The Past And The Future

When I arrived in Germany way back nineteen kupong-kupong hangang-hanga kaagad ako sa aking mga nakita. Buong paligid ay malinis at maayos, talagang masabi mo kaagad na everything is well-tended. Mas lalo akong hanga sa pamamaraan nang pagpamahala nang gobyerno sa kanilang bayan at mamayan. Germany was a solid social state or welfare state.

I said “was” dahil after several years marami na ang mga nagbago dito. The changes has started as the east and west Germany reunited. Several reforms has been implimented in order to support the east financially. The so called wiederaufbau – (economic reconstruction) has swallowed enormous amount of money. Then comes Euro currency…

Ibat-iba ang opinion nang mga tao kong bakit nagkaganito ang sitwasyon ngayon dito. Chancellor Schroeder said kailangan daw higpitan lalo ang belt at magtiis para sa future economical improvement. Kapag ganyang salita na ang sasabihin nang politiko, iisa lang ang ibig sabihin niyan. Hahantung na naman ito sa pagtaas nang ibat-ibang buhis, yon na nga ang nangyari. Tumaas ang mineral oil tax, value-added tax, income tax at iba pa. Kapag tataaas ang taxes siyempre automatic na rin na tataas ang presyo nang mga bilihin, kasama na diyan ang mga insurances at kong ano-ano pa. Taasan na silang lahat except sahod ng mga trabahante at empleyado. Low income na nga cut-off pa ang mga bonus.

Kapag kinukulang ng budget ang goverment, wala na silang ibang alam gawin kundi ang gatasan ang mamamayan. Pati retirement fonds na pinaghihirapan ng mga ordinary citizen ay nagamit na nila. Kaya malamang na ang mga nagtatrabaho ngayon ay wala nang matatanggap na pension when they retire in the future. Samantalang sila, hindi na nga nagbabayad ng taxes, ang laki pa nang kanilang mga sahod bukod pa sa mga benefits na kanilang natatanggap bilang politiko. Bakit hindi nila maisip na sila naman ang mag diyeta? Tuloy kong ano-ano na ang kanilang naiisip na pagkaperahan.

Ang huling isyu na nakakatawa and humiliating at the same time is the planned abolition of October 3 holiday (it’s the reunification day) upps, hindi pala abolition kundi they just wanted to move it on a Sunday. Kailangan daw kasing magtrabaho ang mga tao eh para madagdagan ang tax na makukuha ng gobyerno. Luckily hindi sila nakalusot dahil majority ang nag reklamo. Buti nga!

Nawala na ang aking paghanga at mas lalong hindi na ako bilib sa mga politiko, wether here, Pilipinas o kahit saan. Sabihin na nating may mabubuti, pero majority sa kanila ay bulok at mababantot. Tumataba ang kanilang mga tiyan at bulsa, habang ang mga mamayan ay nagtitiis at nagdurusa.

Germany O Pilipinas

Dear Beng,

Nandito ako ngayon sa Germany bilang isang studyante. Dahil malapit nang matapos ang aking visa pinayuhan ako nang aking mga kaibigang Pinay na maghanap ng mapangasawa para makapag stay dito. Lito ang aking isipan dahil hindi ko alam kong ano talaga ang dapat kong gawin. Tutuo bang mas maganda ang buhay dito kaysa atin? Tama ba kong susundin ko ang kanilang mga payo?

Confused Gurl

Hello Confused Gurl,

I was sleepy when I was checking my mails…pero nawala na ngayon dahil sa mga tanong mo. Mahirap sagutin ang huli mong tanong, dahil walang ibang taong maka pag judge niyan kong tama ba o mali ang mag-aasawa ka para lang makakakuha nang visa kundi ikaw din mismo. Before you decide, pag-isipan mo munang mabuti. Tanungin mo ang iyong puso at sarili kong kaya mo bang makapiling ang taong hindi mo mahal. You have to set your priorities. Ano ba ang pinaka importante sa iyo? Huwag kang padalos-dalos at lalong-lalo na, do not let other people influence your decision.

Tungkol naman sa buhay dito. Depende sa sarili natin yan…we are the one responsible to make our life beautiful. It also depends to our needs and goals my dear. When it comes to financial matters, well…gaganda lang ang buhay kapag tayo ay magsusumikap. Except of course if you hit the jackpot and marry a rich guy.

By the way, when you write me next time…please be concrete with your questions para mabigyan din kita ng konkretong sagot. Okay?

Truly yours,
Beng

Gutom!!!

It’s almost one week now that I have started having diet…this time hindi Herbalife and ginamit kong dietary supplement kundi Formoline.

When I was younger…it wasn’t necessary for me to use any of this products. Pero dahil kapag ang tao ay tumatanda na, humihina na rin ang metabolism. It’s utterly a torture if I’m on diet dahil lagi na lang nasa isip ko ang pagkain. Para sa akin hindi lang metabolism ang mahina, pati na rin ang aking will and determination. Lalong-lalo na kapag makikita ko sa weighing scale na halos walang nabawas sa aking timbang.

Ang hirap talaga kapag babae…maraming arte. Well, I think I need to find an inspiration para motivated akong magpapayat. Hmmn, ano kaya? :roll: haay naku, hindi ako makapag-isip kapag gutom. Punta na lang ako nang kusina para magngatngat nang carrot…