Pre-Nuptial Agreement

Dear Beng,

It’s me again Confused Gurl, I hope you still remember me. Umuwi ako sa atin kaya hindi kaagad ako nakapagpasalamat sa payo na naibigay mo sa akin. Umuwi ako para magkaroon ng peace of mind which I badly needed. Mahirap kasing mag decide kapag magulo ang isip. Now I’m back and I made up my mind. You said I should follow my heart, kaya ito…I decided to accept the marriage proposal of my boyfriend.

I was only surprised ng sabihin niya sa akin na kailangan daw naming magpagawa ng pre-nuptial agreement. At first I felt like being insulted dahil para bang wala siyang tiwala sa akin. He tried to explain to me his reasons, pero hindi ko pa rin maintindihan. Mahirap tanggapin sa aking kalooban na para siyang may duda sa akin. Ano ba ang dapat kong gagawin?

Confused Gurl

Hello dear,

First of all, welcome back to the land of Beer and Sauerkraut. Bakit ka ba bumalik kaagad? Sana hinintay mo na munang medyo uminit ang panahon. Pero talagang ganyan kapag umiibig 8O, walang makakapigil kahit bumabagyo o lumilindol man. I’m glad to hear you made up your mind. Ano man ang naging pasya mo, maligaya ako para sa yo. You have my blessings! Amen.

😀 Magulo na naman pala ang puso at isipan mo? Aba C. Gurl, mag-ingat ka at baka mamumuti buhok mo niyan sa kakaisip. Huwag mo palang masamain ang suggestion ng fiancé mo na magpagawa sa nasabing agreement. Hindi ito masama, I am sure gusto niya lang ng security but you have to be very careful.

Bago ka pumerma, kailangan mong basahin ng mabuti ang mga nakasulat sa kontrata. If you think it’s at your disadvantage, aba magreklamo ka. There are some points na importante like “Rentenausgleich”. Never agree na wala kayo nito incase of divorce dahil ikaw ang kawawa later on. Isulat ko na lang sa email ang detailed info regarding this matter dahil masyado kasing mahaba eh. One advantage of having pre-nuptial agreement pala is…kong sakaling magkaroon ng malaking utang ang asawa mo sa bangko. At kong sakaling hindi niya ito mababayaran, hindi ka nila mahahabol :!

Unlike conjugal property…conjugal din ang mga liabilities. And both of you will lost your credibility in such a case dahil damay ka sa bulilyaso ng asawa mo. Paano na lang? O sige, sana ikaw ay medyo naliwanagan na ng kaunti sa aking sagot.

Babuh for now,
Beng

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *