Fading Youth

Kapag ganitong wala akong ginagawa, pumapasok sa isipan ko ang sari-saring bagay. At napapansin ko tuloy ang hindi ko dapat pansinin. Like when I look myself in the mirror, eyebag ko kaagad ang aking nakikita. Paano kasi, sila ay nagsilakihan na tapos yong tinatawag na laugh lines ay tuluyan ng naging wrinkles.

Before and after!

Sus, itinuloy ko na lang sana ang balak kong pagsali sa “The Swan” noon. Yong mga pangit na applicants na napili ay talaga namang gumanda afterwards. Tapos lumaki at naging firm na rin yong kanilang mala dried prunes na boobs. Yan pa naman ang pinaka dream ko, I have been dreaming to have a breast like a coconut. Pero hanggang dreaming na lang ako dahil sa laki ng takot ko na baka magkamali ang plastic surgeon. Aba patay, baka magmukha akong ganito.

Pamela Anderson

Kaya mabuti pa huwag na lang, gagamit na lang ako ng push-up bra. Ahehehe, useless din pala dahil walang mai-push. Bili na lang kaya ako ng pads tapos doblihin ko para mas kita ang effect. Ayy, huwag na rin dahil baka matulad ako ng kaibigan kong nahulog yong pads na gamit niya doon sa supermarket noong nag grocery kami. Ang temang, ako pa ang inutusang damputin ito. Hindi ako pumayag noh, hindi rin niya nakuhang gawin ito so, hinayaan na lang niya.

Ay naku, mabuti pang tanggapin ko na lang ng maluwag sa dibdib ang lahat. Kakanta na lang ako Oh bakit ba ganyan ang buhay ng tao, may rong maganda, may pangit sa mundo. Kapararan, kong sumapit di… (Rico J.) kapanahunan ko yan ha, huwag pintasan.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

8 Responses

  1. Ting Aling says:

    Ay yay yay! Mother, ba’t naman ganyan ang naiisipan mo? Kyut naman yung kuwento mo tungkol sa kaibigan mo. Ako kaya dadamputin ko? Ay ano siya? Di ko pa nasagot e-mail mo. Mamaya na lang.

  2. Beng says:

    Tita Ting Aling Ding Dong, alam mo kasi may panahon na puro kabaliwan ang naiisip ko, this is one example. Pagsensiyahan mo na lang itong may tuyo sa ulo. Matagal ng nangyari yong sa friend ko, naalala ko tuloy ng maisipan ko yong pads. Aantayan ko na lang yong sagot mo, kaya huwag kang mabahala…nandito lang naman ako eh.

  3. Ting Aling says:

    Mother, mag create ka ng blogger account mo para makajoin ka naman at makilala mo pa yung aking mga ibang kaibigan sa blogosphere..sige na..marami kami doon..

  4. Beng says:

    Mommy Ting, I joined na and I have created a new blog din doon. Here is my link:

    "Reminiscense"

    Could you please tell me how to join and meet your group there?

  5. sachiko says:

    Pareho pala tayo ng frustration sa buhay (buntong hininga).That Pamela Anderson photo is scary!:awake:

  6. Beng says:

    appear tayo sachiko dahling. but (sigh din) tanggapin na lang natin na tayo ay tumatanda na ❓ di bale byuti pa rin naman tayo di vah?

  7. stel says:

    hi beng…love the photos of your kids and pets. new to your site, enjoying it very much. think i got here thru tita ting a ling or tita thess?
    may music pa! take care…

  8. Beng says:

    bonjour stel, maraming salamat at napadaan ka dito sa poor blog na ito. actually i’m more on web designing and this blog was suppose to serve as my mannequin, but it turns out different 🙂

    greetings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *