Lost And Forgotten?
Ito na yata ang pinakamatagal na panahon na hindi ako nakapag update. We just got back home yesterday from Frankfurt and as usual kapag ako ay wala nagtambakan din ang gawaing bahay. Hindi lang trabaho dito sa bahay ang nag-antay sa akin kundi pati na mga pending appointments. Umuusok ang witpu ko ngayon sa kaiikot.
My departure is fast approaching pero hindi pa ako nakahanda at wala pang nabiling pasalubong. Mukhang doon na lang yata ako mamimili dahil 20 kilos lang ang allowed. Mabuti naman dahil ayaw ko rin na magmukhang isang kargador sa dami ng bitbit at saka may isa pa akong maliit na anak na kasama. I can already imagine myself pushing the buggy and pulling our suitcase at the same time na ubod ng laki. I have no idea how would I manage to do both.
Ang ilusyon kong maging sirena in Pearl Farm ay nawasak dahil I gained weight again after my visit in Frankfurt. Puro kain kasi ang trip ng mga tao doon. Actually half portion lang ang kinakain ko since I started having diet and I avoid fatty foods. Pero kinantiyawan ako ng mga lukaret doon kaya tuloy ako na challenge. Hindi na kain ang tawag doon sa ginawa ko kundi lamon na talaga. Kaya tuloy hindi na ako makakapag bathing suit when I’ll go to the beach this coming vacation of ours dahil lumaki ulit ang mga liferings ko (waaaaaah). Mag daster na lang ako para hindi gaanong diyahe :(
This entry was posted on Monday, January 10th, 2005 at 11:57 am and is filed under Whatsoever. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.
by: Beng
posted on
at 11:57 am
under
2 Comments
My name is Beng and Kauderwelsch is my personal blog. I have three charming kids, two naughty cats, and a husband that I adore. I'm old but still ambitious, stubborn and well determined by nature. I am obsessive about things that interest me and that I care about. I am an entrepreneur at heart and my
so,welcome back!
akala ko galing ka ng pinas…
^_^
hi bok, ngayong january 27 pa ang alis ko. bakasyon kasi ng mga bata dito kaya namasyal kami sandali doon sa dati naming tinirhan. haven’t seen my old friends for almost 2 years na kasi eh.