Walang Magawa
Wednesday, September 28th, 2005Kumusta mga mahal ko sa puso? Kayo ba ay namimilipit na rin sa lamig katulad ko? Kinakamuhian ko ang taglamig na season pero kahit papaano ito may kabutihan ding nagagawa sa akin. Kapag ganitong panahon lang kasi nananahimik ang ilong kong parang sirang gripo (hehehe…tulo kasi ng tulo eh). Haay meron kasi akong hay fever eh kaya once na magsisimula na ang springtime para na ako niyang naputulan ng allowance (mukha kasing umiiyak). Tulo luha sabay tulo din ng sipon at ang kasunod ay Hachiiinggg!!! Naalala ko pala noong ako’y kumukuha pa lang ng lisensiya sa pagmamaneho ng sasakyan. Tuwing umaga ang aking driving lesson tapos nagkaton pang springtime yon. Kaya ayon, oras na ako ay humahatsing…nagiging zigzag ang takbo ng sasakyan lalong-lalo na kapag ako ay sumisinga. Eh siyempre dahil baguhan palang hindi ko pa kayang hawakan ang steering wheel ng isang kamay. Siguro dahil sa takot nitong aking Fahrschullehrer (driving teacher) na mabangga kami…siya na lagi ang humawak nito kapag inaataki na naman ako.
Well anyway, kaya ko nabanggit ang tungkol sa aking hay fever, sipon at luha dahil nag surf ako kanina and I bumped into a quiz site Tickle. Ang pinili kong quiz was about “What Do Your Handbag Contents Reveal?” May isang tanong doon na, ano daw ang laman ng bag ko na I would feel very uneasy or uncomfortable without it? Sayang at hindi kasama sa sagot ang tissue paper dahil para akong maloloka kong wala ito.
So here is the result of the quiz:
Fe, your handbag contents tells us that you live your life on the hop! A free spirit! You sparkle with spontaneity. You’re calm, cool and casual. A laid-back woman like you takes only what she needs around with her — everything you need to be organised but not overloaded. Less is more, and that’s how you like it. You know how to sort out what you really want and need from frivolous extras that aren’t a necessity.
Ayayay…ito ay tutuong-tuo!
So ano nga ba ang laman ng bag ko? Ang nasa loob nito ay mga importanteng bagay na talagang kailangan ko lang.
So tingnan natin kong ano ang mga nakalapag diyan sa piktyur. From the right: is my wallet, reading glass, cellphone, two lipstick, face powder, on the upper side ay ang aking pinakamahal na tissue paper. From the bottom: my car keys, my pen with 32 mb memory stick and two lip liner. And oh my medicine nga rin pala, iyan yang nakapatong sa ibabaw ng wallet. O di ba at si Beng ay wala talagang magawa dahil pati ba naman ang bagay na ito ay pinagkaabalahan pa.
Oh heyyy…umaga na pala ibig sabihin September 28 na ngayon. One year na si nakakaantok kong blog. Hello blog HAPI BERSDEY :bday: :candle:
Naku kong alam ng blog kong ito na muntik ko na siyang isara siguro nilayasan na ako nito :running:, well well isang taon na ang nakalipas. Sus maryosep ang bilis naman ng panahon. Nagka edad na si blog katulad ng may-ari. Heneweys, hanggang dito na lang muna ako. Antok na eh. O di till next isyu na lang ulit. Muahh to my blog and much more muahhhsss to my blog friends and readers…I LUV U ALL :iloveu:: Maraming-maraming salamat sa inyong pagtangkilik at pagsubaybay sa aking walang kuwentang mga sulat. Sana kahit paano kayo ay aking nabigyan ng kaunting aliw sa puso . Kong hindi dahil sa inyo hindi sigurado magtatagal ang blog na ito. THANK YOU SO MUCH!