Daily Archive: April 8, 2005

Restless Soul

Minsan, inaasam-asam ko na magkaroon ng panahon para sa aking sarili lamang. Kahit isa o dalawang araw man lang para magawa ko lahat ang dapat kong gawin na walang disturbo. Kasalukuyan kasing laging may mga asungot dito sa bahay. Kaalis lang ng mga anak ng aking asawa, darating naman ang aking biyanan next week and she will be staying for two weeks. May dagdag na naman akong taong alagaan dito. Hindi sa ayaw ko sa kanila kaya lang nakakapagod din dahil kailangan kong laging nakaharap sa kanila to entertain them. It’s so tiring! Laging ganito ang papel ko kapag nandito ang pamilya ng asawa ko, tega alaga, tega luto, tega ligpit ng kanilang kalat at tega entertain pa. Para akong isang one man band na ako na ang tumutugtug ako din ang sumasayaw. The rest are just spectators of the show.

Itong asawa ko pa kunyari ang umaangal na bakit daw sila pumupunta dito palagi. Aba! Ako nga ang dapat magsalita ng ganyan dahil akin lahat ang trabaho. Wala siyang narinig or maririnig sa akin na ganun dahil alam ko na kapag sinabi ko ito ay away ang magiging labas.

Ang papel na maging isang ulirang step mother at mabait na daughter-in-law ay nakakapagod. It’s tiring dahil ako ang kanilang nagiging ulirang alila.