Wellness Kuno

I’m having a lazy day today. Ang pangit kasi ng weather kaya no jogging. So I decided to pamper myself instead habang tulog si liit. Wellness bath for my body and soul is what I need after those stressful days. Kaya I went to the “Drogerie” (drugstore) nearby and bought a rose scented bath oil, body peeling and some fresh roses from the flower shop.

I sliced some cucumber while the water was running in the bath tub. Nabasa ko kasi from a magazine na maganda daw ito gamiting facial mask. Downstairs again, I poured bath oil to the water and added those rose petals . Wow ang bango-bango! I lighted candles and turned on the recorder playing Chopin. Then I took a shower at doon ako nag body scrub.

I climbed in the tub pagkatapos and laid there for some minutes before I applied the cucumber slices on my face. Hmm, how relaxing. It feels like as if I’m in heaven. I should have done this often.

Habang nakapikit ang aking mga mata at nag muni-muni bigla kong naramdaman ang sobrang kati ng aking mukha. I ignored it dahil akala ko kasama yon sa mask effect. Aba! Ang kati ay naging hapdi. Graveh! Kaya bumangon ako’t tiningnan ko sa salamin kong ano ang nangyari. Waaaaaa! I got red circles on my face and it’s swelling. What a shock, mukha akong hinalikan ng octupos. Helllllpppp!

My wellness turns out a disaster! Allergic pala ako sa lintik na cucumber. Arayyyy! Paano na lang ito may appointment pa naman ako mamaya sa hairdresser. Anak ng kabayong nangamatis I’ m not going to follow tips from a mag anymore without testing it first. Pahamak!!!

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

22 Responses

  1. bokbok says:

    haha! kikay kasi!
    baka me na-miss ka sa instructions, baka dapat lagyan ng ‘vinaigrette’! ^_^

    bisous!
    boks

  2. Beng says:

    ano ka dyan bok di naging salad yong aking mask šŸ™‚

  3. bokbok says:

    ayaw mo non? pa-beauty ka na pa-kain ka pa! haha! my god, beng never pa kong tumawa ng malakas sa harap ng computer ko!! if you could only see me, i’m in tears!!! ^_^ ^_^ ^_^
    boks

  4. Beng says:

    hmmp, ganyan ka pinagtatawanan mo na lang ako. bok, lucky you at hindi ka napaihi sa katatawa mo diyan. alam mo, reviewing all our comments really amused me. kaya ituloy natin ang ligaya. siyanga pala next time mag picknick ako sa bathroom, whenever my hubby ask me what i’m doing i’ll tell him it’s your idea šŸ™‚

  5. thess says:

    Really, allergic ka sa cucumber? oh my…poor cucumber…este Beng pala.

    we’re also having a rainy thursday..and it’s so cold as well. anyway, I hope your face is back to normal now.

  6. Beng says:

    you know thess, hindi lang ako sa cucmber allergic kundi sa pera din. see, nangangati kasi ang kamay ko kapag may hawak akong pera šŸ˜‰

    kidding aside, naku sangkatutak ang allergy ko malala nga ito kapag springtime dahil blooming season. hay fever baga. my face is still itchy and reddish but no longer swelling. thanks for your concern dear.

  7. Ting Aling says:

    Hahahaha..palagay ko alam ko ang hitsura mo. Pagamot mo na lang kay dok. Marunong bang gumamot yan ng pinoy? Anyway, mabuti ka pa may oras maglublog sa tub. Ako kandarapa dito sa pagsilip ng blogs..

  8. Beng says:

    Mommy, kandarapa din ako kanina dahil all links na nakalista ay inikot ko. Well, hubby gave me some medication. Tinawagan ko kanina sa clinic and told him what happened. Medyo ok na ngayon, hopefully mawala na ito bukas completely. Pinilit ko lang kanina na magkaroon ng panahon to relax. Needed it so badly pero ayon bad din pala ang labas šŸ™‚

  9. stel says:

    beng, nakikiramay, ako rin maraming allergies, just not to cukes. lagi nga akong mukhang Melanie Griffith (sa lips lang)–pasok sa iskul, pinagtatawanan ng mga kaklase. are you allergic to cukes when eating them too? i have to warn my #1son in case he needs an eye lift!!he’s allergic to avocadoes, cantaloupes, and bananas too…magkakamag anak kaya silang prutas??? at least Dr. ang hubby, puwedeng magpa”medicate”?!

  10. Beng says:

    stel, yan ang ang uso ngayon di ba? ala angelina jolie >;) ok sapukin mo na ako! wala akong allergie sa prutas, ang asawa ko lang. deadly sa kanya ang kiwi tapos hindi rin siya pwedeng kumain ng strawberry and apple. when we were in the phils he tried jackfruit. naku po, namaga din ang mukha niya…buti na lang may dala siyang cortisone. may cross allergy din ang hay fever ko kaya kailangan kong mag-ingat sa shade plants and most of all to hazelnut. ok lang pag roasted na dahil nawala na ang substance. one time namulot ang anak ko ng hazelnuts tapos kinain naming dalawa (di ko pa alam noon na may allergy reaction pala sa akin yon) we ate it fresh. naku misis after a couple of minutes hindi na ako makahinga. sos ang labas.

    allergic din pala si dash mo? you have to watch out for cross allergies mother. namana din ni kathleen ang allergy ko and i have to be very careful with my little boy dahil hindi ko pa alam sa ngayon kong ganun din siya. sis, my hubby can’t really help us when complication arise dahil internal medicine and rheumatology ang specialization niya.

  11. bokbok says:

    hope ok ka na ma ch?re beng.
    so nagpunta ka rin ba sa hairdresser mo pagkatapos?

    see ya!
    ^_^

  12. stel says:

    tita beng, dagdag sa istory, yung #1 son ko 15 y.o na guwaping(sympre) ang may food alleries, yung si Dash ay hikain, ang daming gamot..pero he’s very malikot, madada.. hazelnuts pa ha.at least puwidi pa Nutella. other nuts too? ingat ka lang lagi. lalo akong nagulat kay Ravishing Beauty, ay Dr.! haha, makita kaya ng pasyente???

  13. sachiko says:

    I remember during my sosy days (sauce days pala) sa Pnas,I used to put cucumbers and even egg yolks sa face ko for y’know,kaeke-ekan..!

    I also have hay fever allergies,I usually take medicines na pag late Febraury if not,maghapon akong ACHOO!!!Have a nice weekend,ms.beautiful! Post ka ulit ng pic nung pogi mong anak,pakita ko sa anak ko..hihihi…

  14. Beng says:

    bok, just got back from my hairdresser. hindi ako pumunta kahapon i was afraid they might laugh when they see my visage. ok na ako and thanks a lot šŸ™‚

  15. Beng says:

    Stel, mawawala din yang hika ni Dash when he gets older (sabi ng dati ring hikain na kausap mo). Sa anong food ba allergic si pogi mong anak? Hihihi, ang Nutella ay pwede sa akin, tsalap nga sa fresh baked brown bread. Haven’t tried other nuts yet…kaya tama ka, kailangan ko laging mag-ingat. Lagi nga akong may bitbit na gamot in case of shock reaction.

    Nakita nga siya personally (in that masquerade)ng ibang patients niya dahil we went to that Faschingsball itinuro ba namang ako ang may kasalanan.

  16. Beng says:

    Saschiko, tayong mga babae nga naman ano? Napakadaming ka kikayan. Mag stick na lang ako sa Anna Yake facial treatment, at least alam kong walang allergy effect. Kala ko kasi makakatipid ako šŸ™

    Sas, my nose is now starting to itch, catkin is blooming na kasi. Hahahaha! Mind you what hindi ako umaalis ng bahay na walang dalang tissue paper, alam mo na kong bakit.

  17. Beng says:

    Sachiko dear, ito ha tinutuo ko na yong picture na nabanggit mo šŸ™‚

    Greetings

  18. sachiko says:

    where is the picture, beautiful lady? waaa,di makita..

  19. sachiko says:

    Is that him in your flicker’s? Gosh,super cute!! My poor daughter doesn’t deserved him, sobrang gwapo,ala movie star! And who are those twins w/him?
    Ps: what’s his type of girl? nyahahaha!

  20. Beng says:

    korek sash, that’s my son ivan in my flicker album. the two ladies on his side are my friends in frankfurt. that picture was taken last september. ang pinaka latest ay yong kasama si sister kathleen niya šŸ™‚

    mother what are you talking about your daughter doesn’t deserve him. she’s an awesome girl at sigurado akong maduduling ang anak ko sa kanya. type niya daw ay yong mabait at maganda šŸ™‚

  21. KnOizKi says:

    ate bheng, napadaan lang listening to your radioblog cuz im still jealous about it. have a nice weekend and enjoy ur vacation.

  22. Beng says:

    ikaw talaga knoiz…don’t be jealous. may movie preview ka rin naman, wala ako niyan. enjoy listening and have a nice time habang wala ako ha at saka ingat ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *