Restless Soul

Minsan, inaasam-asam ko na magkaroon ng panahon para sa aking sarili lamang. Kahit isa o dalawang araw man lang para magawa ko lahat ang dapat kong gawin na walang disturbo. Kasalukuyan kasing laging may mga asungot dito sa bahay. Kaalis lang ng mga anak ng aking asawa, darating naman ang aking biyanan next week and she will be staying for two weeks. May dagdag na naman akong taong alagaan dito. Hindi sa ayaw ko sa kanila kaya lang nakakapagod din dahil kailangan kong laging nakaharap sa kanila to entertain them. It’s so tiring! Laging ganito ang papel ko kapag nandito ang pamilya ng asawa ko, tega alaga, tega luto, tega ligpit ng kanilang kalat at tega entertain pa. Para akong isang one man band na ako na ang tumutugtug ako din ang sumasayaw. The rest are just spectators of the show.

Itong asawa ko pa kunyari ang umaangal na bakit daw sila pumupunta dito palagi. Aba! Ako nga ang dapat magsalita ng ganyan dahil akin lahat ang trabaho. Wala siyang narinig or maririnig sa akin na ganun dahil alam ko na kapag sinabi ko ito ay away ang magiging labas.

Ang papel na maging isang ulirang step mother at mabait na daughter-in-law ay nakakapagod. It’s tiring dahil ako ang kanilang nagiging ulirang alila.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

12 Responses

  1. thess says:

    Halika dito ka sa akin habang andyan biyenan mo, dali! :->..teka hug muna kita (})…pakunswelo de amor sa dakilang alila (inday, hindi ka nag iisa, ganyan din papel ko dito..mula sa pagsikat ng araw, uumpisahan ng paglalaga ng kape at bago matulog pati buwan, dancer naman ni mister, ehek! he he he)

    HALIKA NA DITO KASI!! dalhin ang laptop at dito mag araro sa internet! – nanakawin natin yung cable ni asawa at saksak sa laptop mo, ayus di ba?

    Try to have a good weekend, kapitbahay!(hug)

  2. Ting says:

    Mama, ilabas ang tunay na mukha at kalooban. Huwag magkunwari. Kung kinakailangang sumimangot paminsan-minsan, sumimangot ka. Kung kinakailangang ngumiti, ngumit ka.

    Maiintindihan ni hubby of course. On the other hand, matatanda na rin siguro sila kaya be nice to them. Huwag na lang pansinin. labas na lang kaya tayo?

    Teka, teka, di ba kababakasyon mo lang? Aba, namimihasa ka yata?

  3. Beng says:

    Thess my darling neybor, ahehehehe…natatawa naman talaga ako sa sitwasyon nating dalawa. Hindi lang pareho ang interest natin…pati role ng buhay ay ganun din. Dapat makakatanggap tayo ng award…hmmm, ano kaya? Dakilang …..? Alam mo misis, balak ko talagang dayuhin ka diyan. I thought I can visit you last easter vacation…di natuloy dahil dumating nga ang mga bata. Well then…I thought again ok, pag-alis nila tiyak tuloy ako sa yo. Aba, palpak din pala dahil nga si biyanan naman ang darating. (no) Oh no! Move ulit plano ko…kailan kaya ako matutuloy diyan?

    Alam mo di ko siya maiwang mag-isa dito dahil may crutches na siya. Kailangang may mag assist sa kanya. Hayaan mo, one of these days tiyak mapupuntahan na kita. Psst, anong dance ba ang pini-perform mo sa darling hubby mo?

  4. Beng says:

    Mommy Ting, ako nga ay nagsisimangot na kapag di ko na kaya pero wala eh…manhid ang mga kabataan ngayon. Para bang wala lang. At ilang beses ko ring sinasabi sa kanila na iligpit ng kanilang mga kalat. Pero no reaction, it’s like wala silang naririnig. Mahirap turuan ang mga taong walang interest matuto.

    Regarding my biyanan naman, she’s nice and you’re right she’s old as in. Ang ayaw ko lang sa kanya ay yong kanyang pagka demanding. Pinagbibigyan ko na lang para walang gulo. But then of course I also show her na there’s a limit.

    Sige sige…labas tayo šŸ˜‰

    Mommy ha, nagbakasyon nga ako pero iba naman yong ilalabas mo ako (hihihi) namihasa nga ano?

  5. thess says:

    I perform belbel dancing..ang laki ng belbel wala ng belly kaya ayun :->…nde pa naman nasusuka sinasayawan ko pero mag reduce na raw ako!! ho ho ho..may katwiran si fafah kasi mukha na akong michelin :(…
    ayos lang, pag libreng libre ka na, alam mo naman welkum ka dine..or kaya, kailangan hatakin ko na itong tsuper ko para magkita tayo sa border, di ba?

    hmmmm, about inlaws, araguy, letmaku na din dil ko, lahat pinakikialamanan dati, pero natuto na kaming sumagot ng asawa ko..pag paglalaruin namin ang mga ferret sa isang room, tanong agad kung sure ba kami na sarado pinto para nde makalabas ang mga ito..sasagot kami na ‘bukas!’, he he he

    o sya, smile na lang šŸ˜‰

  6. Ting says:

    Ah, sa kabataan, di kita masasagot. Sapukin mo na lang kaya sila? Hehe, iba naman ang kuwentong makakarating sa kabila..alam mo na. Meron akong kaibigang ganyan ang sitwasyon. And diperensiya nga lang eh ang biyenan niya, kampi sa kanya hindi sa anak.

    Pero yung mga steps ang marunong magsinungaling sa kabila. Doon nanggagaling ang gulo. Oh well, sumayaw ka na lang ng sumayaw para maaliw si darling. At least you become indispensable pag nagkagipitan. Siempre, pipiliin niya yung marunong sumayaw, di ba?

  7. bokbok says:

    oh ma dear beng, i know how you feel. hayaan mo na. pero bilib ako sa yo, dahil di ko kaya yan! kahit nung nasa pinas pa lang ako, di ko ma-take pag me ibang taong nag-i-stay sa bahay namin for a long period of time, nasa-suffocate ako. pinaparamdam ko talaga, peste ako noon! kaya madalas akong pagalitan ng nanay ko.

    ngayon namang me family na ko, alam ng husband ko na gusto ko tranquil lang. as much as possible, iniiwasan ko mga happenings, yun bang tipong buong angkan e present, dahil sumusuko talaga ako.

    hayaan mo na, that only means na love ka nila. alam nilang mabait ka, kaya sila madalas sa place nyo.

    hey madame beng, ganda naman ng template mo, fresh na fresh ang dating! šŸ™‚

  8. KnOizKi says:

    ASTIG talaga ang blog mo! everytime i come to visit here, it’s always look so pleasant.

  9. Beng says:

    hi mommy ting, tama yang sinabi mo tungkol sa lumalabas or pinapaabot na kuwento sa kabilang panig. buti na lang iba na ako ngayon…i used to mind what might other people say. ngayon wala na akong paki. we simply can’t please everyone kaya whether they like me or not, problema na nila yon. i show kindness to them not because i want to get their sympathy but because of their father. yon nga lang there are times na talagang ang sarap na nilang sapukin. kumukulo pati ipot ko dahil sa kanilang pagkaburara at katamaran. luckily bisita ko lang sila…knowing their stay is counted makes me feel better.

  10. Beng says:

    hello bok, thanks for your sympathy my dear šŸ™‚ alam mo kinakaya ko na lang para sa aking asawa. alam naman ng aking mister na this kind of situation is too much for me but then hindi naman namin or niya pwedeng pagbawalan ang mga kamag-anak niya na pumunta dito. so dance with the music na lang ako like thess said. oy thanks for the compliment din pala…gald to hear you like my new template. have a nice weekend ma pren.

  11. ishtel says:

    mommy beng nakikiramay, i know how you feel…hindi man nga mga kamag anak ni husband kundi mga kamag anak ko na!!! nakakapagod talaga, gusto ko like boks, privacy and tranquillity (bok, ganyan din ako nung bata, hate na hate ko may “ibang tao”…)
    tara puslit tayong lahat sa mga alaga natin heehee…even one day off only!

  12. Beng says:

    hello stel, glad to see around at salamat. bok, you and i are the same…we do love and enjoy our privacy and tranquility. kaya ako iritable dahil kagagaling ko lang sa atin which means i was sourrounded with a whole bunch of relatives. i think you guys know how it is.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *