Kapag ganitong wala akong ginagawa, pumapasok sa isipan ko ang sari-saring bagay. At napapansin ko tuloy ang hindi ko dapat pansinin. Like when I look myself in the mirror, eyebag ko kaagad ang aking nakikita. Paano kasi, sila ay nagsilakihan na tapos yong tinatawag na laugh lines ay tuluyan ng naging wrinkles.
Sus, itinuloy ko na lang sana ang balak kong pagsali sa “The Swan” noon. Yong mga pangit na applicants na napili ay talaga namang gumanda afterwards. Tapos lumaki at naging firm na rin yong kanilang mala dried prunes na boobs. Yan pa naman ang pinaka dream ko, I have been dreaming to have a breast like a coconut. Pero hanggang dreaming na lang ako dahil sa laki ng takot ko na baka magkamali ang plastic surgeon. Aba patay, baka magmukha akong ganito.
Kaya mabuti pa huwag na lang, gagamit na lang ako ng push-up bra. Ahehehe, useless din pala dahil walang mai-push. Bili na lang kaya ako ng pads tapos doblihin ko para mas kita ang effect. Ayy, huwag na rin dahil baka matulad ako ng kaibigan kong nahulog yong pads na gamit niya doon sa supermarket noong nag grocery kami. Ang temang, ako pa ang inutusang damputin ito. Hindi ako pumayag noh, hindi rin niya nakuhang gawin ito so, hinayaan na lang niya.
Ay naku, mabuti pang tanggapin ko na lang ng maluwag sa dibdib ang lahat. Kakanta na lang ako Oh bakit ba ganyan ang buhay ng tao, may rong maganda, may pangit sa mundo. Kapararan, kong sumapit di… (Rico J.) kapanahunan ko yan ha, huwag pintasan.