Kong Maputi Na Ang Buhok Ko

Oo na, kanta ni Sharon Cuneta ang title. Pero wag isnabin at kapanahunan ko ang kantang to noong ako ay third year high school. Parang kailan lang (ngeek, Fredie Aguilar to ah) yon kong iisipin noong ako ay bata batuta pa. Ngayon ay may halong puti na nga ang buhok ko. In 7 years ay fifty na ako. Ang bilis ng takbo ng panahon. When I look back…para akong uod dati kong kumilos kaya ayon naiwanan tuloy ng panaho ngayon.

Okay balik sa topic. Hindi pa man maputi lahat ang buhok ko pero feeling ko para na akong lolang-lola. At bakit? Well, tutuo pala yong mga narinig ko noon sa mga nakakatanda sa akin. Na marami na daw mararamdamang sakit kapag may edad na. Which is 100% true.

How can I say so? Ganito yon, nag general cleaning si mader kahapon. That means: I cleaned the windows (12 to be exact plus 4 glass doors), polished the wooden furnitures after mopping the floor areas. Cleaned the computers, monitors (the surface lang of course) and office tables. After that kusina naman ang aking nilinis. Everything was perfectly clean and shiny. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ko ang aking trabaho before six P.M dahil time to cook na naman. All in all kontento ako sa sarili ko yesterday dahil medyo nakaligtaan ko ang aking pc addiction.

Well, I wake up at nine this morning at naramdaman ko kaagad ang aking mga joints. My nape is aching badly, my shoulders and my arms as well. Mas malala po kamo ang sakit ng aking balakang na kasing lapad ng soccer field. Ito ang premyo ng aking sipag kahapon. A eh…meron kami dating tega linis pero dahil sa taghirap na ngayon, wala na kaming pambayad. At tsaka nandito naman ako na nakaupo lang sa harap ng computer ;). Buti nga kong laging ganito para mabawas-bawasan ang aking taba.

Anyways, dati na rin naman akong naglilinis noon pero hindi ko pa naranasan na sumakit ang buong katawan ko. I’m not making a big issue out of this matter, the point is tutuo pala talaga ang sinasabi nila na we are getting weak when we get older. Hanip…kong ganun eh ayaw ko nang tumanda. Hi hi hi!

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

12 Responses

  1. bokisky says:

    nah, kala mo lang yun hehe…sino may sabi?!??hehe

    kailangan lang panay-panayin mo general cleaning para masanay ang muskels mo hehehe… ganyan din ang feeling pag matagal kang natigil sa pag-wo-work-out di ba?, nananakit talaga buong katawan! lol! pinagsabay-sabay mo kasi eh!

    pahinga ka muna…:)

  2. Ting says:

    ha? di pa kasama ang pag-ayos mo ng template ko sa lagay na yon? o baka naman sa template ko ikaw nagkasakit ng katawan..er..ulo..

    thanks ulit mommy beng..I am so excited with my template!

  3. KnOizKi says:

    ate Bing, i think you need a regular massage. i can give you a good ‘stepping on da back’. im an expert kaso baka lalong di ka na makatayo. hehehe. seriously, HK people likes drinking herbal teas, not for slimming purposes pero its good for the blood circulation. regular foot reflexolgy treats rayuma stuff, yan ang sabi ng masahista ko.

    try mo kaya thai massage? yang paa mo uunatin syaat maabot nya ang ulo mo at sigurado ako na…

    teka.. masakit yun.

  4. Beng says:

    boks, kailangan ko kasing pagsabayan dahil minsan pa isa-isa ko itong ginawa ang nangyari hindi ako matapos-tapos. tama yang simabi mo…i have to do it often para masanay ang muscles. pero sa tutuo lang iba talaga pag bata pa. may energetic ๐Ÿ™‚

  5. Beng says:

    mommy ting, ginawa ko ang template mo in between while resting ๐Ÿ™‚ kaya nga ako inabot ng isang araw sa paglilinis eh ๐Ÿ˜‰

  6. Beng says:

    knoiz, what i need right now is a massage. nagpamasahe ako dito sa asawa ko pero wa epekt, parang nangingiliti. hindi marunong eh. well, never mind…lilipas din ito. kailangan ko lang sundin ang payo ni bokski.

    by the way, nagpa shiatsu massage ako noong nandoon ako sa atin. how i wish aym in pilipinas ๐Ÿ™‚

  7. atinna says:

    sa kumikirot na kasu-kasuan salompas ang kailangan ! hehehe…wala bang salompas jan atebengganda? tama,nabigla lang yang mga muscles mo at mukang wala ka yatang pinatawad kahit isang alikabok jan sa imong balay. you, alikabok murderer !

  8. Beng says:

    Atinna apo ko, wala ngang salompas dini kaya si lola benggay ay omega pain killer na lang ang ginamit. Ano kamo alikabok murderer? Eh kong napatay ko silang lahat bakit andini na naman angmga ito?

    Maiba ang usapan Atinna Inday Gwapeng mukhang ipananganak kang mahusay sa patalastas ah. Paki promote naman ng aking produkto. Balak ko kasing mag produce ng disposable arinola. Para sa mga lolang naiihi minu-minuto. Ayos ba ineng?

  9. rhada says:

    ha ha ha you made me laugh! kasi po, ganyan din ako! yeah, feeling matanda na akish! lol. Ang dati-rati kong ginagawa, ngayon hindi ko na kaya at nagrereklamo ang kaliit-liitang himaymay ng aking laman!

  10. bing says:

    ganun yata talaga… pero exercising will help… pero ngayon narito ako, not having time for my workout! musta na Beng?

  11. stel says:

    :kitty:hello beng…naku knowing ko feeling mo dear…kakaiba ano, yung dati rating naitatakbo:running:, ngayon lakad na lang may sumasakit na mga kasukasuan:crazy:…!
    labanan natin mama!!! may mga anaks pang gustong nagpapakarga aaaaray.
    ganda ng kulay beng…uy don’t forget the party, wak na luto or sayaw, sing na lang ๐Ÿ˜€

  12. Beng says:

    mommy stel, salamat at napadalaw ka :cheerful: muntik ko na talagang makaligtaan ang date ng party. nag-iisip pa ako kong sasayaw or magdadala ng makain. bahala na lang kong ano ๐Ÿ˜‰

    itong ating katawan nga ay umaarte na :duh: diyos ko fo ano kaya ang magiging hitsura natin ano 20 years from now :eyes:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *