A Nagger?

Hey self, nagger na nga ba ako lately? My hubby told me that. Kong tutuo man, sino ba ang hindi maging ganyan. Of course I have to keep on telling them what to do because they don’t know how to follow simple instruction. Masama bang sabihin na iligpit ang kanilang kalat? Or kailangang gumamit ng plato when they eat bread para walang mahulog na crumbs sa sahig? I just can’t stand dirt and most of all, I am not a maid na tega sunod ng kanilang dumi. Katatapos ko lang maglinis…makalat at madumi na naman. It seems like they don’t appreciate my effort. Buti sana kong maliit lang ang bahay na isang ikot ko lang tapos na agad. Nakakaloka!

Bilhan ko kaya sila ng tig-iisang manok as christmas present para may tega tuka ng kanilang ikinakalat na crumbs doon sa sahig. I can save my energy and electricity that way. Wala, hindi na yata matuto itong mga kasama ko sa bahay. Pagkakamali ko rin dahil wala akong sinasabi dati, ngayon pa lang ako magsimulang mag reklamo. Very elastic pa kasi ang patience ko noon kaya no comment lang ako.

Dapat pala sinabi ko na kaagad noon kong ano ang ayaw ko. Huli na ang lahat para matuto ang asawa ko at saka mahirap turuan ang mga taong matalino dahil sasagutin ka lang na alam na nila yon.

“Kaya Beng, magtiis ka!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>