At Greenbelt

January 28, alas dos y medya ng hapon ng aming marating ang Prince Plaza Hotel sa Makati mula sa international airport. Pagod sa mahabang biyahe subalit hindi ito naging dahilan para tumigil ako sa aming kuwarto para magpahinga. Naligo at nagbihis at pagkatapos nagpunta na kami ng anak ko sa Greenbelt. Napaka convenient ng location ng aming hotel dahil walking distance lang ito sa mga shopping malls.

Napakalaki na ng ipinagbago sa lugar na ito compared to the past. Ang tagal ko na nga naman palang hindi na napunta dito. Well, dahil sa nangatog na ang tuhod ko sa gutom. Pumunta kami sa Via Mare para kumain…masarap daw dito ang Pansit Luglug. I ordered one for me and fried rice for my baby Gillian. Habang kami ay kumakain, tuwang-tuwa naman ang ibang guest na tingnan ang aking anak na nagkamay. Pinoy na amerikano daw sabi nila. Well anyway, a bit later…may mag-asawang guest na dumating na pinagkaguluhan naman ngayon ng iba. I asked the waiter what’s going on and he told me that the

mari chan

newly arrived couple is Mr. and Mrs. Jose Mari Chan. Wow, si idol ko pala ito! Naisipan kong humingi ng autogram kaya lang wala akong papel. Our waiter spoke to Mr. Mari Chan at hindi ko akalaing lapitan niya kami (laking galak ko naman). Kuwentuhan kami sandali about his previous trip in Germany at kuhanan na ng picture pagkatapos. He’s not only a famous person ang bait niya pa.

Gillian and I resumed our shopping tour after having late lunch. Itong anak ko pala ay parang tega bundok dahil everytime na may pumapansin sa kanya nagsisigaw na ito at naglulupasay. Ayaw kasing magpahipo at magpahawak. Suplado! While we were at Starbucks Coffee, a lady approached us and talked to me about Gillian. Gusto niya raw kuhaning model ang bata para sa tv ad ng milk. My goodness, may jetlag pa nga ako…business na kaagad ang pinag-uusapan. Since I can’t decide what to do, she handed me her calling card na lang and she asked me to call her if ever I made up my mind. Alam kong maraming ina ang naghihintay sa ganitong pagkakataon. But I’m not going to do it.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

23 Responses

  1. thess says:

    Eh paano naman hindi kukuning model si Gillian, syempre kamukha ko ano! (Gillian, patawarin mo kahibangan ko ha? he he)you’re not allowing him to do the ad? good move mama, too young to work ;)…ayy ang bruha at nakipag chismisan pa kay ‘Beautiful Girl’…este man, that was one great picture manay. O sha, looking 4ward for more pictures…ingat dyan sa lugar nyo, hane.

  2. bokbok says:

    wow! so how does it feel to be a future stage mother? lol . no, it’s up to you, but if you will ask me, it would be up to my children. sila bahala. kung hindi nila feel, decision nila yon. kung feel nila, decision din nila yon. ang gulo no? no, i mean, i won’t force them. i don’t want them to end up like some of the stars we have today who started so early, then hindi nila na-feel ang pagiging bata, you know what i mean… but since gillian is too young pa, can’t make a decision on his own yet, ikaw ang mag-de-decide. why not give it a try? but if you think the commercial thing would only give gillian so much stress and fatigue, ikaw din ang bahala. o say mo? but i would love to see him on screen…hehe

    take care šŸ™‚
    bokbok

  3. sachiko says:

    Ei! Sige na at para isa sa amiga namin ay may anak na star! haha! Seriously speaking though,I grew up in a showbiz family and it’s a dirty,full of temptation and an unstable business.

    Nice to know you are enjoying yourself and safe.The bombing is big news in the blogworld,too.

    Take care always and come home safe.

  4. ruth says:

    nakikibasa lang ako, and then i fgured out, pareho pala tayong nasa alemanya! wow!

  5. Stel says:

    wow tita beng! sana nag duet ng “please be careful with my heart” heehee. mrs. beautiful and baby pogi kaya pinagkakaguluhan, truly. can’t wait to hear the rest of the adventures.
    quits din kami after one job– my then 2 y.o. dotir was in a tiny kids’ book,pero pansin ko she did not smile for the camera and she got bored waiting for her turn. i think it’s unnatural to grow up like that. may mga bata atang talagang pang camera. take care dear!

  6. bokbok says:

    beng dear, the photo above wasn’t there when i posted my preceding comment. my god, you’re so pretty!!! pagod pa yan sa byahe ha? oh say?!
    ang cute ni gillian, bagay sa milk commercial! hey, i’m not trying to influence you ha? haha!!! šŸ™‚

  7. Beng says:

    thess, akala ko kamukha ni gillian yong aming postman (*g). buti na lang kamukha mo siya (hihi). mind u what, i was really tempted to call the agent. gillian has the talent dahil pagnakakita ng camera eh posing kaagad siya sabay ngiti at may kasamang byutiful eyes pa yan. pero kawawa din naman kasi, he’s still too young para isabak sa stress. saka na lang siguro kong malaki na siya at kong gusto niya.

    i went to ur site…madam hindi ka pala tapos? may auf wiedersehen ka pa doon ah. i click the link doon pero hindi ako nakapasok…mukhang ayaw sa akin.

    ciao bella

  8. Beng says:

    bok, nasa likod pa lang kami ng stage. hayaan mo baka pagbalik namin ulit dito, malay natin baka siya ay pwede ng maging kapalit ni FPJ or kahit Dolphie pwede na (ahahaha).

    au revoir cheri

  9. Beng says:

    sash, many thanks for your concern. thank god malayo kami and luckily yong bus terminal lang target area nila. pero kahit na, i am still very careful kaya i avoid crowded areas. yon na nga lang kong talagang time na natin, accident happen kahit anong ingat pa ang gagawin di ba?

    oh, nasa showbiz pala ang family mo? cooool!

  10. Beng says:

    hi ruth, nice to see you here. buti naman at naligaw ka dito sa “kabaliwan blog” ko. where in D are you ba? si thess na makulit na katulad ko ay neighbor ko yan (na tega netherland).

  11. Beng says:

    stel, maki duet nga sana ako but i was afraid na magsitakas yong mga guest ng restaurant kapag narinig nila ang mala nora aunor kong boses (ngeeek, nagpantasya ano?).

    di ko alam sikat pala si doti moh. pahingi autogram diyan. i told the agent pala na bata pa ang anak ko kaya ako na lang muna ang kuhain niyang model kahit sa arinola payag na ako. hoy, just kidding ha. anyways, i don’t know much about showbiz but i can imagine how stressful it would be for gillian. ang arte pa naman ng batang ito kapag pagod ay naku, halos gira patani dahil hindi na maawat sa kaiiyak. lalo-lalong na kong hindi makatulog ng tanghali. nasanay kasi ito sa regular schedules niya.

  12. Beng says:

    boks, wala na akong barya ha kaya itigil mo na yang pangbobola mo diyan. pero alam mo, ako’y lubos pa rin na nagpapasalamat sa komplimento mong yan. tatanggapin ko na at baka babawiin mo pa!

  13. Ting Aling says:

    Morther, yang beauty mo ni hindi man lang natinag. Pareho pala tayo na palaging nasa galaan pag nasa Manila. Ako naman, tumira sa Rockwell Power Plant. Ay anong malay ko ba na sosyal yon..me condo ang aking tiyuhin doon at isa sa mga units daw eh tirahan ng ambassador ng isang big time na country kaya ang higpit ng screening ng mga tao..adjacent to the condo was a sosyal din na mall..naku..hindi pala ako marunong maging sosyal..to tell you frankly, nagmukha kaming promdi ng aking mga anak..paano, nakashorts lang kami at nakatsinelas dahil sa init..pheww! Sige, enjoy ka ulit ha.

  14. Beng says:

    Mommy Ting, bigatin pala ang tiyuhin mo…imagine sa Rockwell ang unit ng condo niya. We went there a couple of times and I really like the place…looks very exclusive and not so crowded. Yon nga lang butas naman ang bulsa ko doon sa mall nila just like Greenbelt 4. Haay maryosep sarap mamili ng todo pero sayang din ang pera. Buti sana kong asawa ko si mang donald trump or kahit si mang bill gates na pangit na ubod ng pera na lang. I am not materialistic but somehow I like prestige. O eh, sige na gigising na ako bago mo ako batukan. Howdy? Tapos na ba ang lipatan niyo?

  15. thess says:

    Tita Benggay, omg…diyata’t ikaw at ang postman? ayyyy!! hahaha, baliw ka talaga! cgro nga, pag malaki na si Gillian at type nya mag showbiz, then go di ba?…hmmm,malayo pa matapos ang aking site at hindi ko maasikaso…sabi ko naman kasi GAWIN MO EH! (naku naku, patay mangga ko nito he he)…tsaka na ko lilitaw ulit pag naayos ko na at may time (asus, palusot pa, eh hirap ako sa php, nyahahaha!)…tita beng, si ruthie and other lukarets na bloggers mame-meet ko this weekend, hayan kasi, umuwi ka pa eh, di sana kasama ka (para namang ako nagpa party ano?)…sa hanau gagawin, eh di sana nde prob. ang uwian mo because of sister, di ba? STEL,BOK, TING, SACHI..sana maka join kayo ano? I would love to meet you all! ^_^

    ay…o sha, ingat dyan tita benggay..miss yah!

  16. Beng says:

    Thessyang, I am ready to help you if ever you need my assistance diyan sa site mo. Pero sigurado naman akong time lang ang wala sa yo dahil know how ay meron ka na. Take your time dahil walang habulan di vah? Yang PHP na yan ay talagang nakakaloka, just take it easy at baka ikaw ay magiging lukaret na katulad ko. Basta sabihin mo lang sa akin if you need me (chika). Inggit ako sa EB niyo this weekend, sayang hindi ko maabutan. Pero pagdating siguradong magkikita tayo, di ba’t kukuhanin mo ang buto ng mangga sa amin? Ahehehe, siya siya…promise is promise…butong may kasamang laman pala. Paalis din pala kami ngayon papuntang Paradise Beach Resort stay in kami ng tatlong araw.

    Enjoy na lang kayo sa EB niyo and regards sa mga hindi ko pa kilala. Ingat sa pagmamaneho ha ineng? See yah!

  17. Ting Aling says:

    Mommy Beng, alam mo matagal na akong nawala diyan so wala akong kamalay-malay na pang bigtime nga ang Rockwell. Noong dumating kami diyan, gabii so hindi ko napansin. Pero noong paakyat na kami sa condo, aba sir po sa lahat ng puwet ng Uncle ko. Yung isa kong pinsan, diyan din sa isang kumpanya sa Rockwell nagtratrabaho. Di ko din alam, Special VP pala siya ng Presidente..at huwag ka, yung pool, solo namin.

    Dinala ulit kami sa Subic Yacht Club. For club members only..OMG, mas exclusive na naman. Solo ng aming mga anak yung pool. Susme, eh di parang hindi nakatikim ng grasya dito ang aking mga anak ano? Nalula pati ang aking mga anak sa laki ng malls diyan. Eh dito naman kasi, punta kami sa mall, bibili ng kung anong bibilhin, tapos alis na ulit. Pagpunta nila sa Mega Mall, husme naglakihan ang kanilang mga mata..pero nagsawa din pagkatapos ng half day.

  18. Ting Aling says:

    Thess, mag-enjoy kayo ha. Baka makapunta ako ng Italy sa July..titingnan ko pa kung papayagan ako ni kumander kasi uwi kami netong December at take note, we will stay there for a month..oh ha..oo nga sana makita din kita sa personal ano?

  19. thess says:

    huling hirit for this week:

    enjoy your weekend, ibabad mo na lang ako sa araw ha, enjoy kayo!..tnx din, Im sure mag eenjoy kami, wala na nga kaming alam pag usapan kundi pagkain na iluluto..and I know you’ll lend me a hand pag sumigaw na ako ng darna! sa hirap, pero hayaan mo na pagpawisan muna ako ng malapot sa php na ito…pero thank you from the bottom of my pw*t..ayyy puso pala!!

    ps..totoo,time talaga kulang sa akin eh šŸ™ at totoo na walang habulan..at ako ay walang hahabulin, he he!!

  20. thess says:

    PS. I know may nakalimutan ako sabihin kanina eh…

    of course, magkikita tayo pag balik mo dito sa europe! kahit walang mangga at flying kiss lang pasalubong, guaranteed na happiness ko (errr, pwede si Gillian, take home ko?)…

    o sha, hanggang sa muli…ayyy another PS, yung picture ng anak mo na kumakain ng ube ice cream..naiyak ako ako sa inggit..penge ube ice cream!!

  21. KnOizKi says:

    ate beng, artistahin ka talaga. sarap naman nag starbucks kayo sa makati at masaya bakasyon mo. i’m sure nabitin kayo nyan? kahit daw pagod at lahat lahat na basta pag nasa pinas ALIW diba? ganda mo ate.

  22. Beng says:

    Mommy Ting, big time vacation pala yon ha? Solo niyo na ang pool may yatch ka pa. VIP nga!

  23. Beng says:

    Knoizki, ginawa naming hang-out ang Starbucks doons sa Greenbelt 3. Naku siguro kong nandoon ka wala kang ibang makikitang babae na nakaupo sa labas na may anak na pinapatulog sa stroller. Hanggang 2:00 a.m kami doon nakaupo at nagchikahan. Talagang walang kapaguran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *