Monthly Archive: February 2005

Paradise Beach

We went to Paradise Beach last week to unwind a bit, dati karamihan ng mga tourist na nagpupunta dito ay mga Japanese. Recently, para na rin akong nasa Europe because as we were there…I met couples from different parts of Europe. Like Sweden, Norway, Italy, Austria and Germany.

Paradise Beach is just a small resort, pero dinadayo ng maraming turista because their price is affordable. I booked for 3 nights kaya lang umuwi na kaagad kami after 2 days dahil nilagnat si Gillian. This is not the first time he got sick since we are here. Kaya nagpasya na lang akong umuwi na ngayong March 3 instead of April 11 dahil sa kanya. He lose weight dahil ayaw kumain, buti na lang umiinom siya ng gatas. Ako sana ang dapat pumayat pero imposible itong mangyayari dahil sa katakawan. Uuwi na lang kami in fairness to my little boy. I’m afraid na kong magtagal kami dito, baka siya ay maging buto’t balat na lang kong talagang sa April 11 pa kami uuwi.
Sayang nga, but as a mother I’d rather sacrifice my vacation rather than seeing my son in bad shape while here.

Ito ang sinakyan naming bangka papunta sa Samal
Island kong saan matatagpuan ang Paradise Beach. Dahil sa takot na baka malunod ang bangkang ito dahil sa sakay na balyena (which is me) I looked around para siguraduhin kong saan nakalagay ang kanilang life vest.

Si mother na nagbabantay ng kanyang anak na gustong laging nakalublob tubig. Naging uling na kulay ko ngayon, kahit anong pahid ang ginawa ko ng sunblocker. Siguro ngipin na lang ang makikita sa akin sa dilim.

Ang batang anak ng sirenang walang buntot.

Na nag ilusyon na siya ay si Pamela Anderson sa Baywatch na walang boobs. Lumala ang ilusyon ng naturang ina dahil sa sobrang init.

A pose with my parents after taking our dinner at the beach restaurant. We stayed there ’til 10:00 p.m, sipping our cocktails while listening the Harana. I was a bit drunk after sipping a couple of Margarita kaya I am grinning in the picture like as if I’m in heaven. Yikes!!!

V A T

Habang tumatagal ang stay ko dito, palalim at palalim naman ang dukot ko sa bulsa dahil sa mahal ng presyo. I was here 1 and a half year ago at napakalaki na ang ipinagbago ng mga presyo ng ibat-ibang bilihin. Dahil ako mismo ang namamalengke (siyempre may kasamang tega bitbit noh) kitang-kita ko talaga ang kaibahan. Like ang laking gulat ko ng tanungin ko ang tindero na nagtinda ng karneng baka. One hundred seventy po ang isang kilo sagot niya. Sabi ko naman: Aba bakit ang mahal? One hundred twenty lang yon last time ah. “Kailan po ba kayo huling namalengke?” Hehehe! Hindi na lang ako sumagot dahil medyo napahiya na si me.

Anyways, the fact that mahal na ang mga presyo ng bilihin recently ipinagplano pa ng gobyerno na itaas ang VAT. Para daw ito sa ikabubuti ng mga mamamayan. Sa ikabubuti nga ba ng mamamayan or para sa kanila? Sino ba ang niloloko ng mga ito? According to the current survey almost 40% na ang rate ng poverty dito sa Pinas. When they talk about poverty here ibig sabihin noon yon na yong wala na talagang makakain at mga mamamayang isang kahig isang tuka. What on earth is the purpose of raising VAT kong halos naghihingalo na ang mga tao? Kong sakaling matutuloy man ang pagtaas nito, di tataas din ang presyo ng mga bilihin. Samantalang ang mga sahod naman ay nanatili pa ring mababa. Por dios por santo, hindi na ba sila naaawa sa mga taong apektado nito?

At Greenbelt

January 28, alas dos y medya ng hapon ng aming marating ang Prince Plaza Hotel sa Makati mula sa international airport. Pagod sa mahabang biyahe subalit hindi ito naging dahilan para tumigil ako sa aming kuwarto para magpahinga. Naligo at nagbihis at pagkatapos nagpunta na kami ng anak ko sa Greenbelt. Napaka convenient ng location ng aming hotel dahil walking distance lang ito sa mga shopping malls.

Napakalaki na ng ipinagbago sa lugar na ito compared to the past. Ang tagal ko na nga naman palang hindi na napunta dito. Well, dahil sa nangatog na ang tuhod ko sa gutom. Pumunta kami sa Via Mare para kumain…masarap daw dito ang Pansit Luglug. I ordered one for me and fried rice for my baby Gillian. Habang kami ay kumakain, tuwang-tuwa naman ang ibang guest na tingnan ang aking anak na nagkamay. Pinoy na amerikano daw sabi nila. Well anyway, a bit later…may mag-asawang guest na dumating na pinagkaguluhan naman ngayon ng iba. I asked the waiter what’s going on and he told me that the

mari chan

newly arrived couple is Mr. and Mrs. Jose Mari Chan. Wow, si idol ko pala ito! Naisipan kong humingi ng autogram kaya lang wala akong papel. Our waiter spoke to Mr. Mari Chan at hindi ko akalaing lapitan niya kami (laking galak ko naman). Kuwentuhan kami sandali about his previous trip in Germany at kuhanan na ng picture pagkatapos. He’s not only a famous person ang bait niya pa.

Gillian and I resumed our shopping tour after having late lunch. Itong anak ko pala ay parang tega bundok dahil everytime na may pumapansin sa kanya nagsisigaw na ito at naglulupasay. Ayaw kasing magpahipo at magpahawak. Suplado! While we were at Starbucks Coffee, a lady approached us and talked to me about Gillian. Gusto niya raw kuhaning model ang bata para sa tv ad ng milk. My goodness, may jetlag pa nga ako…business na kaagad ang pinag-uusapan. Since I can’t decide what to do, she handed me her calling card na lang and she asked me to call her if ever I made up my mind. Alam kong maraming ina ang naghihintay sa ganitong pagkakataon. But I’m not going to do it.