ito mahilig pomosing at umarte kundi mahilig din itong kumanta. His latest favorite song is ICH LIEBE DEUTSCHLAND (I love Germany). At kwidaw…mahilig din ito sa gadgets most specially cellphone, kaya huwag niyo ng ipapakita pa at siguradong giyera patane muna bago niyo ito makukuha ulit.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *