Neighbor
Nakasanayan na naming magpamilya ang gumising ng late almost every Sunday. Kaya hindi nakakapagtaka kong kaming lahat ay nakapadjama pa rin kahit tanghali na. Kanina, bigla na lang akong nagulat ng may nag ring sa aming doorbell. Akala ko kong sino na neybor lang pala namin. Siyempre nahiya ako ano dahil naabutan niya kaming nakapantulog pa at nagkalat sa sahig ang mga lauran ng aking anak.
I asked her to come in pa rin dahil she sound so very upset. She told us ninakawan daw sila last night while they were away and blah blah blah. She asked if we noticed something or heard unsual noise. Sa lakas ba naman ng sound ng aming tv eh talagang wala kaming maririnig. Anyways, ng umalis itong si Aleng Neybor medyo na worried si mister ko dahil di daw niya akalaing mangyayari ang ganun dito sa aming area. Kong ano-ano na ang naisip niya. Dapat daw kaming magpalagay ng burglar alarm, bibili daw ng safe and etc. Sinabi ko sa kanya na hindi namin kailangan lahat yong mga binanggit niya dahil wala naman kaming valuable belongings. Ang delikado nga lang kong sakaling magkatutuong may aakyat na magnanakaw dito. Tapos matatagpuan nila na puro lang pala fashion jewelries ang nasa drawer ko. Eh malamang na dahil sa kanilang frustration ay ipapakain sa akin lahat yon. Mangyayaring ako ay ma confine sa hospital dahil sa indigestion.