The Past And The Future

When I arrived in Germany way back nineteen kupong-kupong hangang-hanga kaagad ako sa aking mga nakita. Buong paligid ay malinis at maayos, talagang masabi mo kaagad na everything is well-tended. Mas lalo akong hanga sa pamamaraan nang pagpamahala nang gobyerno sa kanilang bayan at mamayan. Germany was a solid social state or welfare state.

I said “was” dahil after several years marami na ang mga nagbago dito. The changes has started as the east and west Germany reunited. Several reforms has been implimented in order to support the east financially. The so called wiederaufbau – (economic reconstruction) has swallowed enormous amount of money. Then comes Euro currency…

Ibat-iba ang opinion nang mga tao kong bakit nagkaganito ang sitwasyon ngayon dito. Chancellor Schroeder said kailangan daw higpitan lalo ang belt at magtiis para sa future economical improvement. Kapag ganyang salita na ang sasabihin nang politiko, iisa lang ang ibig sabihin niyan. Hahantung na naman ito sa pagtaas nang ibat-ibang buhis, yon na nga ang nangyari. Tumaas ang mineral oil tax, value-added tax, income tax at iba pa. Kapag tataaas ang taxes siyempre automatic na rin na tataas ang presyo nang mga bilihin, kasama na diyan ang mga insurances at kong ano-ano pa. Taasan na silang lahat except sahod ng mga trabahante at empleyado. Low income na nga cut-off pa ang mga bonus.

Kapag kinukulang ng budget ang goverment, wala na silang ibang alam gawin kundi ang gatasan ang mamamayan. Pati retirement fonds na pinaghihirapan ng mga ordinary citizen ay nagamit na nila. Kaya malamang na ang mga nagtatrabaho ngayon ay wala nang matatanggap na pension when they retire in the future. Samantalang sila, hindi na nga nagbabayad ng taxes, ang laki pa nang kanilang mga sahod bukod pa sa mga benefits na kanilang natatanggap bilang politiko. Bakit hindi nila maisip na sila naman ang mag diyeta? Tuloy kong ano-ano na ang kanilang naiisip na pagkaperahan.

Ang huling isyu na nakakatawa and humiliating at the same time is the planned abolition of October 3 holiday (it’s the reunification day) upps, hindi pala abolition kundi they just wanted to move it on a Sunday. Kailangan daw kasing magtrabaho ang mga tao eh para madagdagan ang tax na makukuha ng gobyerno. Luckily hindi sila nakalusot dahil majority ang nag reklamo. Buti nga!

Nawala na ang aking paghanga at mas lalong hindi na ako bilib sa mga politiko, wether here, Pilipinas o kahit saan. Sabihin na nating may mabubuti, pero majority sa kanila ay bulok at mababantot. Tumataba ang kanilang mga tiyan at bulsa, habang ang mga mamayan ay nagtitiis at nagdurusa.

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

2 Responses

  1. AnP says:

    Amen! I hate the tax and health reforms. All of said reforms only lead to one thing – less netto for the working people!

  2. Beng says:

    You’re absolutely right.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *