Dreams

Sorry friends na matagal akong walang update. The usual alibi “busy”. Okay, may mga bloggers na nakukuha pa rin nilang sumulat at mag bloghop kahit sila ay busy. Pero isa ako doon sa mga talagang naka focus ang mind sa pinag kabisihan kaya pasensiya na lang kayo okay :shy:.

My topic today is about dream. Hindi dream ng buhay kundi dream while we are sleeping. Lagi na akong nananaginip pero ngayon ko lang talaga ito napagtuunan ng pansin. Masyado naman kasing weird ang panaginip ko kagabi. Ako daw ay namatay at nakaburol (hesus maria hosep…hindi po ako mabait kaya huwag niyo muna akong kunin). The first sequence of my dream is yong nakatingin ako mismo sa katawan ko na nasa loob ng coffin. Sumunod yong scene na nakahiga ako sa loob ng kabaong at tinitingnan ko ang mga taong lumalapit and I saw how they weep. Ngeeeek at ngeeeeek pa ulit :crying: Nagising na lang akong bigla dahil hindi na ako makahingi. Oh my! Super bangungot yon ah.

Naitanong ko tuloy sa sarili ko kong ano ang kahulugan ng panaginip ko na yon? Well, siguro ito ay bunga rin ng mga pangyayaring naganap sa aking buhay lately. My brother-in-law died of cancer. An elderly friend of mine died also because of cancer. My mind was preoccupied about death and illness and about myself. Hindi ko maiwasang mag-isip kong papaano naman kaya ako mamatay or kong kailan darating ang aking panahon? I have been trying to forget/ignore this kind of thoughts dahil nga napakalungkot. Sinusubukan kong kalimutan, napapanaginipan ko naman ngayon :duh:

It is said na may mga meaning ang panaginip. Since I have no book about dreams nag research ako sa internet para tingnan kong ano nga ang ibig sabihin nito.

So here’s what I found out: Dreaming about deathmeans end of a cycle or something is finally over. Hmm, cycle ng aking buhay, pangyayari or ang aking menstrual cycle?

Well, I believe that dreaming is a way how our subconscious process the many experiences we have in daily life. The mind’s way of handling the emotional strife and stress associated with our personal and professional aspects of daily living.

How about you guys, nagkaroon na rin ba kayo ng nightmares na similar dito?

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

40 Responses

  1. bing says:

    oo naman…:shock: and it kept me wide awake till morning… my dream was about me, too. me humihila daw sa akin, sa right white na usok at sa left black na usok, nang tingnan ko ang inaapakan ko, wala!:crying: at pag binitiwan ako ng mga humahawak sa aking, i’ll fall down that black pit. i was so afraid but when i prayed and mentioned Jesus’ name, nagising ako bigla… it left me breathless and unable to sleep afterwards.

  2. thess says:

    I agree with bing..when this happens again, pray and pray!

    teka ate guy..hindi kaya bunga din ito ng usapan natin kahapon, death was mentioned among other things, di ba?

    hi lang muna..just got back from the hospital eh…pagod din the whole day.

  3. atinna says:

    pero di ba sabi nila kabaligtaran naman daw minsan ang panaginip sa reality? kaya di ka pa matetepok atebengganda dahil may misyon ka pa sa buhay. palagay ko naapektuhan ka nga lang ng death ng BIL mo at ng friend mo. ganyan din nangyayari sa kin noon after my sis died, puro death ang laman ng utak ko gising man o tulog man. tapos to help me cope with it nag attend ako ng lecture series on death by some Tibethan monks/ priest tapos medyo nagliwanag ng konti utak ko. pati sa mga hs students ko minsan dini- discuss ko rin ang topic ng death at parang nakakatulong din sa mga estudyante ko lalo na yung mga may “issue’ about it. cool ka lang inday, and don’t worry. and also,the more you ignore and the more you try to forget an unpleasant thought, mas lalong sumisiksik sa utak. ganon yata talaga ang subconscious eh, very powerful.

  4. Ting Aling says:

    Dreams? marami ako niyan Mutti..mostly kung pagod na pagod ako or nalulungkot ako. Sabi nila, dreams are the result of unexpressed emotions daw..kagaya minsan kung meron kang crush tapos mapapanaginipan mo eh nagde-date na kayo..(erase-erase).. baka mabasa ni mister.

    Hehe, seriously..eto hindi naman dream pero connected daw..when my husband and I were just starting out, hirap na hirap kami sa buhay. We built a house na hindi na namin kayang i-improve pa dahil di na namin alam kung saan pa kami kukuha ng pangtuloy..

    One day, under our helper’s bed, meron siyang nahanapan na dead snake, na nag-coil. So he came to me..kissed me on the forehead and said “tapos na ang paghihirap natin.”

    He took the snake and buried it with love. After a while, medyo nag-improve naman ang buhay namin. Sunud-sunod na ang magagandang bagay na nangyari sa amin. Hindi kami mayaman but our life is so sismple and we have never experienced “heavy” problems both sa marriage life and sa finances.

    I’d like to connect it to the dead snake pero siguro we really worked hard din to improve our life.

  5. Beng says:

    hello bing, di ba’t medyo nakakatakot lalo na’t kagigising mo pa lang from that dream? well, hindi na ako natulog afterwards dahil tanghali na pala. imagine that was already 11:30.

  6. Beng says:

    thess, siguro nga bunga din ito ng usapan natin kahapon. medyo nabuhay ang dati kong pinag-iisipan.

  7. Beng says:

    hi atemly, sang ganda naman ng email addy mo ;-). did u know that ATEM means “breath” in german?

    šŸ˜€ sigurado ka ha na hindi pa ako matetepok dahil sa aking misyon impasibol. well, bahala na si lord kong ano ang gusto niyang mangyari sa akin. i know hiram lang natin ang ating buhay…kaya somewhow inihahanda ko na ang aking sarili. yon nga lang request ko kay lord na huwag naman sanang maaga dahil may maliliit pa akong mga anak, paano na lang sila kong wala na ako :crying: ayyy, nagdrama na naman.

    pssst, padalhan mo nga ako dito ng isang monk para magpa lecture ako sa kanya.

  8. Beng says:

    mommy ting, šŸ˜€ takot mabuking. joking lang ha :yes:

    tama ka nga…dreams are the result of unexpressed emotions and of course fears. may mga bagay din na para sa iba ay pamahiin lamang (like that snake under your helper’s bed), but somehow may connection din doon sa inyong dinanas na difficulties. naniniwala ako sa ganyan since i started reading fengshui.

  9. KnOizKi says:

    “Ako daw ay namatay at nakaburol” – *sign of a cross*. On the positive side, I think your dream means that you’re living the normal life, in peace with everything, & wala kang gaanong problema sa buhay. pero siguro reminder din yan to watch your health too.

    I had few ocassional dreams mostly hinahabol ako ng mga pulis at pinag babaril ako hanggang sa lupasay ako tapos nakikita ko sarili ko duguan pero buhay pa ako at tinatanong ko pa nga sarili ko sa dream “bakit humihinga pa ako eh tadtad na ako ng bala”?

    Eh, nag sa sign of a cross naman ako bago matulog. Siguro dahil sa mga nakakain ko. Di ata ako natunawan. šŸ˜€

  10. Beng says:

    Siguro ganun nga Knoiz :cheerful:. Kakaiba din pala ang panaginip mo ano? Imagine hinahabol ka ng polis at tadtad ka ng bala. Dapat ang dream mo ay yong hinahabol ka ng mga chicks ala “The Bachelor” film baga :eyes:

  11. rhada says:

    Neybor,
    Ako din misan daming weird dreams, bangungot pa nga eh. Nasa lahi din kasi…sa dami ba naman ng mamanahin ke tatay…tsk tsk..
    Anyway, kontrahin mo na lang ng dasal. Hindi tayo pababayaan ng Diyos at try not to worry too much para hindi mo ito madala hanggang sa panaginip mo…nite nite!!!

  12. sha says:

    hi beng i had a nasty one last night it was like a huge building and each floor has diffrerent kind of entertainments, horrors, clowns, fast cars… its like zipping in out of my brain…

    think its because i have so much on my head now… been having bad sleep
    ting aling said about unexpressed emotions i agree with that….

  13. Beng says:

    hi rhada neybor, thanks for the comforting words. i think time is all i need para medyo mawala sa isip ko yong trahedya na nangyari sa mga taong malapit sa aking buhay. shock reaction lang siguro yon.

  14. Beng says:

    day sha, what’s bothering my dear? if ever you need someone to talk…nia ra ko diri…i’m all ears. maybe i can help.

  15. sachiko says:

    Hayy sweetheart,you are really so kwela! I was thinking what a morbid dream and was starting to worry for you when I came to the part “end of menstrual cycle”? bwahahaha! loka ka talaga!:hyper: How are you? *hugs from sachiko*

  16. Beng says:

    Hi Sachi, I’m glad I made you laugh :hyper: pero teka darling ba’t wala ka pang update sa main blog mo? Where have you been? Miss you na eh…hugs and kisses :hug: din.

  17. karina says:

    šŸ˜®

    i have also dreamt of dying… umiiyak nga ako kasi…pano pag nagkatotoo…:hissy:

  18. sha says:

    day email na ko ang worries para dili public affair LOL dia ko sa FRANCE public internet ra ni….sige gwapa ayo ayo diha ha

  19. Beng says:

    hi karina, kalimtan na lang nato ang atong nightmare kay we are just adding additional worries if we’ll continue thinking about it. siguro we are just under physical and emotional stress and i think our body is dying for a short relaxation. take care my dear

  20. Beng says:

    sha, email baya ha? hihihi…ok let us make it an internal affair if u don’t want it public :-D.

    sus maria, bisan ug asa ka ra man lagpot. pssst, basin ug pwede ko nimo iluklok sa malita…para uban ko bisag asa ka :hyper:

  21. AnP says:

    I love the new layout. Lalo na yung new layout ng barkada network!!! didn’t know until I checked it out na iba na pala name ng MAMBO ngayon! hehe

  22. Beng says:

    Hi AnP, thanks for the visit. Pasensiya ka na ha na hindi ako nakapag bloghop sa iyo lately. Whew, super busy sa kagagawa ng template dito, doon sa Barkada at para sa mga friends.

    Happy to know you like the new layouts. It took me long til I found the right graphics for Barkada. Di ba’t mas nag fit na ito ngayon sa title šŸ™‚

  23. KnOizKi says:

    Pwede den bang gawan ako ng template? Ask lang baka pede isingits? :beee:

  24. Beng says:

    Knoiz, ikaw magpapagawa sa akin? Eh ikaw nga diyan ang magaling gumawa ng graphics :cheerful:

  25. justice says:

    we all have weird dreams pero what i know is…it’s our sub-conscious who is responsible for that. dunno how exactly that works pero they said, if you’re happy, sad or afraid of something and you keep on thinking about it, it comes in your dreams nga. ay ewan.

    one more thing, don’t let negative dreams worry you. nandiyan ka pa and that’s the reality.

  26. sachiko says:

    naman..para naman akong nasa extended hiatus pa nyan..i have a new entry mama..i hope to make it a once in 10 days pattern..medyo busy din like you..(busy ang heart,bwahaha!):innocent:

  27. missP says:

    hi beng,
    weird? :yes:, but death also suggests rebirth & ofen occur at important periods of our lives..sort of big crossroads, :shy:..i think.

    hehehe, actually, i onced registered in your barkada network. found out about it through elaine. but that was in the previous era, :lol:thanks for the linkback, šŸ˜‰ nga pala and hey, enjoy your day! :icecream:

  28. boks says:

    o mi gawd! binangungot pala ang beauty ni madame beng! don’t worry, wala yan! ako nga e, di na makagalaw di pa makahinga pag binabangungot, ‘katakot no? basta kailangan lang maigalaw ko ang dulo ng daliri ko sa paa then count lang ng 1,2,3 sabay balikwas! et voila!!! ok na. :cheerful:

    how’s the weather in germany? can hardly breath, we’re having a real hot summer (at the moment), uh-oh, hoping that there’ll be no heatwave this year… šŸ˜Ž

    o sya got to run, :running: sundo ko na si clems ko! ciao!

    bisous! :iloveu:

  29. Jing says:

    yaaaan nakadalaw na rin ako. Ulaw man gud ko mo comment diri uy.

    Day beng, baka naman sumobra ka sa patis, kakabangungot daw yun, ewan ko lang kung totoo.LOOOOL

    bt i do believe in some dream interpretations. I hate dreaming of teeth, boats, water, horses… sabi ng lola ko bad omen daw yun.

  30. Beng says:

    hi justice,

    thanks for the visit :blush:. i read an article about dreams at maraming experts ang involved. kahit si lolo sigmund freud ay may theory din tungkol dito. iba’t-ibang bersiyon kaya nakakalito

    greetings

  31. Jays says:

    first time ko dito šŸ˜‰ ang pretty and ang neat naman nitong blog nyo :heartbeat: ang gaan sa mata :innocent:

    so ganun pala meaning ng Dreaming about death.. hndi pa ako nakakapanaginip ng ganon. kakatakot ata yng ganon. karamihan ksi hndi ako nananaginip. šŸ˜€

  32. Beng says:

    sachi

    lam mo noong sumagot ako sa yo, di pa ako napunta sa site mo kaya pasensiya na darrling. okay i will in mind na every 10 days term ng blog mo. hmmp, para ka namang studyante šŸ™„

  33. Beng says:

    missP,

    mukhang crossroads nga. kumbaga sa tagalog šŸ˜€ sangangdaan, sa bisay nag kuros nga dalan…haaay. buti na lang may mga blog friends akong nagbibigay aliw sa aking pusong nagmamaliw šŸ™

    ouch…kasali ka pala doon sa datihang members na hindi ko na maibabalik ang registration? my dear patuwad…ah eh…patawad di ko po sinadya. wow, kilala mo rin pala si elaine? how is she doing? ang tagal ko ng hindi nakausap ang temang na yon ah. regards, if magkausap kayo ulit :rose:

  34. Beng says:

    boks cherie
    harharhar, paanong di bangungutin eh kong ano-ano ang iniisip. nakakapagbilang habang binabangungot? mabuti ka pa :wow:. sa side ko naman i can imagine na nakanganga ako habang tulog dahil hindi ako makahinga eh.

    re weather, super init din dito. all window shades are down during day time para medyo malamig sa loob ng bahay. gusto ko na sanang makigaya kay gillian :baby: na nakadiaper para komportable din ako. are you going somewhere this summer vacation?

  35. Beng says:

    day jing
    ngano gud tawon nga maulaw ka man nga pinobre ra man kining akong blogkubo. wa ka lang masayod nga nalipay ko ug dako nga nakaari ka. i like your sense of humor.

    hala ka! mahilig gyud tinuod ko ug patis. when i eat scrambled egg, kailangan may patis. at hindi rin ako pwedeng kumain ng sinigang kong walang patis. mao nga akong monay nimaho pod patis :blush:

  36. Beng says:

    hello jays

    thanks a lot for visiting :shy: and for the compliment too. ikaw pala si jays na super galing mag design. actually, my favorite color is pink (just like yours) kaya lang medyo hindi na ito babagay sa edad ko eh. sayang nga at wala pang blog noong medyo bata-bata pa ako :ouch:

    regarding nightmare naman, there are two different schools of thought exist as to why we dream: the physiological school, and the psychological school. both, however, agree that we dream during the REM, or “rapid eye movement”, phase of sleep. during this phase of sleep, our closed eyes dart rapidly about, our brain activity peaks, and our muscles suffer temporary paralysis. proponents of this theory believe that we dream to exercise the synapses, or pathways, between brain cells, and that dreaming takes over where the active and awake brain leaves off and blah blah blah.

    but sigmund freud, one of the fathers of modern psychology, believed dreams to be symbolic of any number of things buried deep within our minds and our memories.

    naks, napahaba ang sagot ko. better have sweet dreams sweet jays šŸ˜‰

  37. boks says:

    ay naku benggay! yun nga ang problemos! alams na alams ko na binabangungot ako dahil di na ko maka-breathe at maka-move so , open ko na lang beautiful eyes ko tapos start ko na ang pagwa-wantutri! kahit nga siesta lang, that happens too. say mo, i could hear my children playing sa kabilang room, yun bang tipong di ako makasigaw ng “help! gisingin nyo ako!!!”, dahil wala ring boses na lumabas sa bibig ko, ganon … ba’t kaya ‘no? ano sa palagay mo? :thinking:

    ano ka! mas mainit ang diaper ! mag-t-back ka na lang, pero nasa harapan yung T, mas presko! :fan: hehe gawa ko yan…

    punta lang kami sa normandie (north of france), mas malapit, wiz ko type mag-drive ng mahaba/matagal, kakapagod. :crazy: at least 2 hours drive lang hanggang doon. o di ba? :yes: e kayo?

    :iloveu:

  38. Beng says:

    bokyang,
    grabe naman yang bangungot mo :scared: kahit sa siesta eh ganun? :thinking: hmmmn, di ko rin alam kong bakit ka ganyan kong managinip. mabuti na lang nakukuha mo laging mag wantotre at idilat ng ganito :eyes: ang iyong mga tantalizing eyes.

    aba ang galing mo ring mag advice ano? t-back pa! eh di kailangan ko munang bumili ng ruby blade para i-trim ng t-back style yong mga bohok na nagsilawitan sa bawat gilid šŸ™„

    buti pa kayo malapit lang sa normandie. hihi, alam na alam ko ang lugar na yan kasi very historical eh…yan ang front area noong second world war ng dumating ang mga kano…D Day baga.

    saan kami pupunta? hmp, ewan di ko pa alam. magiging wicked step-mom na naman ako this vacation dahil darating yong tatlong asungot nitong better-half ko. oi, two hours din akong nagdrive papunta kina thess kanina. paaano kasi laging 100 km or 80 lang ang allowed speed, bibihira ang 120. pssst, kapag type mo ang kong may time ka din…why not visit us here? papuntahin ko rin si thekyang dito para masayang-masaya tayo šŸ™‚

    anyways, unahin mo muna yang mga sakop mo diyan. basta alam mong invited ka dini.

    :rose: para sa yo šŸ˜‰

  39. missP says:

    :cheerful:

    hi Beng,

    hihihi… oo noh?! :hyper:..pero oks lang yun..i kumplitli unerstand, tita! :yes:..last time i chatted with elaine, may hangover pa siya sa vacation niya.will definitely give her your “regardings”! šŸ˜€ …have a good one!:-)

  40. boks says:

    thanks a lot dear for the invitation, ang bait naman… oo ba, kya lang, hindi kaya ako ma-dead meat? super layo ata no? :thinking: basta one of these days, kita ko rin kayo, toi, thess & sana si stel din no? :yes:

    :iloveu:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *