Duesseldorf Party

With Randy Santiago and Rachel Alejandro

Alam kong hindi madali ang mag organize ng isang malaking event na katulad ng “Charity Ball” kagabi. At kahit sabihin nating medyo sanay na ang mga organizer na bumubuo nito, tiyak may mga bagay pa rin na hindi masyadong napag-aralan o napagplanuhan ng maayos ang detalye. Kagaya halimbawa ng seat order. Mahigit kumulang siguro may 450 katao ang mga guests kagabi. Karamihan sa kanila ay nakabili na ng ticket sa mga appointed distributors, kagaya ng ganiwa ng aming grupo. At kaya nga bumili na in advance para wala ng problema sa upuan pagdating. Yon ang aming akala. Pagdating namin doon, sa entrance pa lang ay magulo na. After waiting a while, nabigyan kami finally ng table which is number 38. Disappointed kami pagdating doon dahil may mga nakaupo na at nakasulat din sa kanilang ticket ang table 38. Anyways, to make the story short…bale tatlong beses nila kaming pinapapunta or pinapaupo sa lugar na occupied na rin. Sa galit ko, sinabihan ko ang namumuno na ibalik na lang ang aming pera dahil uuwi na kami kong ganun. Aba bigla kamo niyang naisip na may isang table pa daw palang bakante sa may window side. We found out later na hindi lang sa amin nangyari ang ganun. Palakasan daw pala kasi ang kanilang style. So yong mga naunang dumating na walang ticket na kakilala ng kanilang kakilala ay pinuwesto na kaagad.

The next mishap happened noong kainan na. The mc made an announcement na by rows daw ang procedure (first row muna ang tatayo then the following) para walang siksikan. Ay aba, ito namang ating mga kababayan na hindi marunong sumunod ng rules ay siyempre nagsitayuan na. Dahil kami ang medyo nasa huli…pagdating namin sa buffet, mga dekorasyong gulay na lang ang aming naabutan at ilang perasong boild potatoes. I went to the other side dahil may nakita pa akong bbq, inunahan naman ako ng isang bruhang walang modo at tinangay lahat ang apat pang natira. Marami kaming bumalik sa puwesto na galit ang mukha, may platong bitbit na kaperanggot ang laman. Habang ang iba ay nag enjoy sa kanilang pagkain.

I’ve been to several galas here pero ibang klase itong last na napuntahan ko. Ngayon alam ko na kong aling party or function ang dapat at hindi puntahan. Anyways, kahit ganun ang nangyari…hindi namin hinayaang masira ng tuluyan ang gabi. Hehehe, contenance!!!!

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

48 Responses

  1. boks says:

    wow! sosyal naman ni madame benggay! kya lang ba’t nga ganon ang nangyari ? tsk…tsk…tsk… :thinking:

  2. atinna says:

    :cheerful:party animal ka pala atebengganda :hug:…kahit di nakakain ng maayos basta maka dance dance ok na rin, that’s the spirit ! very interesting pala mga pinoy jan sa germany ‘no? pero si randy yata laging nakatingala pag nagpapapekchur namamagnify tuloy yung butas ng kanyang noz hehehe..:beee:

  3. sachiko says:

    so now i can choose the color of your blog depending on my mood? coolness! and the pics, great! interesting to see the pioneers of expats,hehe..years from now,we’ll look like them na rin..? :hissy:lolz! sheettt,im a lot older yata to you..:shock:

  4. thess says:

    kanina pa ako pabalik-balik dito at naghihintay ng post tungkol sa GALA-an mo kagabi and thought mauuna sa comment..aba eh flash pala itong 3 na dilag before me!

    ang taray ni mama benggay!! hindi mukhang walang inabutan sa buffet :eyes:…ang fowteeh pala ni kuya randy, and i like rachel’s color…okay kumanta si rachel ano?

  5. boks says:

    hahaha! atinna, gusto ko na sanang pansinin ang butas ng “noz” ni randy kanina, nagpigil -pigil lang ako…*lol* hindi nakalusot sa yo! 😀

  6. Beng says:

    boks, anong sosyal? bago ako umalis kagabi i asked darling kong ok ang suot ko. alam mo sagot niya? para daw akong pupunta sa burial. hindi ako nag damit noh dahil ang lamig kahapon tapos ang lakas pa kamo ng ulan :rainy:

    bakit ganun ang nangyari? ah ewan ko rin 🙄

  7. Beng says:

    atining inday, oo party animal nga ako…pero muntik ng magutuman kagabi. buti na lang may mcdo nearby…lumabas kami sandali para bumili ng mangatngat. need some energy para makakimbot ng kaunti eh. 😯 nagtaka din ako kay randy dahil sa lahat ng piktyur siya ay nakatingala…kaya tuloy nakikita ng husto ang butas at hairs ng kanyang ilong. pero bilib din ako sa kanya…walang reklamo kahit muntik na siyang gahasain ng mga bakeks doon.

  8. Beng says:

    hahaha, sachiko…mas matanda ako sa yo noh…43 na po si me. tsaka, hey we should not worry about our age. saka na lang kapag mukhang lola na talaga tayo. kagaya ng nasa picture. but we have to make sure we’ll look a whole lot better than them at that age. taas kilay manash.

    how are na nga pala :hug: tagal mo ring nawala.

  9. KnOizKi says:

    WOW naman. pero bakit mas maganda ata ang attire mo kay Rachel? :beee: You really had a lot of fun ha?

  10. KnOizKi says:

    kailangan ata ni Ratsky ng ‘nose-shaver’ sa dami ng buhok sa elongski? napansin ko lang…

  11. Beng says:

    😀 tekya, naunahan ka nila? actually, i wanted to reply your email first bago ko sana ito isulat. pero nag-iba ang isip ko dahil nga sabi mo gusto mong malaman ang balita. eh naisipan kong dito ko na lang i broadcast para isang sulatan lang :cutie: paano medyo :drunk: hilo pa kasi eh. oy di ako uminom ha…kulang lang sa tulog. at tsaka ang sakit ng aking balakang…ang lola kasi ay sumayaw kunyari ng ala shakira kagabi kaya bakli ang mga buto :duh:

    si rachel ay talagang ang galing kumanta…muntik na akong makipag duet sa kanya. pero hinayaan ko na lang siyang magsolo baka kasi matalo ko pa siya (ahahayy…ang lakas ng ilusyon koh).

    psst, bukas na lang ako susulat sa iyo ha?

  12. Beng says:

    hello noi…gising ka pa? oo nga we really had our fun last night. kong nandito lang kayo…i am sure enjoy din kayo. ow, talaga noi? mas maganda suot ko? ahehehe…ano pa? 😀 joke lang ha…don’t take me seriously when i talk things like that…lumuluwang kasi tornelyo ko minsan. pero atin-atin lang ha…salamat.

  13. ting says:

    Wow, momma. At nakipagbonggahan ka pa ha! Oist, hindi kayo nagkakalayo ng kabonggahan ni Rachel…

    Hindi ka pa ba sanay sa Filipino functions? Madalas ganyan sa amin..minsan kasi pag inoorganize nila, kokonti ang nagpaparamdam. Tapos on the day itself, biglang ang daming magdadagsaan. Anyway, ‘glad you did not go home. Ayan nakapagpictyur taking pa kayo ng mga istarirays.

  14. ting says:

    Pssstt…(pabulong lang)..ba’t mas maraming make up si Randy sa iyo???? Mas maganda siya tuloy…(puwera batok ha?)

  15. Beng says:

    mommy madalas nga akong sumasali sa mga functions na similar dito. pero lang kasi yong dati ay hindi ganito ang nangyari. alam dapat ng organizer kong ilang tao ang capacity ng hall at ganun din kadami ang ipapa print at i-release na entrance ticket. so sa nangyari, the people got the impression tuloy na they are just aftering for the profit. sa entrance fee na € 39,00 ba naman. oo may guest stars sila pero sponsored yon ng abs-cbn noh. sa akin oky lang yon, pero may ibang nag-uusap kagabi na magrereklamo daw sila :irked:

    ahahaha, mommy…konti nga lang ang make-up kaysa kay randy pero mas mapula naman ang lips ko sa kanya, di vah? say…di mas bading pa rin ako 🙄

  16. atinna says:

    :kitty:hihihi… sowee tebengganda at di ko napalagpas ang close-up ng noz ni randypogi di ko napigil sarili ko eh :beee: at pareho pala kami ng iniisip ni madame boksie, (bonjour madame boksie! nice to meet vous:cutie:) wawa naman sya at pinagpiyestahan pala ng mga bakeks (?), ano ba ang bakeks inday? di naman ako matangkad, nag eelevator sandals nga ako eh para umabot yung paa ko sa pedals ng bishikleta ko. ciao, ciao!!

  17. thess says:

    ah kaya pala, napagod ka kasi nag shake ur bootielicious ka pala :-D..nagagawa ng mcdo dinner ano :duh:
    nde na yata mawawala ‘palakasan’ system ng pinoy, kakainis naman nangyari sa inyo at akala ko bayad ng organizer ang artists yun pala sponsored ng abs, so sa dami ng um-attend, ganun ba kamahal ang venue at malaki ang entrance?
    sige, antayin ko sulat mo (may kasama bang batok? pis tau :rose: :hyper: ..pero excited ako kasi special post ang entrada!)

  18. Beng says:

    😀 atingtangkad di mo alam ang “bakeks”? BAKEKANG yan :yes:. pinagtripan niyong dalawa ni bokski ang ilong ni randy dandy ha? hala ano kaya kong pareho kayong buntis? hihihihi….kwidaw.

    pssst, nakita ko sa pics ang mga endless legs mo kaya huwag na palusot 🙄 ako ang dapat gumaya kay burt reynolds na magsuot ng elevator shoes para tumangkad man lang ng konti. ahahaha bike? you remind me of myself again…bike ko ay pangbata…kasi mababa :blush:

  19. Beng says:

    thekyang, sumayaw nga kunyari para mailabas ang inis at calorie ng mcdo burger at french fries. nakakatawang isipin…pumunta ng gala kunyari pero fastfood din pala ang kain 😯

    malaking eskandalo nga ang ginawa nila eh dahil ubod mahal ang entrance. hindi rin nila maaring sabihin na mahal ang rent ng venue dahil alam kong discounted sila kasi charity ang association eh. ang prizes ng kanilang raffles ay sponsored din. so? anyways, basta’t wala ng next time doon. mag stick na lang ako sa bicol varsitarian, the best silang mag organize eh. o siya at susulat pa ako sa yo. babu :rose:

  20. atinna says:

    ah ok si bakekang pala; ang seseksi :wow:naman nung mga aleng bakekang na umattend sa show at mga nakaluwa ang debdeb at parang gustong lumundag yung mga malulusog na boobies nung mga bakekang hehehe…ooops :snail:sumobra na naman ako, sumobra!:fan:

  21. sosyal ni inday uy grabehhhh o ngalo wala man ka sunglasses like randy? LOL

  22. stel says:

    Bengganda, mas mukha ka ngang celeb, at di dinaan sa make up tulad nilahaha.:kitty:
    organize nga tayo ng ating sariling gala-ball-yugyugan…and pramis di mauubusan ng pagkain at di kailangang mag McDo!:-D
    you are a real maestra of da blogdesigns madameBeng!!:yes:

  23. boks says:

    madame beng!!! type na type kong shoes mo!!! girl na girl, o say?! hagis mo na lang dito! :hyper:

    hi mademoiselle atinna!!! how are you? :cheerful: nice to meet you too! :yes:

  24. cacofonix777 says:

    ganda nga ni sistah beng, parang si michelle pfeiffer (tama ba spell as atinnafay described)!….talbog beauty rachel ha?

    just passin’ by to say hello….this is lukrring 2 (next to tinnapay)…:cheerful::cheerful::cheerful:

  25. Beng says:

    ms. tall, alam mo na anong bakeks 😀 yong mga naglulundagang dede na nakita mo ay kulang pa yon.

  26. Beng says:

    stel, glad to see you again 😉 miss talaga kita. oi alam mo magandang idea yang sinabi mo. organize tayo ng atin…siguradong hindi sila mangalahati sa kabonggahan. o ano kailan ba natin i-held?

    btw, maraming salamat sa compliment. i felt honored, pero alam mo…malayong-malayo po ako diyan sa sinabi mo :blush:

  27. Beng says:

    day laagan, 😀 nabilin man akong sunglass sa balay. tama ka partner look sana kami ni randy. o ano nagawa mo na ba yong gusto mong gawin sa site mo?

  28. Beng says:

    boks, hihihi…ikaw nga diyan ang malapit sa paris. mas marami kang mules na mapipili sa shop na binilhan ko nito. hindi ko pwedeng ihagis diyan baka masalo ng iba 😀

  29. Beng says:

    caco lukreng2, maraming salamat sa iyong pagdalaw 🙂 di mo lang alam na lagi ko kayong sinusubaybayan ni tinafay. nakakatuwa kayong dalawa eh.

  30. beng sarap ng panahon para mag tweak ng template..
    layas ako eh.. tanghali pa lang dami greek wine nainom ko litaw na utak ko… pang winter yan ang tweaking ng blog email will follow ha..

    sus nag make up diay na si randy sus day mas gwapa pa ka!

  31. bing says:

    wow! ang taray ng outfit mo! sozi!

    tsk… tsk… i also had the same experience one time… gutom ka na imbiyerna pa, but it’s good na you tried to make the most of the night..

  32. thess says:

    ate guy…gud ebneng :hyper:

    bakit nde ko magamit ang tag board? ni banned mo ako ano!:beee:

    (pssst, malapit na date natin…game ka na ba?)

  33. Beng says:

    :scared: huh hindi noh…bakit kaya? sinubukan ko ngayon lang, gumana naman siya. takutin mo kaya ng ganito oh :crazy:

  34. Beng says:

    psssst, eksayted na ako talaga sa ating deyt. sana aaraw :crying:

  35. thess says:

    hu hu hu, ni banned mo ako!! 🙁
    mwahahaha, joke lang! mali pala ng box nilalagyan ko ng komento!! ayaw nga pumasok kasi mahaba , dun’ ko naita typed sa name box :duh:
    sana nga arawin naman tayo..bring your two piece ha..dun tayo sa ilalim ng puno ng pear sa likod bahay namin :yes: (at ako one piece bitbit ko, sa mukha konaman isusuot ito:mischievous:) tapos lalangoy tayong parang sirena sa pool…pool ni Charlie!!!

  36. Beng says:

    hi bing korek, nakakaimbyerna talaga. nadala na ako :hissy:

  37. Beng says:

    sha! laaya nimo day oi solo ra man ka diha ug inom. tagay diri bi :irked: aw hindi pala pwede ang layo mo, hindi aabot hanggang dito ang kamay mo…dahan-dahan inom at baka malashwing ka :drunk:

    ibog ko nimo kay nindot inyong weather diha sa inyong greece. diri sa among germany tugnaw na ulan pa :rainy:

  38. KnOizKi says:

    Off topic na comment: (pero comment pa rin naman) I’m jealous with all these emoticons!

    My picks:
    :hissy: because its an exercise.
    :running:because i need a run.
    😀 because I always laugh that makes me a funny person.
    :coffee:because i always crave for it.
    :eyes:i peek-a-boo on every people’s blog.
    :duh: Kris Aquino?
    :heartbeat:I need love.

  39. CheH says:

    mamush bengggggggg na inggitz ako! kayakap yakap mo si randy..,may nakaraan kami este ..crushy ko noong alaw yan eh,hehe Susme! hanggang ngayon naka shade pa din LooL you look great mader!will be back soon..
    pag ayo ayo *muaaahses

  40. thess says:

    kay sipag talaga at busy na naman sa paglilinis ng page!
    guten morgen

  41. karina says:

    akala ko sa Pilipinas lang ang ganyan… sa Germany din pala…:-D

  42. Beng says:

    😀 knoiz you really like them? download mo isa-isa o di kaya…ipadala ko na lang sa yo :yes:

  43. Beng says:

    chehhhh, how nice napadaan ka :hyper: o ano kumusta na silingan? kanus-a man ka balik sa blogworld day cheh. mingaw kay kay wala ka. oy naa diay moy “liebelei” nidong randy? ahehehe. ngano ma na siyang ga shade kanunay? he looks like HEINO german singer hinuon 😀

  44. Beng says:

    thess, nag experiment na naman ako…grrrr 😡 the one you saw is a very challenging project…why? hindi ko makuhang i-perfect ang position ng top navigation :irked:

  45. Beng says:

    hello karina, naku day…hindi katakataka if it also happen here in germany :scared: nandito din kasi yong mga angkan ng tega atin na mga engot. musta na?

  46. thess says:

    manash beng..positioning lang ba prob mo? ala eh, wala yan sa prob ko:

    deleted ang buong foodblog ko! :duh::hissy:

    anyway, tara, pag umpugin natin mga ulo natin! ay aray, masakit pala :headache:

  47. Beng says:

    halika dito thekyang ipag-untog natin ang ating mga ulo. buset :irked: na talaga ako sa ginagawa ko eh. pero mukhang malala nga ang nangyari sa yo :hug: o ayan para medyo maluwagluwagan ang iyong dibdib. naku day, nangyari din sa akin yan…bura kunyari ang database yon pala walang backup 😡

  48. karina says:

    hello… wla kay new posts?:stork:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *