When I Was Young

***Hello pips, I would like to introduce to you my prince charming Gerd. Pareho pa kaming sipunin ng kinuha ang picture na ito. Nauna lang siya nang limang taon sa akin dito sa mundong ito. Kaming dalawa ay pinagtagpo ng tadhana after many many years. Siya pala ay nalungkot ng makitang posted ang litrato ko dito na hindi siya kasama kaya ko ito idinagdag.

I promised Stel to post my pictures when I was very very young. Since kahanginan at kalukringan ang natipuhan kong isulat lately, naisipan ko ngayon na idagdag ito. So here we go. Darf ich vorstellen (let me introduce to you)…little Beng.

That girl looks sweet and innocent but be careful! Ubod maldita yan noon. Well, let me tell you a brief story about my childhood.

When a I was a child, I remember na lagi akong kinukurot ng mga tao noon sa pisngi. Yon bagang typical gigil na kurot…I never understood why people were doing that to me. Kaya sa inis ko gumaganti ako sa paraan ng tadyak or inaapakan ko ang kanilang paa. At kaya naman hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito dahil lagi akong napapalo ng mama ko.

Later at the age of 7 or maybe older…ginagawa akong manyika ng Mama ko. She used to sew dresses for me, merong may peticoat or minsan bloomer. Everytime I went to school…nilalagyan niya ng ribbon ang buhok ko at pinapasuot din ako ang tights na fishnet style.

Hindi niya alam she was torturing me the whole time dahil ayaw na ayaw kong magmukhang ingot. My classmates and schoolmates were laughing at me. Pero as a kid, I was so afraid and never had the courage to tell my mom about it.

Anyways, ng madagdagan kaming magkapatid medyo nabawasan na ang attention na naka focus sa akin. Kaya nagkaroon ako ng kaunting freedom. Like ako na mismo ang pumipili ng mga sinusuot ko at iba pang bagay. My favorite outfit were shorts and trousers. Since ang mga kabarkada ko ay mga lalaki…naging noted akong tumboy. While my kababatang babae ay naglalaro ng bahay-bahayan, ako naman ay kakaiba. I climbed trees, nakikipagsuntukan, tinitarador ko ang mga prutas ng aming kapitbahay kapag hindi sila namimigay, I have stolen the eggs of my grand-mother’s chicken and etc. One time, we had a neighbour na nagpatayo ng bahay. The owner asked us to gather stones for him at bayaran daw niya kami. Siguro kulang yong napulot naming mga bato kaya umorder siya ng isang truck. Kaming mga baliw ay nagkaroon ng ideya ng makita namin ito :idea:. Kong ilang gabi namin unti-unting hinakot ang mga bato niya. At ibininta din pabalik sa kanya…paulit-ulit naming ginawa yon. Hanggang magduda siya at nabisto kami :scared: ng tuluyan. Laking galit ng neybor mama at binulyawan niya kami ng ganito: Hoy! Kayong mga bata kayo ha niloloko niyo ako! Bakit laging pareho ang hitsura ng mga batong binibinta niyo sa akin? Ninakaw niyo ito dito ano? Patay at lagot kaming lahat ng isumbong kami ng tao sa aming mga magulang. Sangkatutak na palo at sermon ang inabot ko at buong maghapon akong pinaluhod ng Mama ko sa harap ng Altar na may bigas sa tuhod. Mag mula noon naging super higpit na ang mga magulang ko sa akin. Ipinagbawal na sa akin ang barkada at tinambakan nila ako ng trabaho para daw ako matuto. Ang bata ay bata pa rin na gustong-gusto maglaro. Pero dahil sa laki ng takot kong maparusahan ulit…naging ang mga kambing, manok at aso na lang namin ang aking naging kalaro. Kaya tuloy ako napagkamalang lukaret ng aming kapitbahay na nakakita sa akin na nakipagsungayan sa kambing.

Ay naku! Masyadong mahaba ang estorya pero ayaw ko kayong pagurin kaya hanggang dito na lang muna tayo.

Yan po ang kapirasong kuwento ng buhay ng batang si Beng :iloveu:

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

20 Responses

  1. foxyboksie says:

    wow! soooo cute!! hey, akala ko pic ng daughter mo! kamukhang-kamukha mo sya! buti ka pa me naitago kang pictures mo, ako wala iisa lang luray-luray pa! since bahain ang taguig noong araw (kahit naman ngayon…) natangay ng baha ang mga karamihan sa things namin, kasama na mga pictures, original birth certificates, etc. super kulit ka pala noon (kahit naman ngayon…) bwahahaha!!!!:-D

    je:heartbeat:

  2. thess says:

    walandyo!! inggit ako at may naitago ka’ng sepia na litrato! HAWIG NA HAWIG NI KATHLEEN, sya yata yan eh! o sya mabilis ulit at mamamatay na naman ito’ng lintek na pc ko (wala pa’ng bago..hu hu..antay nek wik 😡 )

    hello sa mga lukaretskis: STEL, BOKS AND ATINNA…hmm, sino pa ba?

    d na ko nakatawag, wala muna akong sosyal layp, trabaho muna :hissy:

  3. KnOizKi says:

    Ate LUKS, what a typical funny stories. Wala atang ganun when I was a kid. We were very poor and when I finally had my B.S. my parents asked me to visit them here in HK, tour lang daw then later nag trabaho-trabaho eh nag kapera agad binili ko ng SWATCH eh astig ka na nun diba? I was the cutiest daw sa familya namin, kahit yung Auntie ko na nde pwedeng manganak gusto akong bilhin o ampunin. Sagot ko, BAKIT nde nyo ako pina ampon sana eh Engineer na din ako dahil yung inampon nila ENG na. When we recollect the past, nakaka tuwa at nakaka homesick den at nakaka lungkot thinking back san na kaya yung mga kalaro naten nun?

    Those photos are beautifully vintage pieces. Is that the 60’s? the pink colour out of black & white is dramatic.

    kaya pala you like BRANDS dahil bata ka pa naka fish-net ka na. fish net ba yun?

  4. stel says:

    :kitty:beng, salamat naman for granting my wish. ang cute cute, i love those baby legs. eh kasi naman mukha ka ngang manyika at noong araw uso talaga yung nangungurot. ngayon pang report na yan sa Child Protection Services…buti na lang tinatapakan mo sila:mischievous:.
    it’s such a treasure to have these photos from childhood…now you can keep for your kids and they will have a great sense of their roots and of the beautiful genes they got from mommy beng…:cutie:

  5. atinna says:

    :hyper:ANG NYUT NYUT !!!! talaga palang maliit ka pa byuti ka na ‘tebengganda! :cutie:para kayong pinagbiyak na bunga ni daughter mo, magka mukang magkamuka! i dig those fishnet stockings, meron din ako nyan nung 5 yrs. old ako pero di ko sa legs sinusuot, sa ulo hehehe… o see, di ako patatalo ng kalukringan sa ‘yo!

    :call:Hello to: Thesserie, FoxyBoksie, Shteluvly and evribody!!!

  6. bing says:

    ang cute na bata yun, a! cute kaya siya paglaki??? ha ha ha joke joke

    beng, darleng, ang cute mo pala nung maliit ka pa….

  7. ting says:

    Mutti..what can I say? This is one of your posts that I love to read. ‘gave me a glimpse of your past. Kamukhang-kamukha mo si Kathleen. Red Shoes pa ha..paano naging ganoon yon?

    (Pa-plug na rin)..Thess, Miss Thess Ganda…bakit hindi ako makagreet ng Happy birdday sa iyong bahay? Fatal error daw? Hinanap kita ng hinanap. Walangya..hindi ako maka-access talaga sa iyong site..pa hapi berday na lang dito sa haybol ni Mutti ha?

  8. Lukaret says:

    hey foxieboxielady,

    howdy na ba diyan manash? salamat nga pala sa iyong dalaw :). yong nasa piks original me yan ha and not kathleen. maraming nga ang nagsasabi na para daw kaming pinagbiyak na inudoro :gasp:. pati ugali ko noong bata pa ako ay kuha niya rin…i mean yong pagka tomboyin :duh:. imagine we sent her to ballet school tapos nagreklamo dahil mas gusto eh karate. those pics above ay pilit kong kinuha sa mother ko, ayaw sanang ibigay pero wala din siyang nagawa bandang huli.

    hindi ko akalain na binabaha ang taguig. sayang anoh? 🙁

  9. Lukaret says:

    thess,

    i got it from my mom two years ago. pero dahil nga palipat-lipat kami…i misplaced it somewhere at hindi ko na talaga maalala kong saan ko nailagay. laking tuwa ko ng makita ko ito ulit.

    naku sistah…wag na iyak…pareho tayo na wala ng social life sa tambak ng trabaho. household chores ko ay napabayaan ko na rin kaya tambak. o ano dumating na ba pc mo?

  10. Lukaret says:

    Knoiz,

    mahirap din naman kami noong bata pa ako ah. pero hindi ko yan napansin noon, hindi pa marunong mamroblema ang bata :yes:. ang nasa isip ko noon ay kain at laro lang…kaya nga ako laging nakukurot ng mama ko. i am sure marami ka ring mga masayang alaala noong bata ka pa 🙂

    you guessed it right…i mean about the picture, i was born 1962. matanda na si ate luks mo :hissy:
    teka nga pala, don’t feel sad about the past na hindi ka naging engineer…ako nga pinakahangad ko dating maging lawyer. pero dahil sa dami naming magkapatid hindi ito kaya ng magulang ko lalo na’t nasunugan kami noon. laking pasalamat ko pa rin sa Panginoon na kahit papano…kahit grade one lang ang natapos ko…meron akong na achieved sa buhay.

  11. KnOizKi says:

    Dear Ate LUKZ,

    Kailangang ilabas mo yan. Mahirap kung hindi mo i-uha yan mag lalabasan ang uhog mo. hahaha. Hindi ang gusto ko talagang maging noon eh commercial TV model, yung mga OISHI kids at Tiki-Tiki syrup. Maliit pa ako nun dinadala na ako ng nanay ko sa mga fiestahan at ako ang unang pinapasayaw. Anak ng siopao ginawa akong robot eh basta may nadidinig akong tugtug nun sayaw ako sa lamesa lagi. Na alala mo pa ba ang “One Way Ticket”?

    Yoko minsan isipin yung mga nakaraaan Ate Luks, ang hirap kumain ng asin lang ano? Ngayon de-lata na kami sarap na sarap na ako nyan. Chinelas ko nun kahoy ngayon Ralph Lauren na. Laruan ko nun lata ng alaska milk ginawang otto, ngayon may iPod na ako. Bag ko nun eh yung banig lang tig singkwenta centimos mahal na ganda-ganda na, eh ngayon Bag ko Armani na. Di ako nag brip nun kase pang mayaman lang, short ko butas lagi kita pwet ko, eh ngayon gusto ko pa rin walang brip eh sarap ng hangin pero di na butas kse Hugo Boss na gamit ko.

    Pero Ate Luks, syempre pag nag tatrabaho ka na ok lang daw bumili ng ganun, pero poor pa din kami, kahit malalaki na kami dinadakdakan pa kami ng Nanay ko. Kase wag daw naming kalimutan yung … NOONG MGA PANAHON. Sabi ko nga, NO WAY ayoko ng kumain ng asin lang noh eh kung magkasakit ako sa bato?

    Kaya pag nakakakita ako ng lumang letrato – parang tingin ko TANDA TANDA ko na, dami ko na ding puting buhok pero masarap yung simpleng buhay.. may kasunod na kabanata…

    Hanggang sa muli Ate Lukz.

    Nag mamahal,
    K

    P.S. Paki charge na lang yung credit card mo sa haba ng COMMENTs ko. Tuloy naging ENTRY ng buhay ko ang dating. 😀

  12. thess says:

    manash bebeng, hindi pa rin matapos-tapos itong pukpukan sa bahay ko :hissy:..dyan, tapos na trabaho mo? and wala pa rin ang bagong pc, expected ko sa wednesday pa, next week..nakakainip na nga lalo na pag hinihimatay itong gamit ko :covereyes:

  13. Lukaret says:

    Mommy Stel,

    lumapad lalo ang puso ko sa dahil diyan sa sinabi mo :), thank you so much :shy:
    sayang at wala pa noong Child Protection Services, di sana na report ko na yong mga kumurot sa akin :irked:

  14. thess says:

    Si GERD, how beautiful pala nuon!! ha ha, nang-aalaska lang po ..bati tayo doc :hug:

  15. Lukaret says:

    Hello Atineneng, sino ba ang pumingot sa iyo at naging ngungo ka ngayon? O di ba at ngyutngyut ko noon :kitty:. Walastik melon ka lin pala fishnet stocking noong alaw 😀 sana nagkita tayo noon…ay di rin fala fwede dahil matanda ako sa yo.

  16. Lukaret says:

    Hi Bing,
    Thanks for visiting. Hoy cute pa rin naman ako ah hanggang ngayon…a/kyut baga 😎

  17. Lukaret says:

    Hi Muttilein,
    Salamat sa iyong dalaw. Alam mo bang mas interesting ang buhay ko noon kaysa ngayon? Hihihihi, naisulat ko lang part ng aking mga nakaraaan dahil diyan sa litratong yan. Ah eh, paano naging red ang shoes ko sa BW na picture? Ewan…basta’t dati na yang ganyan…meron na rin yatang image manipulation noon.

  18. sachiko says:

    lol! fishnet stockings! haha!:cutie:

    thanks for the wonderful birthday message you left on my blog..so touched and made me realized to enjoy my 20’s..40’s pala..:shock:

    another great creation of yours,this new design,cool!
    like the others,i always associate your blog with the coffee cup..that was during your aromatic blend days pa..:iloveu:

  19. cacofonix says:

    ganda ni tenbengganda, preserved na preserved ang youthful looks, haku rin gusto ko asta jackie onassis(per ur comment in sachiko san’s blog) pero kse currently i look more like jackie chan????^^%^%! pero pansin ko , vhaket ako cocafonix? as in it sounds like loca fonix as in …waaaaaaaaaaaaaaaaa…you think i’m really as wacko as lucresia de tinnapadebatik?

  20. Lukaret says:

    cacof darling,

    salamat sa dalaw mo miss canada. hoy if you see me in person makikita mo how deep is my laugh lines na (hindi how deep is your lab ha). but then salamat sa compliment at baka bawiin mo pa :cheerful:

    o ayan sama tayong mag ala jackie o, kailangan pa nating mag recruit para tayo dadami. tsaka cacofafay di falayfay…di ka mukhang jackie chan noh. oi masama yan ha, dafat lagi show lagi ang confidence…that will give u the aura of a real lady na may K. tsaka…yang pagkalukring mo will keep you young kaya keep it up…i lab it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *