Brod goes Palau

My mom text me early this morning, requesting me to call home dahil paalis na si brod Junjun papuntang Palau. He is one of those lucky engineers na natanggap na magtrabaho doon. Anywayz, ang sarap pa sanang matulog pero bumangon na lang ako para ko pa siya maabutan. Ayon nagka-usap kami sandali, at nasabi niya nga sa akin na siya ay malungkot dahil maiwanan niya ang kanyang asawa and one week old baby. Well, I do understand how he feel. Sinabi ko sa kanya na talagang ganyan ang buhay. We can’t have everything the way we want it. If we want success, we also have to sacrifice.

I asked him where Palau is, dahil hindi ko alam kong saang sulok ito inilagay ni Lord. Gusto ko lang malaman kong ang aking hahanapin sa mapa ay kasing laki ng isang tuldok o kasing lapad ng aking ilong. Ayon sabi niya, Palau is one of the trust territories of the Pacific islands.

Pagkatapos naming mag-usap ni brod, sumingit bigla si mother at ipinapaalala sa akin yong kanyang request. Upps, sorry mother, i 4got na kong ano yon…dami mo kasing ni request eh…hindi ko nailista. Oh yes cellphone pala. O sige ipapadala ko sa yo yong pinaka latest model ng Nokia. It’s the smallest cellphone on earth…na ang battery ay battery ng auto. Ay tawanan silang lahat doon. Buti na lang wala ako sa harap niya, kundi binatukan na ako nun.

After our phone conversation, punta kaagad ako sa computer para matingnan kong saan ang Palau na yan. Aba how impressing!!! Ang ganda-ganda lugar…they described it as “spectacular 400 mile long strand of pearls laid across blue sea” The spaniards laid claim to them in 1898 and sold them to Germany a year later. Napunta sa mga Americans 1946 and gained their independence in 1994.

Enough about their history…napahaba tuloy ang entry ko na to dahil dyan. According sa nabasa ko, Palau is rated as one of the Seven Under Water Wonders of the world. Sa picture pa lang impress na talaga ako…parang gusto na ring pumunta doon. Pero hindi para magtrabaho ha, kundi para magiging isang serena. Or kahit ala Loreley na nakaupo sa bato habang kinakantahan ang mga dumadaang barko okay din sa akin.

Hayy, hindi pa pala ako nakakain kaya medyo maluwang ang aking turnelyo ngayon. O sige na blog, alis na muna ako para maipasok ko na sa oven yong ginawa kong “Pinaupong Pusa”:!

Beng

Beng Hafner is my name. Well, most of you know that already. I am a mother of 3 and a granny of 3 cute kids. I am proud to be who I am and I am proud of the way I am. I am alive because I have a lot to live for. I have many dreams that I wish to reach for and I have many journeys to make. My life is like a soap opera, and you are the audience.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *