Germany O Pilipinas

Dear Beng,

Nandito ako ngayon sa Germany bilang isang studyante. Dahil malapit nang matapos ang aking visa pinayuhan ako nang aking mga kaibigang Pinay na maghanap ng mapangasawa para makapag stay dito. Lito ang aking isipan dahil hindi ko alam kong ano talaga ang dapat kong gawin. Tutuo bang mas maganda ang buhay dito kaysa atin? Tama ba kong susundin ko ang kanilang mga payo?

Confused Gurl

Hello Confused Gurl,

I was sleepy when I was checking my mails…pero nawala na ngayon dahil sa mga tanong mo. Mahirap sagutin ang huli mong tanong, dahil walang ibang taong maka pag judge niyan kong tama ba o mali ang mag-aasawa ka para lang makakakuha nang visa kundi ikaw din mismo. Before you decide, pag-isipan mo munang mabuti. Tanungin mo ang iyong puso at sarili kong kaya mo bang makapiling ang taong hindi mo mahal. You have to set your priorities. Ano ba ang pinaka importante sa iyo? Huwag kang padalos-dalos at lalong-lalo na, do not let other people influence your decision.

Tungkol naman sa buhay dito. Depende sa sarili natin yan…we are the one responsible to make our life beautiful. It also depends to our needs and goals my dear. When it comes to financial matters, well…gaganda lang ang buhay kapag tayo ay magsusumikap. Except of course if you hit the jackpot and marry a rich guy.

By the way, when you write me next time…please be concrete with your questions para mabigyan din kita ng konkretong sagot. Okay?

Truly yours,
Beng

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...