Kumusta Na

I would like to ask an apology for the inconvenience you’ve encountered here few days ago. This site was down for several days dahil nagpalit ako ng server. Hindi ko kaagad napag-ukulan ng panahon para lutasin ang problemang ito dahil nasa Maynila ako ng isang linggo. Anyways, naayos ko na lahat…balik chikahan na naman.

Am still here sa ating bayan. Enjoying the company of my family, the food, the weather and the easy going life. Stress free ikanga, para nga akong baboy dito na nakahilata kaagad pagkatapos kumain dahil sa bilog ng tiyan. Medyo tumaba na naman ako dahil sa katakawan. Eh sa dami ba naman ng mga kaibigan kong nagbilin na ikain ko daw sila nito at niyan. Ako baga ay isang taong masunurin kaya ginawa ko ito para sila mapagbigyan (hihihi). O kita niyo ha mahal ko kayong lahat kaya tinupad ko ang mga kahilingan niyo.

Anyways meron pala ditong trend na pang diet ngayon. Chinese product ito and it’s called Ballerina. Siyempre, bumili din ako kaagad para masubukan. Pero itinigil ko ito after few days dahil napa inconvenient naman kasi if nasa galaan ka and all of a sudden kumukulo ang tiyan sabay hanap at takbo ng rescue erea. Diyahe!

Chinese new year pala ngayon. Sangkutak na feng shui articles ang nakikita kong binibinta para magdala ng suwerte. Matanong nga mamaya kong meron silang magic figure para manalo ako lotto. Kapag nanalo ako, padadalhan ko si Thess ng isang eroplanong mangga, si Stel naman isang barkong Selecta Ube ice cream. The rest hindi ko pa alam dahil wala pa silang specific na hiling. Nag day dreaming na naman ako…siguro dahil lang ito sa init dito kaya medyo hibang ako ngayon.

O siya hanggang dito na lang muna si me. Sisilip lang sana ako pero ewan ko ba. Hindi ko naiwasang sumulat. Warmth greetings to all of my friends!!! Miss you…

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

16 Responses

  1. thess says:

    Beng, salamat sa update!…good to know that you’re having fun and..he he, ok lang manaba, kayang-kaya daanin sa exercise yan pagbalik sa Alemanya…pero dear sana nga manalo ka sa lotto para maambunan kami ni Stel ng manga at ube ice cream….

    (btw, I am slowly getting the ‘feel’ of PHP, like I’ve told you, I either have the programs in dutch/english book..this time> english PHP/dutch book…imagine mo na lagay ko?…but still a long way to go baby, kailangan muna work para may pang abono sa site, ha ha ha)

    o sya, ingat tita benggay ^_^

  2. bokbok says:

    hi beng! sabi ko na nga ba e! ang tagal mong nawala sa ere! kaya lang yung comment na ni-leave ko para sa previous entry (see you soon) mo, di ko makita?
    don’t worry about the extra kilos, sabi nga ni thess, idaan mo na lang sa exercise pagdating mo dito. o di ba? ^_^
    o sige magbibilin na rin ako, in case na manalo ka sa lotto, isang truck na ‘chocnut’ ha? haha!!!

    missing you,
    boks ^_^

  3. Beng says:

    Thess, wow di marunong ka na ngayon ng PHP. Keep it up para lalo kang kang malulong sa pc…ow sabagay pareho na pala tayong super addict. Re lotto kahit hindi ako mananalo, may mangga ka pa rin…kaya lang…hindi isang eroplano. Bigyan na lang kaya kita ng buto para itanim mo diyan sa bakuran niyo. Say moh?

    Pssst. Saka na lang ako mag blog hop ha kong activated na ang dsl connection ko dito sa davao. Dial up lang kasi ito…super bagal…papaano 52 Kbps lang ang speed instead of 56. okski?

  4. Beng says:

    Boks, sori (so) ha. Mukhang kasama yong comment mo sa mga hindi ko na backup na datas. Hindi ko ito kaagad naagapan eh dahil wala akong internet access doon sa Manila. Mabilis ang pagtaba ko dito sa Pinas dahil grabe ang mga tao dito kung kumain. Tatlong beses sa isang araw tapos lagi pang may merienda. Ang Mama ko kasi lagi akong pinipilit kumain (naku nagpalusot pa). O siya dito pa lang sisimulan ko ang pag exercise para ako hindi maging si Dabiana. Ano kamo yon “Chocnut”? Mukhang hindi ko pa yan natikman ah. O sige kakainin ko rin yon para sa yo.

    missing you too,
    matabang beng

  5. KnOizKi says:

    KUNG HEI FAT CHOI. Happy Chinese New Year, Ate. WELCOME BACK! Got lots tan ba? Glad u had a great time back home. Good to see your blog is back too. Happy Prosperous Year of the Rooster!

  6. Ting Aling says:

    Pssttt..musta ka na? ‘hope you’re having a good time. Huwag mo na ako ikain. Diyeta ako eh..heh

  7. sachiko says:

    Hey,babe! When are you coming back to cyberspace? We miss yah! Hurry up and post all those pics! Let me see how big you’ve got! Haha! Seriously,can’t wait for the stories..how’s home?

    Kisses coz it’s luv day! Mwah!

  8. thess says:

    beng, anong marunong na sa PHP? aruykupo! masakit sa ulo, nasisilip tuloy ng asawa ko kung inuuna ko ba daw tapusin work para kay bossing, ha ha ha! pero tyagaan lang talaga PHP ano? pero hirap talaga ako kasi dutch ang handbook ni hubby, PHP 4… I’m also learning my way around wordpress, sya na rin siguro gagamitin ko….

    ito pa, pinagsasabay sabay ko kasi, pinag aaralan ko din dreamweaver, mas okay php application..eh gamay ko front page

    pagbalik mo, lukaret na ako lalo, ha ha ha!

    sana ma-activate na dsl mo…o sha, hapi balentays na din, kiss gillian for me ^-^

  9. Stel says:

    tita beng, an tagal tagal mong quiet yung pala busy busy sa kainan, inggitius akus. hayaan mo na ang init kaysa naman sa ginaw. ano pa bang request kong eat for me?hmmm..lechon? grilled seafood? ahahaay. baon ka na lang ng ballerina for your return to Germany.
    enjoy ba ang babeh Gillian sa extra attention fr everyone? take care.

  10. Beng says:

    Knoiz, belated happy chinese new year din sa yo. Got lots of tan? Ahehehe, tan ba na skin color or wantan? I got lots of both.

  11. Beng says:

    Mommy Ting, hello…I’m having a good time here, Party dito party doon and resto hopping pa instead of island hopping. Kaya tuloy ako nagmukhang hop(ya) na. Greetings

  12. Beng says:

    Helloo dear Sachiko, I’;; be back to cyberworld very soon. I’ll post the pics in the next few days, puro mukha lang kasi namin ang kuha so far. Want to take interesting pics of our area para hindi lang tiyan ko ang makikita niyo (yikes). How’s home? Actually we had lots of fun, kaya lang we got a very bad news early this evening. A bomb exploded in the city area (bus terminal). One died.

  13. Beng says:

    Stelll, alam na alam mo ano? Oo aminado na ako..,wala na akong ibang ginawa dito kundi ang lumamon. ‘lam mo bumili ulit ako kanina ng ice cream…this time…ube macapuno naman…o say mo. and u know what? hindi mo pa sinabi ay ginawa ko na. bumili na ako ako ng 4 packs of Ballerina para pag-uwi ko yon na ang aking kakainin (arayyy ang lupit ng buhay).

  14. Beng says:

    Thess, ano ka va naman! Ba’t mo naman kasi pinagsabay? One by one ka lang diyan at baka ka maduling sa kababasa. Huwag kang gumaya sa akin na pasmado dahil diyan…sige ka. activated na kanina pa ang dsl ni brod pero pinasok naman siya ng virus kaya he has to reinstall the system. Bumanat muna ako dito bago niya ito gawin. Kahapon pa ako dito absent eh. See kong gaano ako ka addict?

  15. thess says:

    hay salamat, approved na mga comments, kadugay naman eh..he he he…walang choice kundi magbasa at paghalu haluin sila, habol time eh (intiendes? d bale, nde ko din intiendes eh, ha ha) …uy mama benggay, malapit sa inyo yung bomb explotion?

  16. Beng says:

    malayo sa amin thess sa awa ng diyos. sa bus terminal nangyari yon. pero alam mo…tatlong bomba ang sumabog ng sabay sa oras ng alas sais in three different areas. one in manila, in general santos and here in davao. marami ang patay sa maynila dahil sa punong passenger bus nila ito inilagay. nakakalungkot…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *